Isang Babae At 32 Na Lalaki, Na-trap Sa Isang Isla Sa Loob Ng 3 Taon

Noong 1939, may isang babae ang nagngangalang Keiko ang dumating sa Japan kasama niya ang kaniyang kapatid at nagmula sila sa isla ng Saipan...


Noong 1939, may isang babae ang nagngangalang Keiko ang dumating sa Japan kasama niya ang kaniyang kapatid at nagmula sila sa isla ng Saipan. Ang layunin ni Keiko ay maghanap ng trabaho sa Japan. Siya ay nakapagtrabaho naman sa isang tea shop. Sa angking kagandahan ni Keiko, maraming mga Japanese na lalaki ang nagkakagusto sa kaniya. Ang isa sa nagkagusto sa kaniya ay si Masaichi Higa.

Nagustuhan din siya ni Keiko. Makalipas ang ilan taon ay nagpakasal sila. Ang asawa ni Keiko ay nagtatrabaho sa Nanyang company. Ang company na ito ay pumupunta sa mga isla sa Pacific at tinataniman ng mga agricultural products. Ang asawa ni Keiko ang isa sa mga supervisor dito. 

Noong 1944, dinestino ang asawa ni Keiko sa Anatahan Island para i-supervise ang mga plantation doon. Ang isla na ito ay nasa Maryanas Island sa Pacific Ocean. Mayroon silang napakalawak na coconut plantation dito. Ang nagtatrabaho dito ay ang 20 katao.


Pumunta si Keiko at ang kaniyang asawa sa Anatahan at dito sila nanirahan. Sinupervise ng asawa niya ang 20 trabahador doon. Ngunit, nang mga panahon na iyon ay natatalo na ang mga Japanese ng mga Amerikano. Ang matinding labanan nila ay mismo sa Pacific Island nangyari. Karamihan sa mga isla doon ay sinakop ng mga Hapon. Ngunit, paunti-unti na itong nababawi ng mga Amerikano.

Sa kasamaang palad, ang kapatid ng asawa ni Keiko ay nasa kabilang isla lang. Kaya nag-alala ito ng sobra at pinuntahan ang kapatid niya. Kaya naiwan pansamantala si Keiko sa isla kasama ang 20 na trabahador. Ngunit, lumipas ang ilang buwan ay hindi na nakabalik pa ang asawa ni Keiko sa Anahatan. Ang ibang mga trabahador naman ay umalis na sa isla. Tanging sampung trabahador at si Inakari na lamang ang natira. Hindi din nagtagal ay nahulog ang loob ni Inakari at Keiko sa isa't isa at naging mag-asawa.

Lumipas ang ilang buwan, pinagbob0mba din ng US Military ang isla. Si Keiko at Inakari ay nagtago sa mga kweba dito. Sa kabutihang palad, hindi naman sila nasaktan sa pangbo-b0mba. Ngunit, ang mga plantation dito ay tuluyan ng nasira. Ang mga kabahayan at kagamitan nila ay nawasak ng pag-atak3. Ang ibang mga trabahador naman ay nasaw1 ang iba naman ay buhay pa.

Si Keiko at Inakari ay hindi umalis sa isla dahil natatakot sila sa maaaring mangyari. Kaya naman nagtayo na lamang sila ng isang maliit na bahay. Mabuti na lamang at mayroong natira na 40 na baboy at 20 na manok sa dati nilang kulungan. Inalagaan nila ito at pinarami pa. Kaya namuhay sila ng mapayapa dito. Pero hindi din nagtagal ang mapayapang pamumuhay nila, dahil noong June 1994, may apat na fishing vessel ng Japan ang inatak3 ng US Military.

Nangyari ito malapit sa Anatahan Island. Ang tatlong fishing vessel ay lumubog kaagad sa dagat, ngunit, ang pang apat ay hindi kaagad lumubog. Kaya ang mga crew dito ay nakalangoy pa papunta sa Anatahan. Marami ang nam4tay na crew sa apat na fishing vessel. Tanging 31 na crew lamang ang nakaligtas. Sampu sa 31 na crew ay mga Japanese navy soldier. Ang 21 naman ay mga ordinaryong crew lamang ng barko.

Lahat sila ay mga lalaki at ang pinakabata sa kanila ay 16-taong-gulang lamang. Sa kalagayan nila, alam nilang hindi sila makakaalis ng isla dahil wala naman silang mga bangka. Kaya naghanap na lamang muna sila ng makakain. Nakakita sila ng puno ng saging at mga buko. Kahit paano, napawi naman ang mga gutom nila.

Akala nila ang islang ito ay isolated island lang at walang nakatira dito. Hanggang sa isang araw, habang namimitas sila ng mga ligaw na prutas, nakakita sila ng mga kabahayan. Dito na sila nagulat dahil may mga nakatira pala dito. Dito nila unang nakita si Keiko at si Inakari. Ang mga kalalakihan ay nabighani kaagad sa kagandahan ni Keiko. 

Noong una, si Keiko at Inakari ay tinulungan ang mga crew dahil kapwa sila mga Japanese naman. Binigyan sila ng mga matutuluyan. Bukod pa doon, ginamot din nila ang sugat ng mga ito. Nagsalo-salo din sila sa mga pagkain kaya ang mga baboy at manok nila ay paunti-unti ng nauubos. Buti na lamang at maraming prutas sa gubat ng isla. May mga coconut crab pa at pwede din mangisda. Ngunit, natuto din silang gumawa ng alak na gawa sa buko. Sa Pilipinas, ito ang tinatawag na "tuba".

Ito na ang pasimula ng kanilang pag-aaway dahil palagi silang nagiinuman. Noong dumating ang August 15, 1945, tuluyan na ngang natalo ang mga Japanese ngunit ang mga nasa isla ng Anatahan ay hindi nila alam na sumuko na pala ang bansa nila.

Lumipas ang mga araw, naglaglag ng mga leaflets ang mga Amerikano sa bawat isla. Ang nakasulat dito na sumuko na ang Japan kaya lumabas na sa mga isla ang mga nagtatagong sundalo. Noong mabasa ito ng 31 na crew sa Anatahan, hindi sila kaagad naniwala at iniisip nila na propaganda lang ito. Pero ang ibang trabahador ay umalis na sa isla at ang naiwan na lamang dito ay ang 31 na crew at ang mag-asawang si Keiko at Inakari.

Dito na nagsimulang magn4sa ang ibang crew kay Keiko. Ngunit, ang ibang crew na mababait at nahalata na nila ang pagnan4sa ng iba nilang kasamahan, sinabihan nila kaagad si Inakari at Keiko na magpakasal sa harap nila dahil alam nila na hindi tunay na mag-asawa ang dalawa nang sa gayon ay matigil na ang pagnan4sa ng iba kay Keiko. Kaya nagpakasal naman ang dalawa sa harap ng 31 na crew. Nagkaroon sila ng simpleng seremonya lamang, tapos humiwalay na sina Keiko at Inakari sa 31 na lalaki. 


Epektibo naman ang ginawa nila dahil tumigil na ang pagnanasa nila kay Keiko. Ngunit, ito ay pansamantala lamang. Noong August 1946, may natagpuan ang mga crew sa isla na isang sirang US bomer. Marami silang nakitang gamit dito na pwede pa nilang mapakinabangan. Katulad na lamang ng mga parachute na pwede nilang gawin na damit. May apat na sirang bar1l at 90 na bala pa. May mga kasamahan sila na dating sundalo kaya ang dalawa sa apat na baril na sira ay naayos nila.

Sa pagkakaroon nila ng bar1l, dito na nagsimulang magkagulo ang isla. Ang nakaayos ng bar1l ay si Yamamoto at Yamaguchi kaya sila na ang nagmamay-ari noon. Si Yamamoto at Yamaguchi ay may gusto kay Keiko kaya dahil may mga bar1l na sila, dito na nila tinakot si Keiko at Inakari. Kaya walang nagawa ang mag-asawa at naging sunod-sunuran sa kanila.

Isang araw, nakita nalang na wala ng buhay ang asawa ni Keiko malapit sa niyogan. Kaya nagulat ang lahat. Ang tanging nakakaalam lang ng tunay na nangyari ay si Yamamoto at Yamaguchi. Kaya sa nangyaring ito, mas natakot ang ibang lalaki na walang mga bar1l dahil iniisip nila na baka sila naman ang isunod.

Dahil wala na ang asawa ni Keiko, kaya si Yamamoto at Yamaguchi ay mas lalong pinag-interesan si Keiko. Kaya tuwing gabi, ang kasama lagi ni Keiko sa pagtulog ay si Yamamoto at Yamaguchi. Pero isang araw, gusto ng solohin ni Yamamoto si Keiko kaya binar1l niya si Yamaguchi na agad nitong kin4m4tay.

Sa pagkakataon na ito, solong solo na niya si Keiko. Mas lalo siyang kinatakutan ng ibang lalaki dahil dalawa na ang bar1l niya. Kaya dito na nagkaroon ng lihim na galit ang ibang lalaki sa kaniya. Masyado na kasi siyang mayabang at feeling niya ay hari siya ng isla. Kaya isang araw, habang naliligo si Yamamoto sa ilog, may biglang sumak4l sa kaniya na dalawang lalaki at inilubl0b ang ulo niya sa tubig. Dito na n4m4tay si Yamamoto. Ang dalawang lalaking ito ay si Nakazawa at Iway.

Bumalik sila sa kampo at ikinwento nila na nalunod daw si Yamamoto. Wala naman may paki dahil nayayabangan sila dito. Ang dalawang bar1l naman ni Yamamoto ay napunta na kay Nakazawa at Iway. Ang unang ginawa ng dalawa ay kinuha agad nila si Keiko at natutulog silang dalawa na kasama siya.

Ilang buwan nilang ginawa ito. Pero isang araw, gusto na ni Iway na solohin si Keiko kaya binar1l na niya si Nakazawa. Alam ni Iway na kailangan niyang mag-ingat dahil baka matulad siya sa ibang lalaki.

Kaya sa loob ng dalawang taon, namuhay siya ng mapayapa kasama si Keiko. Pero isang araw, pinasl4ng din siya ng isa sa kanila Kaya nag-meeting na ang mga kalalakihan at napagkasunduan na itapon sa dagat ang dalawang bar1l nang sa gayon ay wala ng masasaw1 pa sa kanila.

Kaya ang nangyari ay inasawa na naman ng ibang lalaki si Keiko. Pero ang mga nagiging asawa niya ay pinap4slang ng ibang mga kalalakihan. Halos 12 na lalaki na ang n4m4tay kaya dito na sila nag usap-usap ulit at napagtanto nila na kaya nagp4pat4yan sila ay dahil kay Keiko.

Kaya napagkasunduan nila na pasl4ngin si Keiko para matigil na ang p4tayan sa pagitan nila. Dahil mula sa 31 na lalaki, ang natira na lamang sa kanila ay 19. Isang gabi, habang natutulog na ang lahat, pinuntahan ng isang lalaki si Keiko. Ginising niya si Keiko at sinabihan siya na tumakas dahil bukas ay p4p4slangin siya nila. Kaya tumakas siya at pumunta sa gitna ng gubat.

Ang isla ng Anatahan ay napakalawak na halos 30 kilometers ang lawak. Kaya sa loob ng 30 days ay hindi nila siya natagpuan. Pero isang araw, noong pang 31 days na niyang pagtatago, nakakita siya ng barko ng Amerikano.

Ang ginawa niya ay naghubad siya at iwinagayway niya ang damit niya. Napansin naman siya ng mga Amerikano at isinakay siya sa barko. Sinabi ni Keiko sa mga Amerikano na meron pang mga 19 na Japanese sa isla.

Kaya ang ginawa nila ay gumamit sila ng megaphone at ang isa sa Japanese nilang kasama ang nagsalita na "Lumabas na kayo dyan, tapos na ang gyer4."

Noong marinig ito ng mga Japanese, mas natakot sila dahil akala nila ay propaganda lang nila ito ng mga Amerikano. Kaya nagtago pa sila sa pusod ng kagubatan.

Noong malaman ito ng Japanese government, pinapunta nila ang pamilya ng 19 na Japanese sa isla. Dito pa lang naniwala ang 19 na Japanese na tapos na ang gy3ra. Doon pa lang sila umuwi ng Japan.

Noong makabalik sa Japan, nalaman ng buong Japan ang naging kwento ng pat4yan na nangyari dahil sa isang babae. Ang kwento ng 31 na lalaki at isang babae ay ginawan pa ng mga libro. Ginawan din ito ng pelikula sa Japan.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Isang Babae At 32 Na Lalaki, Na-trap Sa Isang Isla Sa Loob Ng 3 Taon
Isang Babae At 32 Na Lalaki, Na-trap Sa Isang Isla Sa Loob Ng 3 Taon
https://1.bp.blogspot.com/-8h9rBUe-WuQ/YEeNWDBRHOI/AAAAAAAAShU/ze1DjKQfDrIGDB_u3L0eTuYRuXlhPnoDgCLcBGAsYHQ/w640-h360/jafgsfffgfsa.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-8h9rBUe-WuQ/YEeNWDBRHOI/AAAAAAAAShU/ze1DjKQfDrIGDB_u3L0eTuYRuXlhPnoDgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/jafgsfffgfsa.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/isang-babae-at-32-na-lalaki-na-trap-sa.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/isang-babae-at-32-na-lalaki-na-trap-sa.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy