Turkish Businessman, Ipinatayo Ang Isang Aquarium Fence Sa Kaniyang Bahay!

Naging viral sa social media kamakailan lamang ang kamangha-manghang 50-meter aquarium fence na ginawa ng isang mayamang negosyante kung saa...


Naging viral sa social media kamakailan lamang ang kamangha-manghang 50-meter aquarium fence na ginawa ng isang mayamang negosyante kung saan nilagyan niya pa ito ng iba't ibang uri ng mga isda.

Para sa kaniyang villa sa Cesme, Izmir, dinisenyo ng engineer at negosyante na si Mehmet Ali Gokceoglu ang isang kamangha-mangha at kakaibang fence sa kaniyang bahay.

Walong taon na ang nakakalipas simula nang mapagplanuhan ng Turkish businessman na ayusin ang fence sa harap ng kaniyang bahay. Naisip din niya na gawin itong isang malaking aquarium kung saan nandoon ang iba't ibang uri ng mga species sa karagatan.


Ang nasabing fence ay ilang metro lamang ang layo mula sa Aegean Seashores. Isa din sa mga kilalang tourist destination ang nasabing property na ito ni Mehmet sa Cesme.

Ayon sa may-ari, ang nasabing fence ay patuloy na nakaka-attract ng libo-libong mga turista araw araw. 


Aniya,

"The villa itself is pretty impressive, but it's not what draws so many people to this place. They come to check out the breathtaking aqua-fence."

Saad ni Mehmet, ang paggawa umano sa transparent structure ng nasabing aqua-fence ang isa sa pinakamadaling parte ng kaniyang ginawang proyekto. Ang pinakanahirapan lamang umano siya ay ang pagdikit sa aqua-fence sa Aegean dahil sa pagkabit ng pipeline na may haba na 400-meter.

Nakatulong din ito para mapanatiling malinis ang aquarium at ang mga lamang dagat na masiyahan sa tubig na napapalitan araw-araw.



Ipinakita naman ni Gokceoglu ang tulong na ginawa ng private diving team para makumpleto ang kaniyang proyekto. Siya ay nagbayad umano ng 40,000 Turkish Lira ($21,000 o aabot ng P1-M) para lamang matupad ang kaniyang pangarap.

Naniniwala ang negosyante na napaka-worth it na makita ang mga tao na masayang nakapila sa labas ng kaniyang bahay para pagmasdan ang kaniyang ginawa.

Ilan lamang sa mga aquatic species na nakalagay sa nasabing aquarium ay ang sea bream, sea bass, mullets, eels, at mga oktupus.

Sa loob ng walong taon, siya ay mayroong malaking aquarium set up sa kaniyang bahay. Gayunpaman, ang kaniyang kakaibang proyekto ay patuloy na umaani ng atensyon ng mga turista tuwing summer.



Mayroon ding mga surveillance system na may 17 na camera at isang facial recognition ang nakakabit sa lugar. Ito ay makakatulong para maiwasan ang mga tao na lumapit masyado sa fence na kaniyang ginawa o sa pagkuha ng mga isda.

Ang mga bisita naman ay maaaring tumingin sa paligid, makakuha ng larawan dito, at pagkuha ng mga videos. Tiyak na tutunog naman ang mga alarm na nakapalibot dito kapag mayroong turista na malapit sa nasabing aqua-fence.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Turkish Businessman, Ipinatayo Ang Isang Aquarium Fence Sa Kaniyang Bahay!
Turkish Businessman, Ipinatayo Ang Isang Aquarium Fence Sa Kaniyang Bahay!
https://1.bp.blogspot.com/-B8skHHLpb_k/YE7blFJtsaI/AAAAAAAAS6A/xZ1kdaQfcg8D-j1iXz_2dDGN7n-iIiqoACLcBGAsYHQ/w640-h360/rrrsdfsafv.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-B8skHHLpb_k/YE7blFJtsaI/AAAAAAAAS6A/xZ1kdaQfcg8D-j1iXz_2dDGN7n-iIiqoACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/rrrsdfsafv.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/turkish-businessman-ipinatayo-ang-isang.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/turkish-businessman-ipinatayo-ang-isang.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy