Mga Residente Ng Batangas, Ipinag-evacuate Dahil Sa Muling Pag-aalbur0t0 Ng Taal Volcano

Nitong Martes lamang, Pebrero 16, 2021, iniutos ng provincial government ng Batangas sa mga residente ng Taal Volcano Island na mag-evacuate...

Nitong Martes lamang, Pebrero 16, 2021, iniutos ng provincial government ng Batangas sa mga residente ng Taal Volcano Island na mag-evacuate muna dahil sa "slightly increased" na aktibidad na nangyayari sa bulkan.

Iniutos din ng NDRRMC ang page-evacuate ng mga residente sa naturang lugar.

Itinala ng mga volcanologist ang kaunting pagtaas ng pagyanig pati na din ang mga pagbabago sa Main Crater Lake ng Taal Volcano sa lalawigan ng Batangas.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa isang advisory noong Lunes, Pebrero 15, ika-3:30 ng hapon, ang obserbasyon na kanilang isinagawa kung saan napag-alaman nila ang 'slightly increased seismic activity' sa bulkan.



Tinatayang nasa 50 na mahinang panginginig ang narinig mula sa nasabing lugar mula 5 ng umaga hanggang 3 ng hapon noong Lunes lamang.

Sa bulletin nitong 8 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na ang Taal Volcano ay nasa Alert Level 1 o abnormal na kondisyon.

Ani Phivolcs,

“These tremor episodes ranged in duration from 2 to 5 minutes and occurred at shallow depths of less than 1 kilometer, signaling increased hydrothermal activity beneath Taal Volcano Island.”



Dagdag pa ng ahensya, mula noong Sabado, Pebrero 13, nagkaroon ng "68 shallow tremor episodes" sa Taal Volcano Island.

Maliban sa pagyanig mula sa bulkan, nabanggit ng Phivolcs ang pagtaas ng acidity at temperatura ng Main Crater Lake.

Nagbabala na din ang Phivolcs na "there are increased possibilities of sudden steam-driven."

Dagdag pa ng ahensya na ang pagpasok sa Taal Volcano Island, lalo na ang mga lugar na malapit sa Main Crater Lake at ng Daang Kastila fissure ay dapat na manatiling mahigpit na ipinagbabawal na puntahan.



Kaya naman pwershang pina-evacuate ang mga residente ng Batangas.

Pinayuhan din ng local government na suriin ang mga evacuation centers upang tignan ang mga lugar at maghanda sa posibleng pagsab0g ng bulkan.

Bilang maagang pag-iingat, ayaw na sana ng gobyerno na muling maulit ang pangyayari noong nakaraang taon.

Hinimok naman ang mga Pilipino na ipagbigay-alam sa bawat isa na maging alerto. Hiling din sa kanila na mag-doble ingat.


COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Mga Residente Ng Batangas, Ipinag-evacuate Dahil Sa Muling Pag-aalbur0t0 Ng Taal Volcano
Mga Residente Ng Batangas, Ipinag-evacuate Dahil Sa Muling Pag-aalbur0t0 Ng Taal Volcano
https://1.bp.blogspot.com/-5o1bnTyhv2c/YC5VgXHjBeI/AAAAAAAARKM/L_zsVV5akj4of2j_AZWgGCQQZnYpmtKOwCLcBGAsYHQ/w640-h360/eeeffsa.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-5o1bnTyhv2c/YC5VgXHjBeI/AAAAAAAARKM/L_zsVV5akj4of2j_AZWgGCQQZnYpmtKOwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/eeeffsa.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/mga-residente-ng-batangas-ipinag.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/mga-residente-ng-batangas-ipinag.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy