Joshua Aquino, Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Niyang Manatili Ng Matagal Sa Kaniyang Ina Na Si Kris Aquino!

Kahit pa man nais ni Kris Aquino na manatili at makasama ang kaniyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, nirerespeto pa din niya ang des...


Kahit pa man nais ni Kris Aquino na manatili at makasama ang kaniyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, nirerespeto pa din niya ang desisyon ng panganay niya na si Joshua kung saan nito nais tumira.

Saad ni Kris sa video na ibinahagi niya sa Facebook noong Pebrero 18, 2021,

"Madali akong kausap."

Ayon kay Kris, noong Disyembre 26, 2020 pa daw niya huling nakapiling si Joshua at ngayon na umuwi ito sa kanilang bahay ay nais na daw muli nitong bumalik sa Tarlac.



Aniya,

"Mahirap kalaban pag nag-decide na, ‘Dito ako."

Ang "dito" na tinutukoy ni Kris ay ang bahay ng kaniyang yuma0ng ina na si Corazon "Cory" Aquino sa Tarlac. Ngayon ay pag-aari na ito ng kuya ni Kris at dati ding pangulo na si Benigno "Noynoy" Aquino III.

Pagbabahagi ni Kris, si Josh daw ay natutulog sa mismong kama ng kaniyang mommy. Ganoon daw talaga kalapit ang loob ng anak niya na ito sa kaniyang ina.



Saad niya,

"Mahirap kalaban ang memories ng lola."

Gayunpaman, naiintindihan naman ni Kris ang dahilan kung bakit mas pinipili ni Josh na tumira sa Tarlac.

Dito ay inalala naman muli ni Kris ang mga panahon na pinapalaki niya si Josh bilang isang single mother. Ito ay matapos nilang maghiwalay ng aktor na si Phillip Salvador, ang ama ni Josh. Ayon sa kaniya, noong mga panahon na iyon ay wala pa sa estado niya na maaari niyang mai-adjust ang schedule ng kaniyang trabaho.

Dahil madalas na nasa taping ng TV show si Kris o shooting sa pelikula, siya ay hindi ganoong nakakadalo o nakakapunta sa school events at iba pang activities ni Josh. Ang kaniyang mommy ang naging takbuhan niya para sa ganoong okasyon.


Saad ng Queen of All Media,

"Ang lola niya talaga ang pumuno. So I can truly understand kung bakit doon niya gusto…If the lola was the one who went, nagpunta at pinunan ang hindi kayang gawin ng nanay na nagtatrabaho, then the lola will always be number one. And that’s fine with me."

Inamin ni Kris na maaaring hindi lumaki na mabait at generous ang kaniyang anak sa lahat kung hindi dahil sa kaniyang ina. Tinuro daw kasi ng lola nito na magbigay ng galang at respetuhin ang lahat ng tao.

Kaya naman bukod sa pagiging palabati si Josh sa lahat, inaalala pa daw nito ang mga pangalan ng mga tao na kaniyang nakakasama at hindi ipinagdadamot sa mga ito lahat ng bagay na mayroon siya.

Dagdag ni Kris,

"So, hindi ako maka-compete doon. Kung doon siya happy. Doon ang happy memories nila ng lola niya, I want him to be happy."

Saad ni Kris, napakaswerte daw niya dahil nasa tabi niya ang kaniyang ina noon na naging "support system" niya.

Payo naman niya sa mga netizens na sana ay maging super present sila sa buhay ng kanilang mga anak dahil hindi na maibabalik pa ang panahon ng kanilang kabataan.

Samantala, iba naman daw ang kaso ni Bimby kay Josh dahil noong dumating si Bimby, anak niya sa star basketball player na si James Yap, nagkaroon na daw siya ng pagkakataon na maaari na niyang mai-adjust ang kaniyang schedule sa trabaho.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Joshua Aquino, Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Niyang Manatili Ng Matagal Sa Kaniyang Ina Na Si Kris Aquino!
Joshua Aquino, Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Niyang Manatili Ng Matagal Sa Kaniyang Ina Na Si Kris Aquino!
https://1.bp.blogspot.com/-QtD2MS2FjSw/YESvm5gzkUI/AAAAAAAASVM/jK7Az9XV38kx4C21a_RfMKf1IhqbW71UwCLcBGAsYHQ/w640-h360/josggsdas.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-QtD2MS2FjSw/YESvm5gzkUI/AAAAAAAASVM/jK7Az9XV38kx4C21a_RfMKf1IhqbW71UwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/josggsdas.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/joshua-aquino-ibinahagi-ang-dahilan.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/joshua-aquino-ibinahagi-ang-dahilan.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy