Wedding Sponsors, Binuhusan Ng Pera Ang Bagong Kasal Habang Nag-sasayaw

Isa ang kasal sa pinakahihintay at hindi malilimutang kaganapan para sa dalawang taong nagmamahalan. May ilan pa nga na talagang pinaghahand...


Isa ang kasal sa pinakahihintay at hindi malilimutang kaganapan para sa dalawang taong nagmamahalan. May ilan pa nga na talagang pinaghahandaan at pinaplano ng mabuti ang kanilang kasal para ito ay maging magarbo ngunit may ilan din naman na mas pinipili na magkaroon ng simpleng kasal.

Sa video na ini-upload ng netizen na si Visitacion Villero Giva sa kaniyang Facebook account, ibinahagi niya ang ilang mga larawan at video ng bagong kasal na mag-asawa na masayang ginagawa ang kanilang unang sayaw.

Sa mga tradisyon na kasal, ito ang oras na karaniwang isinasagawa ng mga sponsors ang pagpi-pin ng mga papel na pera sa damit ng mga bagong kasal at pinapalibot nila ito sa dalawa.


Ngunit, sa kasal na ito, kakaibang pangyayari ang naganap. Dahil imbis na i-pin  ang pera sa dalawa, napagpasyahan ng mga sponsor na itapon sa hangin ang kanilang mga pera.

Makikita nga sa video na masayang pinapaliguan ng mga principal sponsors ng kasal ang mag-asawa ng mga perang papel. Halos napuno na nga ang sahig ng venue ng mga papel na pera dahil sa mga inihuhulog na pera sa sahig.

Sa pagpapatuloy ng video, makikita naman na patuloy lamang din ang mag-asawa sa kanilang sayaw. Sa pagkakataong ito, marami na sa mga sponsor ang tumayo para pumunta sa dance floor at magiliw na binuhusan ng pera ang mag-asawa.


Samantala, hindi naman na binanggit pa ni Giva sa kaniyang post ang kabuuang halaga ng pera na ibinuhos sa mag-asawa, ngunit sa video pa lamang, makikita na ito ay talagang napakalaking halaga.

Kaagad naman naging viral sa social media ang nasabing video dahil sa kakaibang paraan ng pagbibigay ng mga principal sponsor ng pera sa bagong kasal.

Nawa'y mas umunlad pa ang relasyon ng bagong kasal sa mga susunod na taon.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Wedding Sponsors, Binuhusan Ng Pera Ang Bagong Kasal Habang Nag-sasayaw
Wedding Sponsors, Binuhusan Ng Pera Ang Bagong Kasal Habang Nag-sasayaw
https://1.bp.blogspot.com/-yQsIod0WQts/YDesyU76kOI/AAAAAAAARjk/KT0G6BhqqXwdFoCh6XFTb9oux-0YbKrwQCLcBGAsYHQ/w640-h360/wesafafsafsa.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-yQsIod0WQts/YDesyU76kOI/AAAAAAAARjk/KT0G6BhqqXwdFoCh6XFTb9oux-0YbKrwQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/wesafafsafsa.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/wedding-sponsors-binuhusan-ng-pera-ang.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/wedding-sponsors-binuhusan-ng-pera-ang.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy