Jane Oineza At RK Bagatsing, Usap Usapan Sa Social Media Matapos Ibahagi Ang Kanilang Larawan Na Nasa Iisang Resort

Ang mga personalidad na sina Jane Oineza at RK Bagatsing ay isa sa mga humored celebrity couple na pinag-uusapan ngayon sa social media. Gay...


Ang mga personalidad na sina Jane Oineza at RK Bagatsing ay isa sa mga humored celebrity couple na pinag-uusapan ngayon sa social media. Gayunpaman, sa kabila ng pagkakamabutihan umano sa pagitan ng dalawa, wala naman silang kumpirmasyon tungkol dito.

Ngunit, kamakailan lamang ay muling umugong ang balita tungkol sa relasyon ng dalawa. Ito ay matapos magkasunod na magbahagi ang dalawa sa kanilang social media account ng kani-kanilang solo picture habang sila ay nasa bakasyon.

Sa larawan na ibinahagi ng 24-anyos na aktres noong Pebrero 21, makikita na siya ay nakasuot ng two-piece swimsuit habang nasa labas ng floating cottage. Kasunod nito ay mga sexy photos naman ng aktres sa kaparehong floating cottage na ibinahagi naman niya sa Instagram noong Pebrero 22 at 23.


Samantala, ini-upload naman ng aktor na si Rk ang kaniyang mga larawan kung saan makikita na siya ay nakasuot ng itim na pantalon at walang suot na damit pang itaas habang nakatayo sa isang floating cottage. a isa pang larawan, makikita ang aktor na masayang nakangiti habang papalapit sa taong nasa likod ng pagkuha sa kaniya ng larawan. Ang larawan ay kuha mula sa labas ng floating cottage.

Kaagad naman naging usap-usapan sa social meda ang mga larawan nina RK at Jane dahil tila ito ay kinuhanan sa parehong floating cottage. Naka-tag din sa kanilang mga larawan ang pangalan ng parehong resort.



Marami naman sa mga netizens at kanilang mga tagahanga ang naniniwala na magkasama ang humored couple na nagpalipas ng weekened sa naturang resort.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“So, magkasama kayo ni Jane? Ano status niyo?”

“Sana pic naman with Jane ”

“Kasama mo ba si Jane diyan?”

“JANE OINEZA AND RK IN ONE PLACE”

“janeoineza and bagatsingrk kayo na ba? Spotted the same location on your post both.”

Samantala, nananatili namang walang imik sina Jane at RK tungkol sa nasabing usapin.



Matatandaan na nagsimulang ma-link sina RK at Jane sa isa't isa nang sila ay magtambal sa teleserye na 'Precious Hearts Romance Presents: Araw Gabi' sa ABS-CBN na naipalabas sa telebisyon taong 2018. Nagtambal muli ang dalawa sa romantic film na 'Us Again' noong 2020 at romantic-comedy series sa TV5 na 'I Got You'.

Noong taong 2019 lamang ay naging kontrobersiyal si Jane. Ito ay matapos niyang madawit sa paghihiwalay ni RK at ang longtime girlfriend nito. Ngunit, ito ay mariing itinanggi nina RK at Jane.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Jane Oineza At RK Bagatsing, Usap Usapan Sa Social Media Matapos Ibahagi Ang Kanilang Larawan Na Nasa Iisang Resort
Jane Oineza At RK Bagatsing, Usap Usapan Sa Social Media Matapos Ibahagi Ang Kanilang Larawan Na Nasa Iisang Resort
https://1.bp.blogspot.com/-u30twooj0_U/YENx6kkk-WI/AAAAAAAASNM/bKODs9NEPbcnVAyRYqvcBNHu5t9xNzNhQCLcBGAsYHQ/w640-h360/rkkghdfhdfhfdh.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-u30twooj0_U/YENx6kkk-WI/AAAAAAAASNM/bKODs9NEPbcnVAyRYqvcBNHu5t9xNzNhQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/rkkghdfhdfhfdh.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/jane-oineza-at-rk-bagatsing-usap-usapan.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/jane-oineza-at-rk-bagatsing-usap-usapan.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy