Lalaki Na Napagkamalang Masamang Tao, Inulan Ngayon Ng Tulong Mula Sa May Mabubuting Kalooban

Matapos maging viral sa social media ang kabutihan na ginawa ni  Kuya Ferdinan Pulido sa mag-asawang nasiraan ng motorsiklo sa Shaw Boulevar...


Matapos maging viral sa social media ang kabutihan na ginawa ni  Kuya Ferdinan Pulido sa mag-asawang nasiraan ng motorsiklo sa Shaw Boulevard, Mandaluyong, siya naman ngayon ang nakatanggap ng tulong mula sa mga may mabubuting kalooban.

Si Kuya Ferdinan ay dating mekaniko ng mga sasakyan na tubong Leyte. Naisipan niyang makipagsapalaran sa Maynila sa pag-asa na mas magiging maganda ang trabaho na makukuha niya dito ngunit siya ay hindi pinalad na makapasok. Idagdag pa diyan ang pagkastranded niya sa Maynila dahil naabutan na ng lockdown kaya naman labis din ang hirap na dinanas ni Kuya Ferdinan.

Ngunit, isang magandang biyaya naman ang natanggap ni Kuya Ferdinan matapos malaman ng isang organisasyon ang kaniyang hirap na kalagayan at walang makain at pangsuporta sa kaniyang  tatlong babaeng anak na naiwan sa probinsya.


Kaagad naman na nagbigay ng tulong pinansyal at pagkain ang organisasyon na 'Quarantine Tribute Tips' para kay Kuya Ferdinan. Nagpaabot din sila ng tulong para sa mga anak nito na nasa probinsya na may edad na 7, 8, at 10.

Ani Ayla Conda,

"Nag-usap kami na food na lang daw po ang kailangan niya kasi hindi na raw muna siya tutuloy umuwi ng Leyte kasi wala rin daw hanapbuhay doon, iniisip niya yung pang araw-araw ng 3 little girls niya kung uuwi siya na walang trabaho."

Sa ngayon, mayroon na ding trabaho si Kuya Ferdinan kung saan niya kinukuha ang kaniyang panggastos at ipinagtutustos sa kaniyang naiwang pamilya.

Marami sa mga netizens ang labis na hinangaan si Kuya Ferdinan dahil sa kabutihang loob na ipinakita nito. Wala siyang pagdadalawang isip na nagpaabot ng tulong sa ibang tao kahit pa man na siya ay mas nangangailangan din ng tulong.

Noong una, inamin ng mag-asawa na kaniyang tinulungan na sila ay nakaramdam ng takot at pinagdudahan siya ngunit ito ay hindi pa din naging hadlang kay Kuya Ferdinan para tumulong sa nangangailangan.

Pagbabahagi ni Judie Aquino,

"Umaaligid aligid samin... Pasindi-sindi ng sigarilyo... Palakad-lakad. By that time, binubuksan na ng asawa ko yung harapan ng motor at bakas na ang nerbyos."

Dagdag pa niya,

“Kita ko din sa kamay ni kuya ung nginig. Siguro dahil na rin sa gutom tapos natanong siya ng asawa ko paano siya nakakakain, sabi nya nanghihingi lang din daw sa mga tao.”


COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Lalaki Na Napagkamalang Masamang Tao, Inulan Ngayon Ng Tulong Mula Sa May Mabubuting Kalooban
Lalaki Na Napagkamalang Masamang Tao, Inulan Ngayon Ng Tulong Mula Sa May Mabubuting Kalooban
https://1.bp.blogspot.com/-7opp3uFcbPU/YCNc5uUqfYI/AAAAAAAAQs0/z4J7sVtT9eot-ci_ZwD9a2Hg35UGSoFiwCLcBGAsYHQ/w640-h360/asasewfsafas.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-7opp3uFcbPU/YCNc5uUqfYI/AAAAAAAAQs0/z4J7sVtT9eot-ci_ZwD9a2Hg35UGSoFiwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/asasewfsafas.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/lalaki-na-napagkamalang-masamang-tao.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/lalaki-na-napagkamalang-masamang-tao.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy