Judy Ann Santos, Hinangaan Ng Marami Dahil Sa Pagiging Hands-on Sa Kaniyang Negosyo

Hindi maipagkakaila na isa si Judy Ann Santos sa mga kilala at batikang aktres sa showbiz industry. Madaming beses na din niyang pinatunayan...


Hindi maipagkakaila na isa si Judy Ann Santos sa mga kilala at batikang aktres sa showbiz industry. Madaming beses na din niyang pinatunayan kung gaano siya kagaling pagdating sa pag-arte. Dahil dito, siya ay tinawag din ng kaniyang mga fans bilang "Drama Queen".

Sa ngayon, mapapansin na tila hindi na lumalabas si Judy Ann sa telebisyon o sa mga show hindi na tulad noon. Ito ay dahil pinagtutuunan niya ng pansin ngayon ang kaniyang pamilya at negosyo.

Nagbukas kasi sila ng restaurant na tinawag nila na "Angrydobo".



Masaya at nagpapasalamat naman ang aktres para sa bagong achievement na kaniyang nakuha, lalo na ang kaniyang asawa na si Ryan Agoncillo na suportado siya sa lahat ng kaniyang nais gawin.

Hindi araw araw ay nakakakita tayo ng mga artista o personalidad na nakasuot ng apron, nagluluto, nagsisilbi, at naglilinis para sa ibang tao. Ngunit, ito ay nagawa lahat ni Juday at umani din siya ng papuri at mga positibong komento mula sa mga netizens.



At kamakailan lamang, nagbigay naman siya ng inspirasyon sa kaniyang mga fans at followers sa kaniyang bagong post sa social media.

Ipinakita kasi ni Judy Ann ang pasilip sa kaniyang trabaho at kung gaano siya ka hands-on at ka effort sa kaniyang negosyo.



Makikita din sa kaniyang larawan na tila ba siya ay pagod na habang inaasikaso ang kaniyang restaurant.

Gayunpaman, sa kabila ng hirap at sakripisyo niya, sinabi niya na siya ay masaya pa din dahil natupad niya ang kaniyang pangarap.

Aniya,

"Yung nagsabay yung antok at gutom.. pero mas nangingibabaw yung gutom habang hindi maitago yung kaligayahan mo, kasi naitawid mo lahat ng items na kelangan idispatch on time."


Dagdag pa niya,

"thank you to everyone who bought slots for our sunday market live items! My heart is so full and grateful! Maraming maraming salamat po! To the whole team of angrydobo, thank you, thank you! I wouldn't be able to do everything without all of you."

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat ang pagiging malapit ni Judy Ann sa pagluluto. Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit siya hands-on sa kaniyang negosyo na dahilan para balik balikan ang kaniyang restaurant ng kaniyang mga customer. Ito ay hindi lamang dahil sa mga masasarap na pagkain, kundi pati na din ang karanasan na mapagsilbihan ng isang Drama Queen.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Judy Ann Santos, Hinangaan Ng Marami Dahil Sa Pagiging Hands-on Sa Kaniyang Negosyo
Judy Ann Santos, Hinangaan Ng Marami Dahil Sa Pagiging Hands-on Sa Kaniyang Negosyo
https://1.bp.blogspot.com/-zZlTlvjg3Dc/YEoX7FpkuFI/AAAAAAAASqo/8pNOQ08LJr4HAcjL9B2mu58TF_ijBgiNACLcBGAsYHQ/w640-h360/judayhfhdfh.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-zZlTlvjg3Dc/YEoX7FpkuFI/AAAAAAAASqo/8pNOQ08LJr4HAcjL9B2mu58TF_ijBgiNACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/judayhfhdfh.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/judy-ann-santos-hinangaan-ng-marami.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/judy-ann-santos-hinangaan-ng-marami.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy