Nakakagulat Pala Ang Bussiness At Yaman Ni Sarah Geronimo Kahit Wala Na Sa ABS-CBN

Bata pa lamang ang singer-actress na si Sarah Geronimo ay naging matulungin na ito sa kaniyang pamilya. Matapos niyang manalo sa 'Star F...


Bata pa lamang ang singer-actress na si Sarah Geronimo ay naging matulungin na ito sa kaniyang pamilya. Matapos niyang manalo sa 'Star For A Night' noong 2002, siya na ang tumayo bilang breadwinner sa kaniyang pamilya.

Sa kaniyang pagkapanalo, nakapagbigay ito sa kaniyang pamilya ng ginhawa dahil sa P1-M na nakuha nito sa nasabing patimpalak. Hindi lamang iyon, nagkaroon din ito ng managerial contract mula sa isang kilala na production company, ang Viva Entertainment. Dahil sa maagang sumikat at sinuportahan ng mga fans si Sarah, nagkaroon ito ng maraming projects mula sa paggawa ng recording albums, paglabas sa iba't ibang TV shows at pelikula.

Hindi din mabilang ang kaniyang mga ginawang concerts kung saan napuno niya ang venue lalo na sa Smart Araneta Coliseum na kinokonsiderang isa sa pinakamalaking concert venue sa bansa. 



Ang katanyagang ito na natamo ni Sarah dahil sa kaniyang talento ang nagbigay sa kaniya ng isang marangyang buhay. Marami ang hindi nakakaalam kung gaano kalaking halaga ang naipon ni Sarah pati na din ang mga ari-arian na kaniyang naipundar.

Kaya naman nang nabalitang yaman ni Sarah ay pinag-usapan noon pa man bago ito magpakasal sa aktor na si Matteo Guidicelli.



Maliban sa prenup suggestion ng kaniyang ina na si Mommy Divine, gusto nito na mailipat muna sa kanilang pamilya ang lahat ng yaman at naipon ni Sarah. Nagsimulang maglabasan kung ano ano nga ba ang mga business ni Sarah at kung gaano na ito kayaman ngayon.

Naiulat din na si Sarah ang isa sa mga top tax payer ng bansa, ayon na din sa record ng Bureau of Internal Revenue o BIR. Ang kaniyang estimated net worth naman ay tinatayang umabot na sa P500-M hanggang P2-B. 

Lumabas din ang singer-actress sa apat na pelikula mula 2014 na ang lahat ay kumita ng higit sa P150-M sa takilya. Ang pelikula na "Finally Found Someone" naman ay kumita ng higit na P350-M sa unang taon lamang. 



Siya din ay napabilang na coach sa "The Voice Kids" at "The Voice Teens", dalawa sa pinakatanyag na palabas sa telebisyon sa ABS-CBN. Nagtanghal din siya sa maraming malalaking venue at isa na dito ay ang concert kasama si Asia's Songbird Regine Velasquez. 

Sa loob ng mahigit isang dekada niya sa industriya, hindi na mabilang pa ang mga naipundar ni Sarah sa kaniyang mga kinita. Hindi din masasabi na maaabot ni Sarah ang ganitong klaseng tagumpay kung hindi din dahil sa diskarte ng kaniyang mga magulang. Noong nagsisimula pa lamang si Sarah, sila din ang dumidiskarte kung ano ang gagawin sa kaniyang career. Sila din ang dumiskarte sa kung ano man ang makuhang trabaho ng kaniyang mga manager. Ibig sabihin, kasama din naman sila sa hirap. Kaya naman, hindi din sila masisisi kung bakit ganoon na lamang ang pagiging mahigpit nila sa anak.

Isa nga sa mga naging usap-usapan noon ay ang mga naipundar ni Sarah sa ilang taon niyang pagtatrabaho. Isa umano sa pagmamay-ari nila ay ang malawak na farm sa Tanay, Rizal na solar powered. Bukod sa organic na mga pananim na ibinebenta ni Mommy Divine, may mga alagang hayop din sila katulad ng baboy at itik. Ang farm na ito ay kahanga hanga dahil mayroon silang isang castland na mapagtataniman ng mga prutas na dragon fruits at marami pang mga puno na namumunga. 



Ang lupain ni Sarah ay umaani ng daan-daang prutas kaya naman ito ang magpapaliwanag kung bakit nagkaroon ng panibagong negosyo si Sarah na isang restaurant at iba pang mga negosyo na may kaugnayan sa pagkain. Isa sa mga ito ay ang "Geronimo's Cafe and Restaurant" na sinasabing pinapatakbo ng kaniyang mga magulang. Ang nasabing cafe ay matatagpuan sa Quezon City.

Bukod sa restaurant na ito, may isa pang negosyo ang naipundar ng pamilya ni Sarah. Ito naman ay nagbebenta ng mga organic products na galing mismo sa kanilang farm sa Tanay. Ang mga meat at poultry at mga gulay ay inaangkat mismo sa kanilang malawak na lupain. Mayroon din itong isang merchandise shop sa tapat ng kanilang restaurant kung saan makikita ang mga tindang laruan at iba pang mga gamit na maaaring ibigay bilang panregalo. 

May balita din na mayroong mansion na naipundar si Sarah at lumabas ang balitang ito dahil nadulas si Matteo noon sa isang interview. Ngunit, sinabi ng aktor na mali ang mga nailabas na ulat dahil nagmamay-ari si Sarah ng isang lupain. Wala namang mga pruweba na makakapagpatunay sa balitang ito.



Kung materyal na bagay din naman ang pag-uusapan, marami na din ang mga nakolekta na sapatos ni Sarah. Dahil kasama na din sa kaniyang trabaho ang magpaiba-iba ng style sa pananamit, hindi na din mabilang ang mga sapatos na kaniyang nabili at naisama sa kaniyang koleksyon. Kinikilala ni Sarah na impact ng pagsusuot ng tamang sapatos at sinasabi na isa sa magandang pares ay maaaring baguhin kahit na ang pinakasimpleng kasuotan ng isang indibidwal.

Ang isa pa sa pinaka-proud na business ni Sarah ay ang pagpapatayo niya ng isang cosmetic line. Ang "Pop Studio" ay buong pusong sinuportahan ng kaniyang glam team at pati na din ang boss ng Viva na si Vic Del Rosario. Matagal na itong gustong gawin ni Sarah kaya naman masaya ito na maisakatuparan na niya ang pangarap na iyon. Tiniyak ni Sarah na maging hands on sa lahat ng aspeto ng make-up brand dahil nais niyang hindi lamang ang kaniyang mga tagahanga ang masiyahan dito, ngunit siya din mismo ay maligayahan sa resulta.

Epektibong brand endorser din si Sarah kaya naman lahat ng kaniyang mga endorsements ay tinatangkilik ng mga tao, mula sa pawnshop, toothpaste, gamot, bangko, pabango, at makeup, isang bagong team-up of collaboration ang pinasok ni Sarah. Ito ay sa isang kilalang service delivery app na "Grab". Siya ang kinuhang brand endorser ng nasabing kumpanya kung saan gagawa sila ng isang serye na mga kampanya upang masiyahan at magdala ng pang-araw-araw na halaga sa mga Pilipino sa buong bansa.


Usap-usapan din ngayon ang paglipat ni Sarah sa TV5 Network dahil sa isang show na kaniyang gagawin. Isang talent show na tulad ng pinanggalingan niya ang sisimulan ng nasabing TV network. Isang art card ang inilabas kung saan ipinapakita na si Sarah ay magiging bahagi ng nasabing show. Ang pasiklaban na ito ay naglalayon na magbuo ng isang boyband na tatanghaling pinakamalaking grupo sa bansa.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Nakakagulat Pala Ang Bussiness At Yaman Ni Sarah Geronimo Kahit Wala Na Sa ABS-CBN
Nakakagulat Pala Ang Bussiness At Yaman Ni Sarah Geronimo Kahit Wala Na Sa ABS-CBN
https://1.bp.blogspot.com/-BkCyDYEssnA/YETaPftmR3I/AAAAAAAASYE/ZIWsCPQSm1oG3vXkG-S1B0wsKwgp_9dQACLcBGAsYHQ/w640-h360/arah.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-BkCyDYEssnA/YETaPftmR3I/AAAAAAAASYE/ZIWsCPQSm1oG3vXkG-S1B0wsKwgp_9dQACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/arah.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/nakakagulat-pala-ang-bussiness-at-yaman.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/nakakagulat-pala-ang-bussiness-at-yaman.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy