Kasambahay Na Anak Ng Isang Magsasaka, Proud Na Nakapagtapos Bilang Isang Magna Cum Laude

Ibinahagi ng isang kasambahay na nakapagtapos bilang magna cum laude ang kaniyang nakakapagbagbag-damdamin na paglalakbay sa pag-aboy ng kan...


Ibinahagi ng isang kasambahay na nakapagtapos bilang magna cum laude ang kaniyang nakakapagbagbag-damdamin na paglalakbay sa pag-aboy ng kaniyang pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral at matulungan ang kaniyang mahal na pamilya.

Hindi lahat ay masuwerte tulad ng iba sa buhay. Habang ang ilan ay ipinanganak na mayroon ng komportable at masaganang pamumuhay, mayroon ding mga tao na kailangan magsumikap ng husto para makuha ang kanilang ninanais at matupad ang pangarap na minimithi.

Para kay Jarel Barcelona Tadio, hirap man siya sa buhay at nakakaranas ng pinansyal na problema, may isang bagay pa din na malapit sa kaniyang puso, ito ay ang kaniyang pangarap.

Sa kaniyang Facebook post, inihayag niya ang kaniyang pangarap na matulungan ang kaniyang pamilya at maiahon ang mga ito sa hirap ng buhay. Ibinahagi niya na madalas siyang tinatanong ng kaniyang mga kaklase kung ano ang nais niya maging sa hinaharap at sagot niya lamang dito,

"Sa mahina at nahihiyang boses, ang sagot ko: "Wala. Wala akong gustong maging in the future. Basta mai-ayos ko lang buhay nila mama, ok na ako."

Si Tadio ay ipinanganak sa pamilya ng magsasaka. Sila ay walang sariling lupain kaya naman tuwing sasapit ang panahon ng tag-init sila ay makiki-palay lamang. Doon niya nasaksihan ang pawis at paghihirap na dinaranas ng kaniyang mga magulang na tinitiis nila ang init ng sikat ng araw kumita lamang ng pera.

Aniya,

"Laking putik ako. Laking dumi kami. Nakikisaka lang kami. Laking bukid ako kaya alam ko ang halaga ng bawat butil ng pawis na tutulo sa mga magulang ko. Kaya alam ko ang bawat sakripisyo nila."

Inamin ni Tadio na noon pa lang ay alam na niya na hindi siya makakakuha ng college degree. Bukod kasi sa laki ng kailangan niyang gastusin sa pag-aaral para sa kolehiyo, ang kaniyang pamilya ay baon na din sa utang.

At katulad mga may pangarap na nais makamit, napagdesisyunan ni Tadio na tulungan ang kaniyang sarili at maging isang kasambahay. Doon niya napagtanto na siya ay maaaring maging isang working student.

Saad niya,

"Sabi ko nun, hindi man ako masuportahan ng aking mga magulang sa pag aaral, gagawa ako ng paraan para mapag aral ko ang sarili ko. Hindi ako papayag na hindi ako makakapag aral. Hindi ako papayag na ganun ganun nalang. Hindi ko isusuko ang pangarap ko."

Pinasalamatan din niya ang kaniyang mga magulang para sa tagumpay na kaniyang nakamit.

"Ma, Pa, tagumpay nyo po ito, God just made me His instrument for you to know how successful you are."

Siya ay papasok sa eskwela ng umaga at magtatrabaho naman sa tanghali hanggang gabi. Sa kabila ng pagod, stress, pinansyal na problema, at mga pagpuna na kaniyang natatanggap, hindi ito naging hadlang para kay Tadio upang hindi magpatuloy sa pagtupad ng kaniyang pangarap. Bagkus ito ay ginawa niyang motibasyon at nagsumikap pa ng husto.

At lahat ng ito ay nagbunga dahil siya ay nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa Cagayan State University. Siya ay nagbigay ng inspirasyon para sa marami na huwag sukuan ang pangarap at huwag gawing hadlang ang mga pagsubok sa pagtupad ng iyong mga pangarap.

Saad niya,

"From the time I started dreaming, my biggest realization is, that I shall never give up on my dreams; I shall never surrender, and never let obstacles weaken and hinder my progress."

Dagdag pa niya,

"Let us not be afraid in facing challenges. Let’s pursue our dreams. Mapapagod pero hindi susuko. Masusugatan pero hindi aayaw. Mabibigo pero hindi bibitaw."





COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Kasambahay Na Anak Ng Isang Magsasaka, Proud Na Nakapagtapos Bilang Isang Magna Cum Laude
Kasambahay Na Anak Ng Isang Magsasaka, Proud Na Nakapagtapos Bilang Isang Magna Cum Laude
https://1.bp.blogspot.com/-b53AxH5HW5s/YCNOciPRQNI/AAAAAAAAQsc/-RGkSSPlZnMEdqbCv7X1_WObkJkAVtiwwCLcBGAsYHQ/w640-h360/kasadasfsafasfs.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-b53AxH5HW5s/YCNOciPRQNI/AAAAAAAAQsc/-RGkSSPlZnMEdqbCv7X1_WObkJkAVtiwwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/kasadasfsafasfs.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/kasambahay-na-anak-ng-isang-magsasaka.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/kasambahay-na-anak-ng-isang-magsasaka.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy