Lalaki Na Naka-croptop At Tadtad Ng Pekeng Tattoo, Isa Palang Pinakamayamang Hari Sa Buong Mundo

Aakalain niyo ba na ang lalaki na ito na naka-croptop at tadtad ng mga pekeng tattoo ay isa palang hari? Hindi lang ito basta hari kundi pin...


Aakalain niyo ba na ang lalaki na ito na naka-croptop at tadtad ng mga pekeng tattoo ay isa palang hari? Hindi lang ito basta hari kundi pinakamayamang hari sa buong mundo. Walong beses itong mayaman sa reyna ng United Kingdom na si Queen Elizabeth II, dalawang beses na mas mayaman sa hari ng Saudi Arabia na si King Salman, at higit na mas mayaman sa Sultan ng Brunei na si Hassanal Bolkiah.

Isa sa pinakakontrobersyal na monarkiya sa kasaysayan, ating kilalanin ang hari ng Thailand na si Maha Vajiralongkorn.

Si Maha Vajiralongkorn na may opisyal name na King Rama X ay ang ika-sampung hari ng Chakri dynasty ng Thailand. Ito ay matapos ang pagp4naw ng kaniyang ama na si King Bhumibol Adulyadej noong Oktubre 2016. Mayo 4, 2019 ang opisyal na koronasyon nito na ginanap sa Grand Palace sa Bangkok at ginastusan ng $31-M o humigit kumulang na P1.5-B.

Ang Royal prosession ay tumagal ng mahigit na anim na oras. Iniikot sa lansangan ang Bangkok ang hari sakay ng isang upuan na gawa sa ginto at buhat buhat ng labing anim na sundalo.

Ang prosisyon ay kinabibilangan ng mahigit na 1,300 na opisyal at mga puting elepante na pinanood ng daan-daang libong tao sa Bangkok. Kabilang sa mga nag-martsa ay ang panganay na anak nito na si Princess Bajrakitiyabha at ang bago nitong asawa na si Queen Suthida.

Isinuot ng hari ang iconic na 'Great Crown of Victory'. Gawa ito sa purong ginto at tadtad ng mga diamonds at mayroon din itong malaki at pambihirang diamonds na mula sa India na nakalagay sa bandang itaas ng korona. Ang koronang ginto ay may timbang na 7.3 kg at minana pa sa unang hari na si King Rama I noong 1782. Bilang bagong hari, isa sa pinakauna at kontrobersyal na kautusan nito ay ang paglipat ng mga royal assets at crown holdings sa personal ownership nito. Ibig sabihin ay lahat ng ari-arian at negosyo na dating pinapatakbo ng crown property bureau ay personal na nitong pag-aari. 

Si Vajiralongkorn ay may estimated net worth na $43-B o humigit kumulang dalawang trillion pesos. Ang kaabuang halaga ng royal assets ay hindi baba sa $70-B. Ang ilan sa mga pag-aari ni Vajiralongkorn ay ang 38 na mga aircrafts, kabilang na ang 4 Boeing Commercial Jet, 3 Airbus Commercial Jet, 3 Sukhoi Superjet 100, 4 Northrop F-5E Eighter Jet, at 21 na helicopter.

Sa mainternance at fuel pa lamang ay ginagastusan na ito ng $64-M kada taon. SiVajiralongkorn ay malimit makitang nagbibisikleta kapag sa ibang bansa. Ngunit sa Thailand, nagmamay-ari ito ng pinakamahal na mga kotse sa buong mundo. Katulad na lamang ng Rolls Royce Silver Cloud III na may presyo na $1-M, Rolls Royce Phantom IV na nagkakahalaga ng $1.1-M, Mayback S600 Pullman na $1.4-M, Rolls Royce Silver na may presyo na $2-M, at marami pang iba.



Nagmamay-ari din ito ng 16,000 acres ng lupain sa Thailand na pinauupahan sa mga negosyante at mga mamamayan. Pag-aari din nito ang The Grace Palace Complex na siyang opisyal residents ng mga hari mula pa noong 1785 ngunit ngayon ay ginagamit na lamang ito tuwing may ceremonial activities ang royal family.

Isa ito sa mga tourist attraction sa mga turista na bumibisita sa Bangkok. Ang Complex ay may lawak na 2.3 million square feet na nagsilbi din bilang primary office ng mga Hari at ng Royal Court hanggang sa taong 1925.



Sa ngayon ang Hari ng Thailand ay nakatira sa eleganteng Dusit Palace. Ang Dusit Palace Complex ay may kabuuang lawak na 64,749 square meters at tinatayuan ng labing tatlong Royal residents. Kabilang na ang Amphorn Sathan Residential Hall na opisyal na residents ng Hari na si Vajiralongkorn. Ang Siam Paragon, Siam Discover, at Siam Center Mall ay ilan lamang sa mga sikat na mall sa Bangkok na nakatayo sa lupain na pag-aari ng Hari. 24% stake ng Siam commercial bank at 33% stake ng pinakamalaking industrial company ng Siam Cement Group ay pagmamay-ari din nito. 

Tinatayang hindi bababa ng $30-B ang property holdings na pagmamay-ari ng Hari sa Bangkok pa lamang. Ang ilan pa sa pinakamahal na pag-aari nito ay ang Royal Nine Tiered Umbrella na gawa sa white silk at ginto, The Sword of Victory na sumisimbolo sa kapangyarihan ng hari na gawa din sa ginto na may mga dyamante at precious stone, at nasa pangangalaga din nio ang Golden Jubilee Diamond, isang brown diamond na may timbang na 545.67 carats na isa sa mga tinuturing na pinakamalaking dyamante sa buong mundo. Nagkakahalaga ito ng mahigit na $12-M.


Sa ilalim ng batas ng Thailand, ang lahat ng puting elepante ay pag-aari ng Hari. Ang puting elepante ay sumisimbolo sa aspeto ng kalinisan.

Ang ama ni Vajiralongkorn ay ang dating Hari na si King Bhumibol Adulyadej na siyang tinuturing na isa sa pinaka mahusay na hari sa kasaysayan ng Thailand. Kaya naman marami ang nagluksa sa pagk4m4tay nito.


Taliwas ng kaniyang ama, ang kasalukuyang hari ay maraming kritiko at pinaka kontrobersyal sa lahat ng naging Hari ng Thailand. Dahil sa pagiging babaero, binansagan ito na 'Playboy King of Thailand.' Si Vajiralongkorn ay apat ng beses ng ikinasal at talong beses na nakipag-div0rce. Ang pang-apat at pinakabago nito ay si Queen Sudittha. Bukod sa asawa, legal din ang pagkakaroon nito ng kab1t. Ang kab1t nito na si Sininat ay may opisyal na title na 'Royal Concubine of the King of Thailand'. 

Isa sa mga isyu na pinupuk0l sa Hari ay ang palagian nitong pagkawala sa Thailand at mas madalas pang nanatili sa Germany. Sa kasagsagan ng C0VID-19 pand3mic, ang Hari ay nanatili sa isang 4-star hotel sa Germany na ayon sa mga report ay kasama ang 20 babae na konsorte.


Ang buong Grand Hotel Sonnenbichil na matatagpuan sa sikat na babarian Alps ay nirentahan ng Hari na nakakuha ng special permit sa local authority doon. Ito ay kahit pa karamihan sa mga hotel sa Germany ay sarado dahil sa lockdown na ipinapatupad. Habang ang mamamayan nito sa Thailand ay nakikipaglaban sa banta ng C0VID-19 pand3mic.

Dahil dito, hindi napigilang magprotesta ng mga Thai at doon na nagtrending ang hashtag na 'Why do we need a King' sa wikang Thai.


Bago pa man maging Hari, mas mahabang panahon ang inilagi nito sa Germany kumpara sa Thailand. Ilang beses na din itong nakita sa mga shopping stores doon kasama ang Royal Consort nito habang nakasuot na croptop at burdad ng mga pekeng tattoo.

Usap usapan din na mayroong itong mansion sa Lake Starnberg, ilang kilometro lamang ang layo mula sa Grand Hotel Sonnenbichil.

Ang royal assets ng British monarchy ay may estimated na $88-B habang ang sa Thai monarchy ay tinatayang $70-B o higit pa. Kaya't paniwala ng ilang eksperto na mas mayaman pa ang Thai monarchy kumpara sa British monarchy. At walang duda na si King Maha Vajiralongkorn ang pinakamayamang hari na nabubuhay ngayon sa mundo. 

Ang isa sa patunay ng kapangyarihan ng Hari ng Thailand ay ang batas na 'Mes Majeste'. Bawal insultuhin, pagsabihan ng masama, at pagbantaan ang kanilang Hari at mga miyembro ng royal family. May karampatang parusa ito ng pagkakakulong ng tatlo hanggang labing limang taon.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Lalaki Na Naka-croptop At Tadtad Ng Pekeng Tattoo, Isa Palang Pinakamayamang Hari Sa Buong Mundo
Lalaki Na Naka-croptop At Tadtad Ng Pekeng Tattoo, Isa Palang Pinakamayamang Hari Sa Buong Mundo
https://1.bp.blogspot.com/-J6i0MjbP5rk/YAZ5O2mdY5I/AAAAAAAAOT8/7X60P8LDHqoLZbVrEazo75HW2wGZXMpWwCLcBGAsYHQ/w640-h360/hariasnfbfafas.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-J6i0MjbP5rk/YAZ5O2mdY5I/AAAAAAAAOT8/7X60P8LDHqoLZbVrEazo75HW2wGZXMpWwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/hariasnfbfafas.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/01/lalaki-na-naka-croptop-at-tadtad-ng.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/01/lalaki-na-naka-croptop-at-tadtad-ng.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy