Jolina Magdangal, Naiyak Na Lamang Matapos Malaman Ang Ginagawa Ng Kaniyang Driver Para Sa Kaniya

Hindi napigilan maging emosyonal ng actress at singer na si Jolina Magdangal sa nagdaang episode ng Kapamilya morning talk show na 'Maga...


Hindi napigilan maging emosyonal ng actress at singer na si Jolina Magdangal sa nagdaang episode ng Kapamilya morning talk show na 'Magandang Buhay' noong Nobyembre 8, 2018 matapos malaman lahat ng sakripisyo at hirap na ginagawa ng kaniyang driver para  sa actress.

Sa nasabing episode, isa sa mga naging guest ng kanilang show ay ang driver ni Jolina na si Tatay Orly Soberlina. Doon ay sinabi ni Tatay Orly kung gaano niya sinusuportahan ang actress sa lahat ng mga bagay na ginagawa at desisyon nito, maging ang pagpapatayo ng actress ng sarili niyang bahay.

Ibinahagi naman ng asawa ni Tatay Orly na may pagkakataon na mas pinipili ng kaniyang asawa na manatili sa bahay ni Jolina upang pagsilbihan ang actress imbis na umuwi sandali sa bahay nila sa Cebu upang makasama ang kaniyang pamilya.


Dito na nagsimulang maging emosyonal at maiyak si Jolina at sinabi na hindi niya alam ang tungkol dito at ang mga sakripisyo na ginagawa ni Tatay Orly bilang kaniyang driver. 

Ani Jolina,

“Kasi nakailang kasambahay na ako, hindi ko mabigay talaga yung tiwala ko, yung kakayahan kong intindihin, pero si Orly, nagpa-iba iba na kami mg kasambahay, alam niya kung ano pakiramdam ko, alam niya kung paano ako timplahin. Kaya minsan pag may bago kaming kasambahay, siya na nagte-train.”


Natuwa din si Jolina nang malaman niya ang mga pahayag at salaysay ng asawa ni Tatay Orly. Pagpapatuloy ng actress,

“Natutuwa ako sa sinabi mo ngayon ko lang narinig yan, na may ganyang rason siya.”

Si Tatay Orly ay hindi naman na iba kay Jolina. Sa katunayan nga, tinuturing pa ito ng actress bilang isang parte ng kanilang pamilya dahil isa si Tatay Orly sa mga tumulong sa kaniya para mas maging matatag at gumaan ang ilang bagay sa kaniyang buhay. Bilang pagpapasalamat ng actress para sa hirap na ginagawa ni Tatay Orly sa pagbibigay ng serbisyo sa kaniya, napagdesisyunan ng actress na siya na mismo ang sasagot ng travel expenses nilang mag-asawa upang makabalik sa Cebu nang sa gayon ay magkaroon din ng oras si Tatay Orly para makipagbonding sa kaniyang mga mahal sa buhay at kamag-anak sa Cebu.

Nagbigay din ng nakakaantig-damdamin na pahayag ang actress kay Tatay Orly at sa pamilya nito bilang simbolo ng kaniyang pagpapasalamat at pagkilala sa kasipagan at tulong na ibinigay sa kaniya ni Tatay Orly.

Ani ng actress,

“Ito ay pagbibigay halaga sa pagbibigay mo sa akin ng halaga. Ibinabalik ko lang ang loyalty mo sa akin at asahan mo na ang pamilya mo na ang pamilya mo, pamilya ko isang pamilya tayo. Salamat sa lahat ng pagmamahal at tulong mo sa akin.”

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Jolina Magdangal, Naiyak Na Lamang Matapos Malaman Ang Ginagawa Ng Kaniyang Driver Para Sa Kaniya
Jolina Magdangal, Naiyak Na Lamang Matapos Malaman Ang Ginagawa Ng Kaniyang Driver Para Sa Kaniya
https://1.bp.blogspot.com/-a1mMYdrig5w/YD9wI1ZmqiI/AAAAAAAAR7A/2St0LWwyjJEJBT0htp6JoFH3MHlw-6ZQQCLcBGAsYHQ/w640-h360/joffgdfsgsd.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-a1mMYdrig5w/YD9wI1ZmqiI/AAAAAAAAR7A/2St0LWwyjJEJBT0htp6JoFH3MHlw-6ZQQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/joffgdfsgsd.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/jolina-magdangal-naiyak-na-lamang.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/jolina-magdangal-naiyak-na-lamang.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy