Mga Larawan Ng Simpleng Pamumuhay Ni John Lloyd Cruz, Nakatanggap Ng Iba’t-ibang Komento Online

Ano pa nga ba ang mas sasaya sa simpleng buhay? Buhay na tila hindi komplikado at walang aberya. Sabi nga nila, hindi mo kailangan na maging...


Ano pa nga ba ang mas sasaya sa simpleng buhay? Buhay na tila hindi komplikado at walang aberya. Sabi nga nila, hindi mo kailangan na maging magarbo o mayaman para lamang sumaya. Ang mas mahalaga ay marunong kang makuntento sa iyong buhay at kasama mo ang mga taong nagpapasaya sa iyo.

Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit may ilan na ding mga celebrities ngayon ang iniiwan ang limelight para lamang mamuhay ng simple ngunit masaya.

Katulad na lamang ng aktor na si John Lloyd Cruz. Malayo sa glamorosong pamumuhay niya noon, makikita na tila mas kumportable na ito sa simpleng pamumuhay na mayroon siya ngayon. 


Malayo man siya sa gulo ng showbiz at mga kislap ng kamera, makikita pa din sa mukha ng aktor ang pagiging kuntento sa buhay na mayroon siya ngayon at hindi pa din kumukupas ang kaniyang kaguwapuhan kahit pa man payak ang kaniyang pananamit.

Kamakailan lamang, muli na namang gumawa ng ingay si John Lloyd sa social media. Ito ay matapos kumalat ng kaniyang mga larawan online kung saan makikita ang simpleng pamumuhay niya sa Palawan.


Sa mga larawan na ipinost sa official Facebook page na "John Lloyd Cruz", makikita ang simple ngunit masayang buhay ngayon ng dramatic actor sa El Nido, Palawan. Makikita sa mga larawan na nakasuot lamang si John Lloyd ng puting T-shirt at dark short at simpleng sling bag para sa kaniyang mga personal na gamit.

Sa iba pang mga larawan, makikita na tila pinagbigyan niya ang mga taong humiling na magpa-picture sa kaniya. Maliban sa pagngiti sa camera, makikita ding kumain si John Lloyd ng street food. Sa iba pang larawan ay makikita nga na kumukuha ito sa isang kiosk ng kikiam, kwek-kwek, at fish ball.


Kahit pa man medyo humaba na ang balbas at ang kaniyang buhok, mapapansin ang kasiyahan at kakuntentuhan sa mukha ng aktor.

Malayong malayo na talaga ang buhay ngayon na mayroon si John Lloyd kumpara sa glamorosong pamumuhay niya noon. Gayunpaman, mapapansin ang kasiyahan at kakuntentuhan sa mukha ng aktor sa kung ano man ang meron siya ngayon.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Mga Larawan Ng Simpleng Pamumuhay Ni John Lloyd Cruz, Nakatanggap Ng Iba’t-ibang Komento Online
Mga Larawan Ng Simpleng Pamumuhay Ni John Lloyd Cruz, Nakatanggap Ng Iba’t-ibang Komento Online
https://1.bp.blogspot.com/-P7BCkfJsXCY/YDI9ubrsq-I/AAAAAAAARbc/dz5a-vn-qfUMF3QIjsqZj0QKZb31oooDwCLcBGAsYHQ/w640-h360/jddsdafaas.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-P7BCkfJsXCY/YDI9ubrsq-I/AAAAAAAARbc/dz5a-vn-qfUMF3QIjsqZj0QKZb31oooDwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/jddsdafaas.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/mga-larawan-ng-simpleng-pamumuhay-ni.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/mga-larawan-ng-simpleng-pamumuhay-ni.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy