Kilalanin Ang Mga Male Celebrities Na Nakabuntis At Naging Binatang Ama

Kilalanin ang mga male celebrity na maagang nakabuntis at naging binatang ama sa showbiz. 14. John Wayne Sace Isa si John Wayne Sace sa mga ...


Kilalanin ang mga male celebrity na maagang nakabuntis at naging binatang ama sa showbiz.

14. John Wayne Sace

Isa si John Wayne Sace sa mga kinikilalang mahusay na batang aktor sa Kapamilya network noon. Marami ang nanghinayang ng unti-unti siyang nawawala sa showbiz. Iyon ang mga panahon na napabalitang naging pasaway siya sa trabaho, marahil ito ay sa maagang pagkawala ng kanyang magulang.

Aminado si John Wayne noon na nagbagong buhay siya dahil na din sa kapakanan ng kaniyang anak. Nalulong din sa pinagbabawal na gamot ang aktor noon at nang isipin ang anak, sinabi niya sa kaniyang sarili na kailangan niyang isaayos muli ang kaniyang buhay.

Hindi naman itinago ni John Wayne noon na nagkaroon siya ng anak at naging batang ama sa edad na 20.

13. Jiro Manio

Marami ang nanghinayang dahil isang award-winning child actor si Jiro Manio noong panahon niya. Nakagawa ito ng ilang dekalidad na pelikula at nag-uwi ng ilang mga best actor at best child actor awards para sa pelikulang 'Magnifico'. Ngunit ang pagkilalang ito at ang pagiging isang aktor ay hindi naging sapat para kay Jiro.

Nasira ng dr06a ang buhay ng batang aktor. Isa pa ang pinagdaanan ng aktor ay ang pagiging isang batang ama sa edad na 16. Inamin niya ang tungkol sa pagkakaroon ng anak noong siya ay 18-years-old at sinabing nasa tamang edad na ito upang pag-usapan ang pagiging batang ama.

Itinago niya ang tungkol sa kaniyang anak dahil na din sa payo ng kaniyang management dahil siya ay menor de edad pa noong panahong iyon.

12. Bugoy Carino

Ilang buwan lamang ang nakalilipas nang mapabalita ang pagiging isang batang ama ng dating child star na si Bugoy Carino. Ikinagulat ito ng karamihan dahil malayo pa sana ang mararating ni Bugoy pagdating sa kaniyang showbiz career. Subalit, naging mapusok ang batang aktor at dahil sa pagmamahalan nila ng volleyball player na si EJ Laure, nagkaroon sila ng isang anak na babae.

15-years-old si Bugoy noong ito ay naging batang isang ama at 19 naman si EJ noong magkakilala silang dalawa. Maraming netizens ang pumuna sa pagkakaroon nila ng relasyon, lalo na ang pagkakaroon ng anak dahil menor de edad pa ang aktor noon. Aminado naman si Bugoy na may mali sa ginawa nila ni EJ ngunit sinabi nito na hindi siya naging pabayang ama at hindi din sila dapat i-judge ng mga tao dahil sa nangyari.

11. Kris Lawrence

Taong 2012 nang mapabalita ang pagbubuntis ng sexy actress na si Katrina Halili sa singer na tinagurian na 'Prince of Soul' na si Kris Lawrence. Sinabi ni Kris na maraming katanungan ang pumasok sa kaniyang isipan nang sabihin ni Katrina na siya ay nagdadalang tao. Subalit napalitan iyon ng kasiyahan sa ideyang siya ay magiging isang ama na. Bago pa man mangyari ang pag-amin na buntis si Katrina, pinaplano na talaga ng singer na maghanap ng singsing para sa aktres dahil balak na niyang pakasalan ito.

Naging priority naman muna nila ang bata kaya't ipinagpaliban ang binabalak na pagpapakasal sa aktres. Hindi din naman nagtagal ay nagkahiwalay din ang dalawa ngunit maganda naman ang kanilang relasyon sa isa't isa, lalo na sa pagpapalaki kay Katie.

10. Vhong Navarro

Maaga din naging isang ama ang kilalang dancer noon na kabilang sa grupong 'Streetboys' na si Vhong Navarro. Bago pa man ito magkaroon ng relasyon sa aktres na si Bianca Lapus, nagkaroon na ito ng ibang relasyon at naging ama muna kay Frederick.

Nang sumisikat na ang grupo nitong 'Streetboys', dito naman hinarap ni Vhong ang pagsubok na siya ay magkakaanak naman ito kay Bianca. Siya ay si Isaiah na siyang naging anak nito sa ex-wife nito na si Bianca at si Frederick na anak nito sa dating non-showbiz girlfriend.

Kinausap niya ang mga binata na huwag gayahin ang kanilang ama na naging isang batang ama. Binarkada ni Vhong ang mga anak niya upang hindi ito mahiyang magsabi sa kaniya ng mga problema, lalo na pagdating sa pag-ibig.

9. Coco Martin

Kung inyong matatandaan noon sa isang interview, inamin ni Coco Martin na siya ang ama ng anak na babae ng s3xy star na si Katherine Luna. Ngunit, ang baguhang aktor noon ay may halong pagdududa kung totoo nga ba na siya ang ama ng bata. Dumana ito sa isang DNA test para mapatunayan kung siya nga ang ama ng bata o hindi.

Sa lumabas na DNA test result, negative ang nasabing pagsusuri at hindi siya ang ama ng anak ni Katherine.

Lumipas naman ang ilang taon nang mabuo ang tambalang CocoJul, napabalita na nagkakamabutihan noon ang dalawang artista at sinasabing nagkaroon sila ng relasyon. Hanggang sa mapaulat na nagdadalang tao ang aktres na si Julia Montes at sinasabing nanganak ito sa bansa sa isang kilalang ospital sa Metro Manila.

Subalit, hanggang sa mga sandaling ito, walang kumpirmasyon o pag-amin ang nangyari sa kampo ni Julia o Coco. Hindi pa malinaw kung totoo nga o hindi ang mga lumabas na balita na halos dalawang taon na ang nakararaan.

8. Aljur Abrenica

Unang na-link sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla noong 2011 nang pareho pa silang nasa bakuran ng GMA-7. Si Kylie ay 18-years-old habang si Aljur naman ay 21 na noon. Pumasok sila sa isang relasyon, subalit naghiwalay sila noong 2014. Nagkabalikan lang sila noong 2016 matapos ang mahigit na 2 years na paghihiwalay. 

Marami ang naging pagsubok ang pinagdaanan ng kanilang relasyon at isa na dito ang maagang pagbubuntis ni Kylie. Nilinaw naman ni Aljur na ang pagbubuntis ng aktres ay nangyari matapos ang engagement nilang dalawa na ang proposal ay nangyari pa sa bansang Japan.

Gayunpaman, masaya naman ang naging pagsasama nila at ngayon ay mayroon na silang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

7. Mark Herras

Halos matagal ding panahon ang lumipas bago naamin ni Mark Herras sa publiko ang pagkakaroon niya ng anak. Ang ina ng kaniyang anak ay ang dating road manager at personal assistant niya na si Diane Evangelista. Marahil itinago ni Mark ang tungkol sa naging relasyon nila ng assistant dahil makasasama ito sa kaniyang karera.

Ang kaniyang anak na si Ada Sofia Nicolette ay nakasama naman nito noong magdiwang ito ng kaniyang 1st birthday. 

Sa ngayon, magiging ama na naman ulit si Mark dahil kinumpirma nila ng girlfriend na si Nicole Donessa na ito ay nagdadalang tao. Halos 5 months na din ang pinagbubuntis ni Nicole at sinabi na ikinatuwa nila ang pangyayari, lalo na at magkasama sila ngayon sa iisang bub0ng gawa ng pand3mic at lockdown sa Metro Manila.

6. Patrick Garcia

Naging kontrobersiyal ang pagiging isang ama ni Patrick Garcia noon sa kaniyang unang anak sa ex-girlfriend nito na si Jennylyn Mercado. Dumating kasi sa punto na pinagdudahan ni Patrick ang bata at naitanong sa kaniyang sarili kung siya ba talaga ang ama ng dinadala ni Jen.

Ang pangyayaring ito ay siyang kinagalit ni Jennylyn at humantong sa punto hindi na naging maganda ang relasyon ng dating kasintahan sa isa't isa.

Sa isang panayam noon, sinabi ni Patrick na kahit ayaw ni Jen na sila ay magka-usap, nag-aalala pa din siya sa bata at gusto niyang maging ama dito. Hindi naman nagtagal ay naayos din ang relasyon ni Jen kay Patrick at naipadarama na ni Patrick ang pagiging isang ama kay Alex Jazz Mercado.

Sa ngayon nga ay kakaiba ang set up nilang pamilya dahil nakakasama din ng pamilya ni Patrick sa asawa nitong si Nikki Garcia si Jen at Jazz.

5. Paolo Avelino

Ang relasyon na nabuo sa pagitan ng aktres na si LJ Reyes at Paolo Avelino ay nagbunga ng isang anak na lalaki. Parehong maganda ang karera nilang dalawa kaya naman ikinagulat ng karamihan ang maagang pagbubuntis ni LJ. Hindi naman nagtagal ang pagsasama nina LJ at Paolo at nagkahiwalay din ang dalawa.

Habang lumalaki ang anak nito na si Akia, pinipilit naman ni Paolo na maging ama sa bata. Subalit, nagkaroon ng hindi magandang relasyon noon sina Paolo at LJ pagdating sa pagbibigay ng sustento sa bata. Hindi naman daw naiinggit o nagseselos si Paolo sa closeness ng anak niya sa boyfriend ni LJ ngayon na si Paolo Contis dahil alam ng bata kung sino ang tunay na ama nito.

4. Jake Ejercito

Dumaan sa matagal na usapin sa mundo ng showbiz ang pagkakakilanlan ng ama ng magiging anak ni Andi Eigenmann noon na si Ellie. Itinago kasi ni Andi ang pagkatao ng batang ama at nagbanggit pa ng ibang pangalan. Hindi nagtagal ay nalaman din ng publiko na si Jake Ejercito, anak ng dating Pangulong Erap sa dating actress na si Laarni Enriquez, ang ama ng pinagbubuntis ni Andi.

Nabigyan naman ng pagkakataon ang baguhang aktor na gampanan ang pagiging isang ama nito sa anak na si Ellie. Nakasama at naka-bonding ni Jake ang anak nang maiwan ito sa kaniya habang may lockdown sa Metro Manila. Pinasalamatan ni Jake ang ilan sa kaniyang mga kaibigan para sa pagsalba sa kaniya mula sa nauubos na mga quarantine activities nilang mag-ama.

Kasama din si Jake sa mga online classes ni Ellie na siya namang ikinatuwa ng aktor.

3. Richard Gutierrez

Dahil sa isang legal battle na kinasangkutan ng girlfriend na si Sarah Lahbati noon, hindi inaasahan ni Richard Gutierrez na maaantala ang pagsabi nito ng isang mahalagang anunsyo sa kaniyang buhay. Umabot din kasi ng halos isang taon para maamin na siya ay isa ng ganap na ama kay baby Zion. Minabuti nilang itago ang bata para ilayo ito sa media at maproteksyonan ang pagkatao nito.

Ang pagtatagong ito ay may malinaw na basehan at hindi nila ginawa dahil masisira ang karera nilang mag-asawa. Ang reality show naman ng pamilyang Gutierrez ang naging daan para maisapubliko nila ang pagpapakilala sa kanilang anak.

Masaya naman na ngayon ang kanilang married life ni Sarah kasama ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

2. Markus Paterson

Napabalita kamakailan lamang ang tungkol sa pag-amin ni Markus Paterson sa relasyon nilang dalawa ng aktres na si Janella Salvador. Sa isang IG post nito, ipinakita doon ang sweet dance nilang dalawa na sinamahan pa ng isang kiss sa lips.

Ito ang patunay na tinuldukan na nilang dalawa ang mga usapin tungkol sa estado ng kanilang puso. Subalit, sa isang IG live na ginawa ni Markus, pinag-uusapan ang diumano'y pagbubuntis ni Janella kung kaya sila ay nagtungo sa Europe para doon manganak ang aktres.

Maririnig kasi sa background ng nasabing live ang mga katagang "Ipinagbabawal sa akin ang pagtalon" na binigkas ni Janella. Napaisip ang mga nakanood at nakarinig kung bakit siya bawal tumalon at ito ay marahil dahil nagdadalang tao ang aktres.

1. Gerald Anderson

Ang pagiging ama ni Gerald Anderson ang naging paksa ng mga usapin sa showbiz nitong mga nakaraang buwan dahil sa naging pahayag ng dating broadcaster na si Jay Sonza. Ibinalita kasi ng broadcaster na magiging ganap ng ama si Gerald dahil sinabi ng isang source niya na nagdadalang tao ang aktres na si Julia Baretto na napabalitang girlfriend ng aktor.

Nagpahayag pa nga ito ng kaniyang congratulatory message at sinabing napatunayan ng aktor na walang problema sa kanilang dalawa ni Julia.

Mariin namang itinanggi ni Gerald ang nasabing tsismis at nag-post ito ng isang sarcastic na message sa kaniyang Instagram account. Sinabi din ng aktor na fake news ang inilabas ni Sonza at walang katotohanan ang mga isinulat niya.

Humingi ng paumanhin ang dating broadcaster, subalit pakiramdam naman ng karamihan na ito ay isang half-hearted apology at sinasabi na walang sinseridad.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Kilalanin Ang Mga Male Celebrities Na Nakabuntis At Naging Binatang Ama
Kilalanin Ang Mga Male Celebrities Na Nakabuntis At Naging Binatang Ama
https://1.bp.blogspot.com/-sNxoz4GtfLc/YEC0QZIYZOI/AAAAAAAAR_E/9hKtIDZ78UsUbblwKZIx6I0DudB0OqMOQCLcBGAsYHQ/w640-h360/wowsfaf.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-sNxoz4GtfLc/YEC0QZIYZOI/AAAAAAAAR_E/9hKtIDZ78UsUbblwKZIx6I0DudB0OqMOQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/wowsfaf.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/kilalanin-ang-mga-male-celebrities-na.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/kilalanin-ang-mga-male-celebrities-na.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy