Estudyante, Naglalako Ng Isda Upang Makaipon Para Makabili Ng Cellphone Para Sa Kaniyang Online Class

Kinabiliban at umantig sa puso ng mga netizens ang isang estudyante mula sa Rosario, Cavite na naglalako ng isda upang makaipon para makabil...


Kinabiliban at umantig sa puso ng mga netizens ang isang estudyante mula sa Rosario, Cavite na naglalako ng isda upang makaipon para makabili ng cellphone na kaniyang gagamitin sa kanilang online class.

Ito ay sa gitna ng pangangailangan ng mga estudyante ng mga gadget para sa online learning dahil ipinagbabawal muna sa ngayon ang pagkakaroon ng physical classes dahil sa patuloy na banta ng C0VID-19 sa bansa.

Ayon sa Grade 12 student na si Ella Mae Fernando, higit isang kilometro ang kaniyang nilalakad para makabenta ng isda. Mayroon naman daw cellphone si Ella noon ngunit ito ay nasira noong mahulog sa dagat.


Paglalahad ni Ella, humihiram lamang umano siya ng cellphone kung mayroong maaaring hirapan noong nagsimula ang kaniyang online class sa isang pribadong paaralan nitong Agosto 24. Ngunit, dahil minsan ay walang mahiraman, nahihirapan umano si Ella na makahabol sa klase.

Aniya,

"Nahihirapan po ako maghabol ng subject, hindi ko po ma-search ang kailangang i-search, sariling sikap na lang."

Kumikita naman si Ella ng P5 hanggang P10 sa bawat balot ng isda na kaniyang nabebenta at nasa P600 pa lamang ang kaniyang naiipon.

Ang mga magulang ni Ella ay hiwalay na at nahihiya din naman siyang humingi ng pera sa mga ito sa kadahilanan na nawalan na din ng trabaho ang kaniyang ama simula noong mag-lockdown.

Saad ng ama ni Ella na si Regie Velarde,

"Sana naman po 'yung mga taong natulungan ko, maalala nila kami kasi walang wala na po talaga kami."

Ayon kay Ella, may mga negatibong komento siyang naririnig mula sa ibang tao ngunit ito ay hindi na lamang niya pinapansin dahil ang importante sa kaniya ay ang maipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral.

Ani Ella,

"Ang goal ko po talaga makapagtapos kasi gusto ko pag-aralin dalawa ko kapatid."

Hiling naman ni Regie na sana ay matulungan ng may mabubuting loob ang kaniyang anak.

Aniya,

"Yang batang po 'yan top 2 sa school nila. Sana po matulungan 'yung bata kasi deserving naman, nag-aaral po 'yan."

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Estudyante, Naglalako Ng Isda Upang Makaipon Para Makabili Ng Cellphone Para Sa Kaniyang Online Class
Estudyante, Naglalako Ng Isda Upang Makaipon Para Makabili Ng Cellphone Para Sa Kaniyang Online Class
https://1.bp.blogspot.com/-cY6CIuzvkB4/YCZu0O7EAwI/AAAAAAAAQ_k/kAw3oUhlqu8suCO3p03pBAaqZ9tb95gMwCLcBGAsYHQ/w640-h360/batsaasaff.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-cY6CIuzvkB4/YCZu0O7EAwI/AAAAAAAAQ_k/kAw3oUhlqu8suCO3p03pBAaqZ9tb95gMwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/batsaasaff.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/estudyante-naglalako-ng-isda-upang.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/estudyante-naglalako-ng-isda-upang.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy