Mga Lalaki Sa Faroe Island, Denmark, Naghahanap Ng Mga Mapapangasawa Na Pinay Dahil Sa Pagkakaroon Ng Kaunting Populasyon!

Hindi maipagkakaila na isa ang bansang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na mayroong malaking populasyon. Ang hindi pagsunod sa family p...


Hindi maipagkakaila na isa ang bansang Pilipinas sa mga bansa sa buong mundo na mayroong malaking populasyon. Ang hindi pagsunod sa family planning ang isa sa mga nagiging dahilan nito. 

Bukod pa diyan, parami din ng parami ang mga kabataan na maagang nabubuntis dahil na din sa kakulangan sa kaalaman at edukasyon tungkol sa pagtatal1k.

Isa sa mga posibleng dahilan na nakikita ng mga eksperto kung bakit lalong naghihirap ang Pilipinas ay dahil sa patuloy na pagdami ng tao sa bansa.


Ngunit, kung sa Pilipinas ay patuloy na lumalaki ang populasyon, ang pangyayaring ito ay kabaligtaran naman sa Faroe Island sa Denmark.

Sa katunayan nga niyan, naghahanap na ng mga mapapangasawa ang ibang kalalakihan dito dahil sa pagbaba ng kanilang populasyon, lalo na ang mga babae.

Sa ngayon, tinatayang nasa 50,000 ang mga tao na naninirahan dito ngunit habang tumatagal ay nababawasan at bumababa ang bilang ng populasyon sa Faroe Island.


Halos nasa apat na porsyento lamang ang mga kababaihan sa kanilang lugar. Kaya naman ang ilan ay pinipili na makapag-asawa ng nasa ibang lugar dahil kahit gustuhin man nila na magkaroon ng asawa sa kanilang lugar ay hindi nila magawa dahil sa kakulangan ng mga kababaihan.

Sila ay natuto na din ngayon na gumamit ng mga dating apps gamit ang internet dahil halos lahat ay hi-tech na din sa kanilang bansa.

Karaniwan na hinahanap nila ay babae na mula sa Asya. Ang iba naman ay naghahanap sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan na mayroong kasintahan na Asyana. 

Patunay lamang dito ay ang 300 na kababaihan na mula sa iba't ibang parte ng Asya na ngayon ay lumipat na sa Faroe Island at sumama sa kanilang kasintahan na nakilala sa mga dating sites.

Ang grupo ng mga taga Asya sa ngayon ang mayroong pinakamataas na ethic minority sa 18 isla.

Ngunit, bakit nga ba sa halip na tumaas ang populasyon sa Faroe Island ay patuloy pa din itong nababawasan habang tumatagal?

Ayon kay Prime Minister Axel Johannesen, marami na daw ang mga residente nila ang nalipat sa ibang bansa para makahanap ng mas mataas na edukasyon o kaya naman ay magandang trabaho. Ngunit, kahit lumipas na ang mga taon ay hindi na bumalik pa ang iba dito.

Para naman sa Pinay na si Antonette Egholm, maganda naman daw at maaliwas ang lugar sa Faroe Island kahit pa man iba ang kanilang klima at kultura.

Sa panayam ni Tim Ecott ng BBC kay Antonette, mababait daw ang mga tao sa Faroe Island. Maliban pa diyan, sila ay mga palakaibigan din. Kung ikukumpara nga daw sa Pilipinas, ang Faroe Island ay malayong malayo dahil sa Pilipinas ay talamak daw ang matinding traffic at kr1men.

Dagdag pa ni Antonette, maganda daw at maayos ang sistema ng Faroe Island pagdating sa kalidad ng edukasyon at serbisyong medical.

Saad naman ng kaniyang asawa na si Regin, ang kanilang lugar daw ay hindi dapat katakutan sa halip ay subukan daw nila na magpunta dito at yakapin sila.

Sa ngayon kasi ay lubos silang nangangailangan ng mga bagong tao sa kanilang lugar.

“We actually need fresh blood here. I like seeing so many children now who have mixed parentage. Our gene pool is very restr1cted, and it’s got to be a good thing that we welcome outsiders who can have families.”

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Mga Lalaki Sa Faroe Island, Denmark, Naghahanap Ng Mga Mapapangasawa Na Pinay Dahil Sa Pagkakaroon Ng Kaunting Populasyon!
Mga Lalaki Sa Faroe Island, Denmark, Naghahanap Ng Mga Mapapangasawa Na Pinay Dahil Sa Pagkakaroon Ng Kaunting Populasyon!
https://1.bp.blogspot.com/-k2VJy4IiW_8/YE9GcwQGopI/AAAAAAAAS8I/J7jZml3K8qYbNAJYVRwC474rmEqM26bMQCLcBGAsYHQ/w640-h360/farasasfdsafs.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-k2VJy4IiW_8/YE9GcwQGopI/AAAAAAAAS8I/J7jZml3K8qYbNAJYVRwC474rmEqM26bMQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/farasasfdsafs.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/mga-lalaki-sa-faroe-island-denmark.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/mga-lalaki-sa-faroe-island-denmark.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy