Herlene Budol ‘Hipon Girl’, Parami Ng Parami Ang Mga Negosyong Naipapatayo Matapo Gumanda Ang Showbiz Career

Si Herlene Budol ay isa ngayon sa mga kilala at in-demand na personalidad sa Philippine showbiz industry. Kahit pa man kakasimula pa lamang ...


Si Herlene Budol ay isa ngayon sa mga kilala at in-demand na personalidad sa Philippine showbiz industry. Kahit pa man kakasimula pa lamang niya sa showbiz ay gumawa na siya kaagad ng kaniyang sariling pangalan. Nagsimula ang showbiz career ni Herlene noong siya ay maging isa sa mga contestant ng isang segment sa 'Wowowin'.

Kaagad naman niyang nakuha ang atensyon at puso ni Willie Revillame dahil sa kaniyang charm at natural na talento sa pagpapatawa. Kaya naman, kinuha siya ni Willie bilang isa sa mga host ng kaniyang show at napabilang din siya sa Willie's Angel.

Bukod sa pagiging host, tinahak na din ngayon ni Herlene ang pagiging aktres. At ang kaniyang unang drama role nga ay ang show ng GMA-7 na 'Magpakailanman'. Ipinakita naman ni Herlene sa publiko na hindi lamang niya kaya ang pagpapatawa kundi siya ay mayroon ding kakayahan na makapagpaiyak sa mga manonood.



Dahil sa kaniyang sipag, tiyaga, determinasyon, at diskarte, unti unti na din niyang nakakamit ang mga pangarap niya sa buhay. Siya ay nagsimulang magkaroon ng mga sarili niyang mga investment properties katulad na lamang ng pagkakaroon ng sariling bahay, kotse, at pati na din ang pagkakaroon ng negosyo.

Sa isang panayam sa GMA Network, naibahagi ni Herlene ang hirap ng buhay na pinagdaanan nila noon na nagtulak sa kaniya para sumali sa segment ng Wowowin. 



Ayon pa sa kaniya, siya ay lumaki sa piling ng kaniyang lola at lolo na isa sa mga inspirasyon niya kung bakit siya nagtatrabaho ng mabuti. 

Ibinahagi din ni Herlene kung paano niya ginastos ang unang sahod na natanggap niya sa Wowowin. Binigyan pa nga daw siya noon ng payo ni Willie na i-celebrate ito sa labas kasama ang kaniyang pamilya na ginawa naman niya para din maiparanas sa kaniyang pamilya ang kaginhawaan ng buhay.



Kaya naman ngayon ay patuloy siyang nagsisikap at nagtatrabaho ng mabuti, hindi lamang para maabot ang mga pangarap niya, kundi para na din mabigyan ng maganda at komportableng buhay ang kaniyang pamilya.

Lubos naman na nagpapasalamat si Herlene kay Willie dahil sa oportunidad na ibinigay nito sa kaniya. 



Ngayon ay nararanasan na niyang maging isang bida hindi katulad dati na puro extra lamang kaya naman ang kaniyang puso ngayon ay punong puno ng kasiyahan.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Herlene Budol ‘Hipon Girl’, Parami Ng Parami Ang Mga Negosyong Naipapatayo Matapo Gumanda Ang Showbiz Career
Herlene Budol ‘Hipon Girl’, Parami Ng Parami Ang Mga Negosyong Naipapatayo Matapo Gumanda Ang Showbiz Career
https://1.bp.blogspot.com/-dEpwu9dAE7k/YDceObj9lEI/AAAAAAAARfQ/_2xIa_W0FDkvAwyF-7iBMN_uQu3rgUcRACLcBGAsYHQ/w640-h360/hersdfggasgsagsd.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-dEpwu9dAE7k/YDceObj9lEI/AAAAAAAARfQ/_2xIa_W0FDkvAwyF-7iBMN_uQu3rgUcRACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/hersdfggasgsagsd.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/herlene-budol-hipon-girl-parami-ng.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/herlene-budol-hipon-girl-parami-ng.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy