Lalaki, Iniwan Ang Dalaga Na Ka-Bl1nd Date Matapos Nitong Isama Ang Kaniyang 23 Na Kamag-anak At Umabot Ng $2.3K Ang Bill Nila

Ang pakikipag bl1nd date ay isa sa mga paraan na ginagawa ng mga tao na nais magkaroon ng lovelife o umaasa na mahanap ang tao na talagang m...


Ang pakikipag bl1nd date ay isa sa mga paraan na ginagawa ng mga tao na nais magkaroon ng lovelife o umaasa na mahanap ang tao na talagang magmamahal sa kanila ng buong buo at hindi sila iiwan anuman ang mangyari. 

Ang bl1nd date ay isang usapang pagkikita ng dalawang tao na hindi pa nagkikita sa personal at hindi pa kilala ang isa't isa.

Ang bl1nd date ang magiging kauna-unahang pagkakataon na sila ay magkakakilala at magkikita. Dito din sa date na ito nila malalaman kung magugustuhan o compatible ba sila sa isa't isa.

Sa social media pa lamang, marami na tayong naririnig o nababasa na mga kwento ng magkasintahan o mag-asawa na nahanap ang pag-ibig nila sa isa't isa dahil sa blind date.

Gayunpaman, may ilan naman na nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa kanilang bl1nd date. 

Kagaya na lamang ng kwentong ito na naging viral sa social media. 

Ito ay tungkol sa isang dalaga mula sa China. Naisipan niyang isama ang kaniyang 23 na kamag-anak sa kaniyang blind date para malaman at mapatunayan kung ang lalaki na kaniyang makaka-date ay mapagbigay o hindi, lalo na pagdating sa kaniyang pamilya.

Hindi naman daw nag4lit ang lalaki noong isama ng dalaga ang kaniyang mga kamag-anak. Sa katunayan nga ay naging maayos pa ang kanilang usapan at date. 

Ngunit, laking gulat na lamang ng lalaki ng makita kung gaano karaming pagkain ang in-order ng mga kamag-anak ng babae na halos umabot na sa halagang $2,800 ang naging bill nila.

Ayon sa kwento, sinet-up umano ng ina ng lalaki ang nasabing bl1nd-date dahil ito ay nag-aalala para sa kaniyang anak na "single" pa din sa kabila ng edad nito. Natakot at kinabahan ang ina na baka tumandang binata ang kaniyang anak at hindi na ito makapag-asawa.

Samantala, hindi naman makapaniwala ang lalaki nang makita ang bill na kailangan nilang bayaran para sa mga kinain nila na umabot pa sa $2,800. Ngunit, ang mas ikinagulat ng lalaki ay nang sabihin ng dalaga na hindi siya magbibigay ng hati para sa bayad at ang lalaki lamang ang kailangan magbayad ng naturang bill.

Ayon naman sa dalaga, nais lamang daw niyang mai-test ang pagiging mapagbigay ng lalaki kaya naman naisipan niyang isama ang kaniyang mga kamag-anak at mag-order ng maraming pagkain.

Ngunit, sa halip na bayaran ng lalaki ang in-order nila, tanging ang kinain lamang nito ang kaniyang binayaran. Matapos nito, dali dali niyang iniwan ang dalaga at ang mga kamag-anak nito.

Ang ina naman ng lalaki ang naging tagapamagitan ng dalawa tungkol sa isyu ng pagtakbo ng lalaki sa pagbabayad ng bill.

Depensa naman ng lalaki, handa naman daw siyang bayaran ang ganoong kalaking bill sa restaurant para sa kanilang mga in-order kung isa o dalawang kamag-anak lamang ang kasama ng dalaga.

Para sa kaniya, sobra-sobra naman daw ang dalaga na nagdala pa ng 23 na kaniyang mga kamag-anak sa kanilang blind date para lamang patunayan na siya ay mapagbigay.

Naging viral naman sa social media ang kwentong ito at umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens. Ayon sa ilan, naiintindihan daw nila ang side ng lalaki dahil kahit maging sila man ang nasa sitwasyon ng lalaki, matatak0t din sila sa laki ng bayarin.

Saad pa ng ilan na isa hanggang dalawang kasama ay sapat na sa pakikipag bl1nd date ngunit hindi naman na ata tama kung magsasama ka pa ng marami dahil baka isipin lamang ng iyong makaka-bl1nd date na libreng pagkain lamang ang habol ng mga ito.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Lalaki, Iniwan Ang Dalaga Na Ka-Bl1nd Date Matapos Nitong Isama Ang Kaniyang 23 Na Kamag-anak At Umabot Ng $2.3K Ang Bill Nila
Lalaki, Iniwan Ang Dalaga Na Ka-Bl1nd Date Matapos Nitong Isama Ang Kaniyang 23 Na Kamag-anak At Umabot Ng $2.3K Ang Bill Nila
https://1.bp.blogspot.com/-AGBazcc38Bc/YENn9Dk-ArI/AAAAAAAASLQ/VZHydZkUL_cgxelhDRBtIKwQWxPGsuqSgCLcBGAsYHQ/w640-h360/brlikgfdhdf.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-AGBazcc38Bc/YENn9Dk-ArI/AAAAAAAASLQ/VZHydZkUL_cgxelhDRBtIKwQWxPGsuqSgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/brlikgfdhdf.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/lalaki-iniwan-ang-dalaga-na-ka-bl1nd.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/lalaki-iniwan-ang-dalaga-na-ka-bl1nd.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy