Trabahador Ng DPWH Na Nagsauli Ng Bag Na Naglalaman Ng Malaking Halaga Ng Pera, Hinangaan!

Kinabiliban at hinangaan ng publiko ang isang lalaki na nagtatrabaho mula sa Department of Public Works and Highways (DPWD) dahil sa katapat...


Kinabiliban at hinangaan ng publiko ang isang lalaki na nagtatrabaho mula sa Department of Public Works and Highways (DPWD) dahil sa katapatan na kaniyang ipinakita na hindi siya nagdalawang isip na isauli ang bag na kaniyang napulot na naglalaman ng malaking halaga na pera.

Nakilala ang trabahador na si Bernardo Dela Cruz, isang survey aide ng ahensya.

Ayon sa salaysay ni Bernardo, siya ay nagbibisikleta na pauwi galing ng palengke bitbit ang dalawang kilo ng bigas at saging na kaniyang nabili nang makita niya ang isang kulay itim na bag sa gilid ng daan.


Sa pagtataka, hinintuan ni Bernardo ang bag. Noong buksan niya ay laking gulat na lamang niya na makita ang bag na naglalaman ng malaking halaga ng pera na tinatayang nasa P360,000. Bukod sa pera, kasama din sa bag ang passport at passbook ng may-ari nito. Hindi naman nagdalawang isip si Bernardo na isauli ang pera sa nagmamay-ari ng bag.

Sinubukan niya na maghanap ng contact number sa mga gamit na nasa bag upang maisauli na sana ito sa may-ari ngunit wala siyang nakita.

Kaya naman kaagad siyang lumapit kay DPWH Administrative Division Chief, Atty. Joey D. Gingane upang isangguni ang pera at mahahalagang dokumento na nasa bag. Kaagad din namang umaksyon at gumawa ng paraan ito upang matukoy at mahanap ang nagmamay-ari ng malaking halaga ng pera at ng mga dokumento.


Kalaunan ay nahanap din ang may-ari ng bag na si Jean A. Hinayon na isang Supervisor-Cashier ng San Isidro Upland Farmers Multipurpose Cooperative (SIUFMULCO) sa Santiago, Agusan del Norte.

Ayon kay Jean, kakapa-encash niya lamangumano ng cheke ng naturang organisasyon at huli na nang malaman niya na nawawala na pala ang bag na pinaglagyan niya ng mga pera. Hinala niya na baka naiwan o nahulog niya ito sa mga nasakyan na pampasaherong sasakyan ngunit siya ay nabigong makita ito.

Kaagad niya din naman itong ini-report sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. Aminado naman si Jean na labis ang pag-aalala at takot na kaniyang nararamdaman dahil baka hindi niya na mahanap pa ang pera at wala din siyang ganoong kalaking halaga ng pera upang ipambayad sa nawala.

Ibinalik naman ng DPWH Regional Director Pol M. Delos Santos kasama si Bernardo ang nasabing bag at lahat ng laman nito kay Jean at mga miyembro ng kooperatiba. Personal din na nagpaabot ang mga ito ng kanilang pasasalamat sa katapatan at kabutihan na ipinakita ni Bernardo.

Saad ni Delos Santos,

“His honesty and action are worthy of emulation. Mr. Bernardo Dela Cruz embodies the core values of DPWH.”


COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Trabahador Ng DPWH Na Nagsauli Ng Bag Na Naglalaman Ng Malaking Halaga Ng Pera, Hinangaan!
Trabahador Ng DPWH Na Nagsauli Ng Bag Na Naglalaman Ng Malaking Halaga Ng Pera, Hinangaan!
https://1.bp.blogspot.com/-_9TIhsvwdxA/YC-qLXcZyZI/AAAAAAAAROI/BVVHdEpK0pkonC3mska3CxqWtXhSYVdSQCLcBGAsYHQ/w640-h360/dpwhdgdsgsd.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-_9TIhsvwdxA/YC-qLXcZyZI/AAAAAAAAROI/BVVHdEpK0pkonC3mska3CxqWtXhSYVdSQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/dpwhdgdsgsd.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/trabahador-ng-dpwh-na-nagsauli-ng-bag.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/trabahador-ng-dpwh-na-nagsauli-ng-bag.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy