Mommy Divine At Sarah Geronimo Nagkaayos Na? Sarah Geronimo, Ipinopromote Ang Products Na Ibinebenta Ng Ina

Naging usap-usapan kamakailan lamang ang pagpo-promote ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kaniyang social media accounts ng mga farm produ...


Naging usap-usapan kamakailan lamang ang pagpo-promote ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kaniyang social media accounts ng mga farm product na ibinebenta ng kaniyang ina na si Divine Geronimo. Dahil sa nasabing post, marami naman sa mga netizens ang naghinala na marahil nagkaayos na ang mag-ina ngayon.

Noong gabi ng Sabado, nag-post si Sarah Geronimo ng sunod-sunod sa kaniyang Instagram Stories tampok ang mga organic na gulay at prutas na ibinebenta ng kaniyang ina. Hinihikayat din niya ang kaniyang mga fans at followers na bumili ng mga ito.

Saad sa text na kasama sa Instagram Stories ni Sarah,

"Freshly harvested organic fruits and vegetables from my Mama’s farm. Order now."


Noong nakaraang taon, naging viral sa social media ang farm sa Tanay, Rizal ng pamilya ni Sarah. Sila ay nagmamay-ari din ng restaurant, ang "Geronimo's Cafe and Restaurant" sa Mindanao Avenue, Quezon City kung saan inihahain ang mga organic produce ng kanilang farm.

Ikinatuwa ng fans at mga netizens ang kaniyang post dahil ito ang unang beses na nabanggit ng Popstar Royalty ang kaniyang ina sa Instagram matapos ng kasal niya kay Matteo Guidicelli.



Gayunpaman, hindi pa direktang sinasabi ni Sarah kung sila ay nagkabati na nga ba ni Mommy Divine.

Matatandaan na nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan sina Mommy Divine at Sarah kasunod ng pagpapakasal ng singer sa aktor na si Matteo.

Ikinasal sina Matteo at Sarah noong Pebrero 2020 sa isang civil wedding ceremony sa Shangri-La, The Fort sa Bonifacio Global City.


Naging headline ang secret wedding ng dalawa dahil sa away na nangyari nang dumating sa venue si Mommy Divine kasama ang bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon na sinasabi si Sarah kung sila ay nagkaayos na nga ba ngayon ni Mommy Divine. Gayunpaman, hiling ng marami na sana sila ay nagkaayos na nga at mabuo na muli sana nila ang kanilang pamilya.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Mommy Divine At Sarah Geronimo Nagkaayos Na? Sarah Geronimo, Ipinopromote Ang Products Na Ibinebenta Ng Ina
Mommy Divine At Sarah Geronimo Nagkaayos Na? Sarah Geronimo, Ipinopromote Ang Products Na Ibinebenta Ng Ina
https://1.bp.blogspot.com/-g4ebvdzElLg/YFGhxcnTYkI/AAAAAAAATFE/ciHDYvvuk9YlWRg6oOUOfyr8QWIeCM1QgCLcBGAsYHQ/w640-h360/sarrrsaasfda.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-g4ebvdzElLg/YFGhxcnTYkI/AAAAAAAATFE/ciHDYvvuk9YlWRg6oOUOfyr8QWIeCM1QgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/sarrrsaasfda.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/mommy-divine-at-sarah-geronimo.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/mommy-divine-at-sarah-geronimo.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy