Herlene Budol O Kilala Sa Tawag Na ‘Hipon Girl’, Ibinahagi Kung Paano Binago Ng Wowowin Ang Kaniyang Buhay

Inihayag ni Herlene 'Hipon Girl' Budol ang kaniyang pasasalamat sa TV host na si Willie Revillame sa lahat ng mga mabubuting bagay n...


Inihayag ni Herlene 'Hipon Girl' Budol ang kaniyang pasasalamat sa TV host na si Willie Revillame sa lahat ng mga mabubuting bagay na ginawa nito para sa kaniya.

Nagsimula ang career ni Herlene noong siya ay sumali sa isa sa mga segment ng 'Wowowin' na iniho-host ni Willie Revillame. Dahil sa kaniyang charisma at nakakatawang personalidad, mabilis naman na nakuha ni Herlene ang atensyon ng mga manonood, netizens, at maging si Willie.

Matapos noon, kinuha ni Willie si Herlene bilang isa sa mga co-host ng nasabing game show at siya ay naging parte ng grupo na tinatawag na 'Willie's Angels' kasama sina Donita Rose at Sugar Mercado.



Ngunit, bukod sa pagiging host, nabigyan din ng pagkakataon si Hipon Girl para ipakita sa marami ang kaniyang talento pagdating sa pag-arte. Una niyang pinatunayan ang galing sa pag-arte noong siya ay gumanap sa Magpakailanman bilang isang OFW na nahulog sa kaniyang amo.

Bago pa man naging co-host si Herlene, mahirap na ang pinagdaanan niya sa kaniyang buhay. Hiwalay ang kaniyang mga magulang at kumakayod din siya para tustusan ang kaniyang pag-aaral at makatulong na din sa mga gastusin sa kanilang tahanan.

Ngunit, sa kaniyang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa trabaho, siya ngayon ay mayroon ng sariling bahay, sasakyan, at kahit negosyo.



Mula sa pagiging isa sa mga contestant na nais mapanalunan ang premyo sa naturang game show, si Hipon Girl ay isa na ngayon sa mga mukha ng GMA Network.

Si Herlene Nicole Budol o mas kilala bilang 'Hipon', 'Shrimpura', at 'Wowowin's trending hipon' ay nagsimulang makilala matapos sumali sa 'Willie of Fortune' sa 'Wowowin'.

Siya ay mula sa Angono, Rizal, at bago pa man siya sumali sa Willie of Fortune, siya ay nagtatrabaho sa mayor's front desk sa kanilang lugar. Bukod pa diyan, siya ay nagtatrabaho din bilang isang model at sumasali sa maraming beauty pageants. Sa katunayan nga niyan, siya ay nagwagi bilang 'Binibining Angono ng Sining' taong 2017.



Ayon kay Herlene, siya ay tinawag na 'Hipon' o 'Shrimpura' dahil hindi siya gaanong kaganda ngunit siya ay mayroong magandang pangangatawan. Ngunit, hindi siya nawalan ng lakas ng loob sa kaniyang palayaw.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Herlene Budol O Kilala Sa Tawag Na ‘Hipon Girl’, Ibinahagi Kung Paano Binago Ng Wowowin Ang Kaniyang Buhay
Herlene Budol O Kilala Sa Tawag Na ‘Hipon Girl’, Ibinahagi Kung Paano Binago Ng Wowowin Ang Kaniyang Buhay
https://1.bp.blogspot.com/-CTYGHzz7sYc/YCUOK2D5_8I/AAAAAAAAQ6M/KdZdDSxOmIQ0i8sz-s7JXLKZMQ2XrnH-gCLcBGAsYHQ/w640-h360/hipookhbmhmfgfd.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-CTYGHzz7sYc/YCUOK2D5_8I/AAAAAAAAQ6M/KdZdDSxOmIQ0i8sz-s7JXLKZMQ2XrnH-gCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/hipookhbmhmfgfd.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/herlene-budol-o-kilala-sa-tawag-na.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/herlene-budol-o-kilala-sa-tawag-na.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy