Delivery Rider Ng Lazada, Natagpuan Ang Pag-ibig Sa Anak Ng Kaniyang Regular Customer!

Natagpuan ng delivery rider na ito ang kaniyang pag-ibig sa katauhan ng anak na babae ng kaniyang customer na palaging umo-order sa Lazada. ...


Natagpuan ng delivery rider na ito ang kaniyang pag-ibig sa katauhan ng anak na babae ng kaniyang customer na palaging umo-order sa Lazada. Katulad ng ibang magkasintahan, dumaan din sa pagsubok ang pag-iibigan ng dalawa ngunit, ito ay napagtagumpayan nila at sila ay ikinasal na din kamakailan lamang.

Si Marlon Cajucom ay nagtatrabaho bilang isang delivery rider ng Lazada sa Asingan, Pangasinan. Talagang napakasipag at dedicated niya sa trabaho na nakuha niya ang atensyon ni Mrs. Mary Grace Benito, ang kaniyang regular customer. Naisip nito na si Marlon na yata ang lalaking tamang tama para sa kaniyang anak na si Jhasin May Benito.

Pagbabalik tanaw ni Marlon,

"Kahit sa panaginip kako, sabi ko hindi ko naman inexpect na papansinin ako nito [Jhasin]. Actually yun po talagang nasa isip ko na hindi ako papansinin nito sabi ko kasi maganda, mukhang hindi sanay magtrabaho, nagulat din ako na napakabait din niya napakaapproachable naman po madaling lapitan madaling kausapin."


Pinaliwanag niya na siya ay palaging nagde-deliver sa bahay bago siya ipakilala kay Jhasin.

Aniya,

"One time nakapagdeliver po ako sa kanila, late na. Nagulat sila, nagtataka sila na late na nagdedeliver pa ako noong time na yun. Natanong ako ni Mama Grace kung may asawa na ako, sabi ko wala pa po. Bakit daw ang sipag sipag ko eh wala pa naman daw ako binubuhay, ang sagot ko po noong time na yun kasama ko po sa pangarap yung magpursige sa buhay."

Dito na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Hindi din naman nagtagal ay nagsimula na din ang pagkakaroon nila ng relasyon. Napuno naman ng pagmamahal si Jhasin kay Marlon. Lagi nitong sinisigurado na siya ay maglalaan ng oras para kay Jhasin kahit siya ay abala sa kaniyang mga deliveries.

Paliwanag ni Jhasin,

"Sa ibang ex ko kasi siya talaga yung mararamdaman mo talagang yung care niya tapos talagang pursigido po siya. Sobrang effort po siya noong nanliligaw siya sa akin kahit sobrang busy siya, nagdedeliver [pa rin] ng flower sa bahay tsaka ramdam mo naman talaga yung love."

Ikinasal naman ang dalawa noong Martes at ang kanilang love story ay talagang umantig sa marami.


COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Delivery Rider Ng Lazada, Natagpuan Ang Pag-ibig Sa Anak Ng Kaniyang Regular Customer!
Delivery Rider Ng Lazada, Natagpuan Ang Pag-ibig Sa Anak Ng Kaniyang Regular Customer!
https://1.bp.blogspot.com/-CsVdLSidrBA/YFSPC46Z1RI/AAAAAAAATS0/Lj-05TT3TZQGsHgj4mIkb3YQYJPQfMueACLcBGAsYHQ/w640-h360/asfagsdfgsafas.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-CsVdLSidrBA/YFSPC46Z1RI/AAAAAAAATS0/Lj-05TT3TZQGsHgj4mIkb3YQYJPQfMueACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/asfagsdfgsafas.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/delivery-rider-ng-lazada-natagpuan-ang.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/delivery-rider-ng-lazada-natagpuan-ang.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy