Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Mayroong Bilyonaryong Asawa

Karamihan sa mga kababaihan ngayon ay nagkakaroon ng mataas na pamantayan sa lalaki na pipiliin nilang pakasalan, ngunit anuman ang mga kata...


Karamihan sa mga kababaihan ngayon ay nagkakaroon ng mataas na pamantayan sa lalaki na pipiliin nilang pakasalan, ngunit anuman ang mga katangian o bagay na mayroon sila, ang mga kababaihan ay mahuhulog pa din sa isang lalaki na mayroong maayos na trabaho at kita dahil nais nilang magkaroon ng maganda at komportableng pamumuhay sa hinaharap at upang mabigyan ang kanilang mga anak ng mas magandang kinabukasan.

Wala sa atin ang nais na mabuhay nang mag-isa ngunit lahat ng mga tao ay kailangan ding ng may maayos na kita para magkaroon ng maayos na pamumuhay. Ngunit ang pagpapakasal sa isang magalang, guwapo, mapagmahal, at mayamang lalaki ay katulad na lamang ng pagkapanalo ng jackpot prize sa lotto.

Narito ang ilang mga personalidad na mayroong bilyonaryong asawa:

10. Bangs Garcia-Billamore


Si Bangs Garcia ay isa sa mga in-demand na aktres sa kanyang henerasyon sa showbiz industry. Ikinasal siya sa negosyanteng Filipino-British at property developer na si Lloyd Birchmore. Sa katunayan, ang dalawa ay nagpakasal ng tatlong beses. Ang una ay isang civil wedding sa London noong Setyembre 2016, sumunod naman ay nagpakasal ang dalawa sa simbahan sa Boracay noong Enero 2017, at beach wedding na ginanap din sa Boracay.

9. Nina Jose-Quiambao



Unang nakilala si Mary Clarie Nina Jose-Quiambao sa showbiz industry noong siya ay sumali sa reality show ng ABS-CBN na 'Pinoy Big Brother: Teen Edition 1' noong 2006. Ikinasal ang dating PBB housemate sa isang billionaire politician na si Mayor Cezar Quiambao na nagmamay-ari ng Stradcom Corporation.

8. Kaye Abad-Castillo


Si Katherine Grace Abad-Castillo o mas kilala bilang Kaye Abad ay isa sa mga kilala at magaling na aktres sa industriya ng showbiz. Siya ay unang nakilala nang siya ay maging miyembro ng Star Magic ng ABS-CBN. Siya ay ikinasal sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo.

Si Paul Jake ay ipinanganak sa isang mayamang pamilya. Ang kaniyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang bahay, rest house, at farm sa Cebu. Bukod dito, ang kaniyang pamilya din ang nagmamay-ari ng mga kilalang kompanya sa bansa tulad ng Casino Alcohol, Bioderm, at Efficascent Oil.

Si Paul Jake ay may-ari din ng isang lechunan sa Cebu na tinawag niyang 'Yobob'.

7. Dawn Zulueta-Lagdamaeo



Si Dawn Zulueta o Marie Rachel Salman Taleon-Lagdameo sa tunay na buhay ay isa sa mga kilalang aktres, TV host, at commercial model sa Pilipinas. Siya ay ikinasal kay Anton Florendo Lagdameo Jr. noong 1997. Si Anton ay isang mayamang Pilipino. Siya ay isa ding politiko at negosyante.

Si Anton ay kabilang sa wealthy clan ng Florendo sa Southern Mindanao.

6. Julia Clarete-McGeown


Si Edda Giselle Rosetta Nunez Clarette o mas kilala sa kaniyang screen name na Julia Clarete ay sang TV host, singer, at aktres. Siya ay dating co-host ng Eat Bulaga at ikinasal sa Irish national na si Gareth McGeown.

Si Gareth ay Coca-Cola Commercial Director ng Malaysia, Singapore, at Brunei. 

Ikinasal ang dalawa sa isang private wedding noong Hulyo 2017 sa Ireland.

5. Beauty Gonzales-Crisologo


Si Beauty Gonzales-Crisologo ay isa sa mga kilalang aktres sa Philippine showbiz industry. Siya ay unang nakilala noong siya ay sumali sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother kung saan siya ang naging 4th placer ng 'Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus'. Ikinasal si Beauty sa negosyante na si Normal Crisologo sa isang garden wedding sa Tagaytay.

Si Norman ay isang mayamang negosyante. Siya ay isa ding art curator ng mga luxurious paintings at art collections.

4. Pauleen Luna-Sotto


Si Pauleen Luna o Marie Pauleen Jimenez Luna-Sotto sa tunay na buhay ay isang aktres at TV host ng longest-running noontime show ng GMA-7 na 'Eat Bulaga'. Siya ay ikinasal kay Bossing Vic Sotto sa isang church wedding sa Alabang noong 2016.

Si Bossing ay tinuturing bilang Prince of Comedy at isa din sa mga main host ng 'Eat Bulaga'. Siya ay isa sa mga pinakamayamang personalidad sa bansa. Si Pauleen ay 34 taong mas bata kay Vic ngunit mapapansin na hindi naman nila pinapansin ang layo ng agwat ng kanilang edad sa isa't isa dahil sila ay masayang namumuhay ng magkasama kasama ang kanilang anak na si baby Tali.

3. Krista Ranillo-Lim


Si Cristalle Lauren Tupaz Ranillo-Lim o mas kilala bilang Krista Ranillo ay dating sexy actress at nagmula sa 'showbiz family'. Siya ay ikinasal sa kaniyang childhood sweetheart na si Nino Jefferson Lim noong 2010. Ang dalawa ay nagpakasal sa isang Jewish wedding ceremony sa Hotel Maya sa Long Bridge California, America.

Si Jefferson ay isang mayamang negosyante. Siya ang CEO at founder ng kilalang supermarket chain sa America ang 'Island Pacific Supermarket'. Ito ay mayroon ng mahigit na 16 branches sa America.

2. Gretchen Barretto



Si Gretchen Barretto ay isa sa mga sikat at magandang aktres sa Pilipinas. Siya ang partner ngayon ng kilalang business tycoon na si Tony Boy Cojuangco. 

Si Tony Boy ang dating chairman ng AirAsia at PLDT. Siya ay kasalukuyang local partner ng Okada, isa sa mga kilalang casino sa bansa.

1. Assunta de Rossi-Ledesma


Si Assunta de Rossi-Ledesma ay isa sa mga kilalang aktres sa bansa. Siya ay ikinasal sa mayamang negosyante at politiko na dating Negros Occidental Congressman na si Jules Ledesma. 19 taong gulang lamang noon si Assunta nang siya ay magpakasal kay Jules habang ang huli ay 41 na.

Si Jules ay ipinanganak sa isang mayaman at kilalang clan ng Ledesma sa Negros Occidental. Ang kaniyang pamilya ay may-ari ng ilang mga properties. Sila ay nagmamay-ari din ng isang kumpanya na kilala sa pagma-manufacture ng asukal sa sugar industry sa bansa.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Mayroong Bilyonaryong Asawa
Kilalanin Ang Mga Celebrities Na Mayroong Bilyonaryong Asawa
https://1.bp.blogspot.com/-URqw49xWiTs/YDB3X-kQ6zI/AAAAAAAARSI/SNYvE4xuabAzktjwlpEedmfCOgFlaD_cQCLcBGAsYHQ/w640-h360/saaafefrasf.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-URqw49xWiTs/YDB3X-kQ6zI/AAAAAAAARSI/SNYvE4xuabAzktjwlpEedmfCOgFlaD_cQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/saaafefrasf.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/kilalanin-ang-mga-celebrities-na.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/kilalanin-ang-mga-celebrities-na.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy