Zeinab Harake, Nagbigay Ng Mamahaling Relo Kay Skusta Clee Sa Kaarawan Nito

Binigyan muli ng YouTube content creator na si Zeinab Harake ng isang mamahaling regalo ang kaniyang boyfriend na si Skusta Clee. Ipinagdiwa...


Binigyan muli ng YouTube content creator na si Zeinab Harake ng isang mamahaling regalo ang kaniyang boyfriend na si Skusta Clee. Ipinagdiwang kasi ng singer-rapper noong Pebrero 26 lamang ang ika-25 kaarawan nito.

Si Zeinab ay kilala ng kaniyang mga fans at ng mga netizens bilang isang mabait at mapagbigay na tao sa mga nangangailangan gayun na din sa mga taong nagmamahal sa kaniya. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit mayroon siyang binigay na isang espesyal na bagay kay Skusta sa kaarawan nito.

Sa YouTube vlog na ini-upload niya sa kaniyang channel, ipinakita ni Zebby ang ilang videos kung saan makikita ang paghahanap niya ng regalo para sa kaniyang live-in partner.



Aniya,

"May mga papakita ako sa inyong clips na naghanap talaga ako ng regalo para sa kaniya, ng perfect gift para sa kaniya. Kasi wala akong maisip dahil, kasi halos nasa kanya na lahat lately. Parang nabili niya na lahat so wala akong maisip."

Dagdag pa niya,

"Naisip ko itong ibibigay ko sa kaniya is something special and investment na din. Itong bagay na ito is alam kong magugustuhan niya at maaalala niya ako."



Binigyan lang naman ni Zebby ng isang Rolex watch si Skusta Clee. Ngunit, hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong mamahaling regalo na ibinigay ang social media influencer kay Skusta.

Noong kumalat ang isyu tungkol sa kanilang break up noon, ibinihagi ni Zeinab na siya ang nagbigay ng iPhone kay Skusta noong panahon na iyon.

Gayunpaman, sa kabila ng nangyari, ang dalawa ay tila naging mas matured na at settled na sa isa't isa dahil na din sila ay magkakaroon na ng isang baby girl. Ilang buwan lamang ang nakalipas noong ibinunyag nila na si Zebby ay nagdadalang tao na.



Matapos nito, sila ay naglabas din ng vlog ng kanilang baby shower at gender reveal. Sila ay magkakaroon ng baby girl!

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Zeinab Harake, Nagbigay Ng Mamahaling Relo Kay Skusta Clee Sa Kaarawan Nito
Zeinab Harake, Nagbigay Ng Mamahaling Relo Kay Skusta Clee Sa Kaarawan Nito
https://1.bp.blogspot.com/-toM1dLEhdOA/YDd_JA0WBMI/AAAAAAAARgg/N8nEhw4wkvM2gGSE9tgqj59QX9z7M9LAACLcBGAsYHQ/w640-h360/relokjnfhfh.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-toM1dLEhdOA/YDd_JA0WBMI/AAAAAAAARgg/N8nEhw4wkvM2gGSE9tgqj59QX9z7M9LAACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/relokjnfhfh.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/zeinab-harake-nagbigay-ng-mamahaling.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/02/zeinab-harake-nagbigay-ng-mamahaling.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy