Coco Martin At Julia Montes, Aamin Na Raw Sa Publiko Tungkol Sa Kanilang Relasyon Ngayong Wala Na Si Yassi

Ngayon na wala na si Yassi Pressman bilang leading lady ni Coco Martin sa 'Ang Probinsyano', isang malaking katanungan sa publiko ng...


Ngayon na wala na si Yassi Pressman bilang leading lady ni Coco Martin sa 'Ang Probinsyano', isang malaking katanungan sa publiko ngayon kung handa na bang aminin nina Coco at Julia Montes ang kanilang relasyon.

Ito kasi ang spekulasyon na usap-usapan ngayon sa social media matapos kumalat online ang mga larawan ni Julia kung saan sinasabi na kuha umano sa bahay ni Coco.

Hanggang ngayon ay patuloy pa din na dumadami ang balita at mga nagsu-suspetsya tungkol sa status ng relasyon nina Coco at Julia.



At kamakailan lamang nga, isang fan account ang nagpakita ng kanilang opinyon tungkol sa larawan nina Coco at Julia na kuha umano sa magkaparehas na lugar.

Noong Disyembre 8, 2020, ibinahagi ni Julia sa kaniyang Instagram account ang kaniyang larawan na kuha sa isang hardin. Sa nasabing larawan, makikita si Julia na nakayakap sa isang malaking bato at nasa likod niya ay ang mga luntiang halaman.

Mayroon pang isang Instagram post si Julia na kuha din sa parehas na lugar. Ang petsa naman noon ay Nobyembre 2020.



Samantala, noong Disyembre 2020 naman ay napansin ng mga netizens ang larawan ni Coco. Ito ay kuha naman sa hardin ng bahay ng aktor kung saan makikita na tinitignan niya ang alaga niyang mga ibon.

Ang mga fans naman ay kaagad pinagdikit ang mga larawan ng dalawa.

Kapansin pansin din na ang Philodendron selloum plants ay magkamukha sa larawan nilang dalawa. Kahit na ang malaking bato sa larawan ni Julia ay kapansin pansin din ang pagkakapareho sa bato na mayroon si Coco sa kanilang hardin.



Mula taong 2014 hanggang 2017, maraming beses ng tinanong ng mga entertainment press si Julia tungkol sa kaniyang relasyon sa aktor na si Coco.

At kamakailan lamang, isang report mula sa Bandera ang nagsasabi na handa na umano ngayon na ihayag nina Coco at Julia sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon.



Ayon sa ilang source, ngayon na wala na si Yassi Pressman bilang leading lady ni Coco, wala na umano makakahadlang pa sa dalawa na aminin ang kanilang relasyon sa publiko. 

Hanggang ngayon ay patuloy pa din ang pagbibigay ni Julia ng suporta para sa nalalapit na pelikula ni Coco. Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Julia ang larawan at video mula sa official teaser ng pelikula ni Coco na 'Love or Money' kasama si Angelica Panganiban. 



Sa kaniyang post, inilagay lamang ni Julia ang petsa kung kailan ipapalabas ang nasabing pelikula.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Coco Martin At Julia Montes, Aamin Na Raw Sa Publiko Tungkol Sa Kanilang Relasyon Ngayong Wala Na Si Yassi
Coco Martin At Julia Montes, Aamin Na Raw Sa Publiko Tungkol Sa Kanilang Relasyon Ngayong Wala Na Si Yassi
https://1.bp.blogspot.com/--ItLQdAnl7E/YCUKvyL7GSI/AAAAAAAAQ48/sTIbI7P-vRckDaoIQ5pokuoPU3WhA7qPgCLcBGAsYHQ/w640-h360/cocodgsdffs.jpg
https://1.bp.blogspot.com/--ItLQdAnl7E/YCUKvyL7GSI/AAAAAAAAQ48/sTIbI7P-vRckDaoIQ5pokuoPU3WhA7qPgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/cocodgsdffs.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/coco-martin-at-julia-montes-aamin-na.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/coco-martin-at-julia-montes-aamin-na.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy