Julia Barretto, Binati Ang Kasintahan Na Si Gerald Anderson Sa Kaarawan Nito

Ibinahagi ni Julia Barretto sa kaniyang Instagram account ang isang sweet photo niya kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson bilang pagba...


Ibinahagi ni Julia Barretto sa kaniyang Instagram account ang isang sweet photo niya kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson bilang pagbati sa kaarawan ng aktor.

Simula nang kumpirmahin ni Gerald ang tungkol sa kanilang relasyon, naging mas open at vocal ngayon sa publiko ang dalawa sa pagmamahalan nila sa isa't isa.

Noong Marso 7 lamang, ipinagdiwang ng aktor na si Gerald ang kaniyang ika-32 na kaarawan. Syempre, kasama niya sa kaniyang special day ang kasintahan na si Julia.


Sa kabilang banda, binati naman ni Julia sa kaniyang Instagram account ang kaniyang kasintahan.

Ani ng aktres,

"Everyday, I celebrate you, but today I am extra grateful [white heart emoji] I am so PROUD OF YOU.”

Kaakibat ng sweet na mensahe ay ang larawan nilang dalawa kung saan makikita na hinalikan siya ni Gerald sa kaniyang pisngi.


Sa panayam sa kaniya ni Boy Abunda kamakailan lamang, inamin na ni Gerald sa kauna-unahang pagkakataon ang tungkol sa relasyon nila ni Julia.

Matatandaan na noong 2019 ay naging malaking kontrobersiya ang hiwalayan ni Gerald at aktres na si Bea Alonzo dahil naging third paty umano sa kanilang relasyon si Julia. Bukod pa diyan, sinasabi din na marahil si Gerald ang dahilan ng hiwalayan din ni Julia at dating kasintahan at aktor din na si Joshua Garcia.

Nito lamang, nakita naman sina Julia at Gerald na magkasama sa isang relief program. May ilan ding mga larawan na kumakalat sa social media kung saan makikita ang dalawa na magkahawak kamay at naglalakad sa private resort ng aktor sa Zambales.



Samantala, marami man ang hindi sang-ayon sa relasyon ng dalawa dahil sa anila ay pagiging third party ng dalawa sa kani-kanilang relasyon noon, patuloy naman silang dinepensahan at pinagtatanggol ng kanilang mga tagahanga. Marami sa kanilang mga fans ang masaya para sa kanila at hiling nila ay ang matatag na relasyon para sa dalawa.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Julia Barretto, Binati Ang Kasintahan Na Si Gerald Anderson Sa Kaarawan Nito
Julia Barretto, Binati Ang Kasintahan Na Si Gerald Anderson Sa Kaarawan Nito
https://1.bp.blogspot.com/-DTP_JdhLf-M/YEfvTSHIMXI/AAAAAAAASjM/y0KL3j5B7B8PULeuMZdFtzIQUaNWAvT7gCLcBGAsYHQ/w640-h360/geraldddgh.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-DTP_JdhLf-M/YEfvTSHIMXI/AAAAAAAASjM/y0KL3j5B7B8PULeuMZdFtzIQUaNWAvT7gCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/geraldddgh.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/julia-barretto-binati-ang-kasintahan-na_9.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/julia-barretto-binati-ang-kasintahan-na_9.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy