Sila Pala Ang Mga Kilalang Artista Na Mahirap Pala Noon Ngunit Pinakamayaman Na Ngayon

May mga taong pinanganak na mayaman at mas madami naman na mga taong pinanganak na mahirap. Ngunit, sabi ng ilan mas masarap daw yung galing...


May mga taong pinanganak na mayaman at mas madami naman na mga taong pinanganak na mahirap. Ngunit, sabi ng ilan mas masarap daw yung galing ka sa kahirapan at bigla kang yayaman.

Narito ang celebrities na mahirap noon at mayaman na ngayon:

10. Richard Gomez

Ang binansagang Tall, Dark, and Handsome ng Pilipinas  at ang kasalukuyang Mayor ng Ormoc City. Bago sumikat si Richard Gomez ay naranasan din nitong maging isang service crew sa isang fastfood chain. Pero dahil sa natural na artistahing hitsura ay na-discover si Richard noong 1984 at doon na nagsimula ang kaniyang pagsikat sa kaniyang showbiz career.

Bukod sa pag-aartista, isa ding atleta si Richard sa larangan ng fencing kung saan naranasan niyang lumaban sa Sea Games. Si Richard ay may estimated net worth na $5-M o P250-M.

9. Jericho Rosales

Si Jericho Rosales ay isa sa mga unang binansagan na matinee idol sa bansa dahil sa angking kagwapuhan nito at galing sa pag-arte. Pero bago siya sumikat ay madami din itong napagdaanan sa buhay. Para matulungan ang kaniyang ina na tindera sa palengke, nagtrabaho si Jericho sa fish port bilang tindero ng isda. Naranasan din nitong maging service crew at maging driver. Hanggang noong 1996 ay sumali ito at na-discover sa Mr. Pogi Talent Search ng Eat Bulaga.

Simula noon ay dumami na ang mga project ni Jericho na nagdala sa kaniya sa kasikatan. Nakapagpundar na ang aktor ng kaniyang sariling bahay at mayroon din siyang mga mamahaling sasakyan, gaya na Mustang 65. Si Jericho ay mayroong net worth na $3.5-M o P175-M.

8. Marvin Agustin

Bago naging sikat na aktor at businessman, si Marvin Agustin ay talaga namang madami itong napasukan na trabaho. Naranasan nitong maging waiter, clerk sa isang video store, at mascot din. Hanggang sa mapasama siya at makilala sa isang youth-oriented show ng ABS-CBN na Gimik. Naging stepping stone niya ito sa kaniyang showbiz career.

Sa kasalukuyan, si Marvin ngayon ay abala sa kaniyang restaurant business. Siya ang co-owner ng mga restaurant gaya na 'SumoSam' at Japanese Restaurant na 'John and Yoko.' Naipatayo na din niya ang kaniyang dream house sa may Whiteplains, Quezon City.

Si Marvin ay may estimated net worth na $5-M o P250-M.

7. Regine Velasquez-Alcasid

Si Regine Velasquez-Alcasid ay isa sa pinakasikat na singer sa bansa at binansagan na 'Asia's Songbird' dahil sa taas at ganda ng boses nito. Pero bago niya nakuha ang tagumpay, dumaan muna siya sa kahirapan.

Si Regine ay suki sa mga amateur singing contest noon. Dahil sa galing sa pagkanta, nakuha niya ang kasikatan nang manalo siya sa mga singing contest na 'Ang Bagong Kampeon' noong 1984 at Asia's Pacific Song Contest noong 1989. Doon na nagsimulang pumasok ang mga biyaya kay Regine sa larangan ng telebisyon, pelikula, at mga concerts.

Ngayon ay isa na si Regine sa pinakamayamang celebrity sa bansa at nakapagpatayo na siya ng kaniyang dream house na isang 3-story house nila ng asawa ng kapwa singer na si Ogie Alcasid.

Siya ay may estimate net worth na $14-M o P700-M.

6. Sarah Geronimo

Isa na siguro si Sarah Geronimo sa mga singer na hinahangaan ng marami. Bukod sa galing sa kantahan, mayroon din itong kabutihang puso. Bago sumikat si Sarah, dumaan din ito sa kahirapan. Simula nang ma-bankrupt ang negosyo nila ng kaniyang pamilya ay hindi na ito nakapag-aral. 

Ayon sa kaniya, nagkaroon siya ng sakit na ulcer dahil sa wala na talaga silang makain. Ito ang ginawang motivation ni Sarah para makaahon sa kahirapan.

Hanggang sa taong 2002 nang manalo siya sa sikat na singing contest na Star For A Night na nagbigay ng daan sa kaniyang unang recording contract sa Viva Records. Nagbigay din ito ng daan sa kaniyang tuloy tuloy na tagumpay. Naging box-office din karamihan ang mga pelikula ni Sarah. Naipatayo na din ni Sarah ang kaniyang mansion na nagkakahalaga ng $300,000 o P15-M.

Si Sarah ay may net worth na $10-M hanggang $75-M o P500-M hanggang P3.8-B.

5. Coco Martin

Si Coco Martin ang tinagurian na King of Primetime Television dahil na din sa kaniyang mga sikat na teleserye gaya ng 'Walang Hanggan' at 'FPJ's Ang Probinsyano'. Pero bago sumikat si Coco, nagtrabaho ito bilang waiter at caregiver sa Canada. Pero dahil sa kagustuhan niyang maging artista ay bumalik ito sa bansa at sumali sa Star Magic, ang talent search agency ng ABS-CBN. Nagsimula siyang makilala sa mga indie films.

Ngayon ay isa na si Coco sa pinakasikat at pinakamayamang artista sa bansa. Napatayo na niya ang kaniyang 2,000 sqm. na tropical-inspired dream house na tila ba ikaw ay nasa isang resort dahil sa laki.

Mahilig din si Coco sa mga mamahaling sasakyan, gaya ng Call of Duty MW3 Edition Wraggler at Toyota FG Cruiser. Si Coco ay may network na $23-M o P1-B.

4. Willie Revillame

Si Willie Revillame ay isa sa mga pinakasikat na TV host sa Pilipinas. Siya ay host ng kasalukuyang programa ng 'Wowowin' ng GMA-7. Ngunit bago narating ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon, dumaan din siya sa kahirapan. 

Sa murang edad, si Willie ay naranasan ng maging jeepney barker o taga tawag ng mga pasahero ng jeep at newspaper boy. Siya din ay naging professional drummer at doon siya na-diskubre ni Randy Santiago.

Ngayon ay isa na si Willie sa pinakamayamang celebrity sa bansa. Siya ay nagmamay-ari ng mga mamahaling sasakyan gaya ng Ferrari at Rolls Royce. Mayroon din siyang sariling yate, private plane, at ang kilalang Wil Tower.

Ang kaniyang net worth ay humigit kumulang P600-M hanggang P800-M.

3. Vice Ganda

Si Vice Ganda ang pinakasikat na komedyante ngayon sa bansa. Siya ay kilala ding host ng noontime show ng ABS-CBN na 'Its Showtime'. Ngunit bago sumikat si Vice, naranasan niyang magtinda ng mineral water noon at ma-bul1y dahil sa kaniyang kasarian.

Para matulungan ang kaniyang ina, nagtrabaho din ito bilang stand-up comedian sa 'Punchline' at 'The Library'. Dahil sa kaniyang galing sa pagpapatawa, na-diskubre siya at nabigyan ng break at napasama nga sa noontime show na Its Showtime noong 2009. 

Simula noon ay patuloy nang nakilala si Vice dahil palaging patok sa takilya ang kaniyang mga pelikula gaya ng Praybeyt Benjamin, Beauty and the Bestie, at iba pa. Kaya naman tinagurian siya bilang 'Phenomenal Box Office Star'.

Naipatayo na din ni Vice ang kaniyang dream house sa Quezon City at mayroon din siyang mga luxury cars tulad ng Hammer. Ang kaniyang total net worth ay humigit kumulang P1-B.

2. Isko Moreno

Si Isko Moreno ay isa sa mga sikat na artista noon at ngayon'y sikat ng mayor ng Maynila. Pero madami ding napagdaanan na kahirapan sa buhay si Mayor Isko. Naranasan nitong maranasan mangalakal ng mga bote at dyaryo para may maibenta sa junk shop at naging pedicab driver din ito sa Tondo.

Nagsimulang gumanda ang buhay ni Isko noong 1993 noong siya ay ma-diskubre at mapasama sa kilalang variety show na 'That's Entertainment'. Ngayon ay isa na siya sa pinakasikat na Mayor sa bansa dahil sa magandang pagbabagong nagawa niya sa Maynila.

1. Manny Pacquiao

Si Manny Pacquiao ay isa sa pinakasikat na boksingero sa buong mundo. Siya din ay kasalukuyang Senador ng Pilipinas. Siya din ay tinuturing ng mga boxing historians na 'One of the Greatest Boxers of All Time' dahil siya ang kauna-unahang boksingero na nanalo ng 12-world titles sa walong magkakaibang division.

Ngunit, bago niya nakamit ang tagumpay ay dumaan siya sa napakahirap na pamumuhay. Sa murang edad ay huminto na ito sa pag-aaral. Para makatulong sa pamilya, nagtinda si Manny ng mga tinapay gaya ng dounuts sa Gensan. Sa edad na 12, nagsimula na siyang mahilig sa boxing sa tulong na din ng kaniyang uncle.

Ngayon ay isa na siya sa pinakasikat at pinakamayamang boksingero, hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Si Pacquiao ay nakabili din ng kaniyang mansion sa Beverly Hills ng Amerika na nagkakahalaga ng $12.5-M o katumbas ng P625-M.

Sa kasalukuyan, si Pacquiao ay may net worth na $1.25-B o P62.5-B.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Sila Pala Ang Mga Kilalang Artista Na Mahirap Pala Noon Ngunit Pinakamayaman Na Ngayon
Sila Pala Ang Mga Kilalang Artista Na Mahirap Pala Noon Ngunit Pinakamayaman Na Ngayon
https://1.bp.blogspot.com/-Cq4S4AqIH0c/YDCXcN9-jVI/AAAAAAAARWk/bWFhpMlRJnIAWSPYhL5bFsO8QcFQCsfNwCLcBGAsYHQ/w640-h360/artidsgdgdsdg.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Cq4S4AqIH0c/YDCXcN9-jVI/AAAAAAAARWk/bWFhpMlRJnIAWSPYhL5bFsO8QcFQCsfNwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/artidsgdgdsdg.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/sila-pala-ang-mga-kilalang-artista-na.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/sila-pala-ang-mga-kilalang-artista-na.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy