Vice Ganda Emosyonal Na Inamin Sa Kanyang Ina Ang Mga Sama Ng Loob Niya Rito!

Naging masaya at puno ng pagmamahal ang pag-uusap nina Vice Ganda at ng kaniyang ina na si Ginang Rosario Viceral sa part 2 ng "Happy C...


Naging masaya at puno ng pagmamahal ang pag-uusap nina Vice Ganda at ng kaniyang ina na si Ginang Rosario Viceral sa part 2 ng "Happy Chikahan and Lutu-lutuan" vlog ni Vice.

Sa nasabing vlog, napag-usapan ng mag-ina ang tungkol sa mga panahon na wala si Nanay Rosario sa tabi ng kaniyang mga anak dahil kailangan niyang umalis noon para magtrabaho sa ibang bansa upang bigyan ng maayos na buhay ang kanilang pamilya. 

Nang tanungin ni Vice ang kaniyang ina kung bakit niya kailangang umalis noon, sagot ni Nanay Rosario,

"Hindi ko talaga intensyon yun anak. Pero kasi, noong buhay pa ang tatay mo talagang gusto kong makarating sa America para makatulong sa income."



Sunod na tanong ni Vice,

"Hindi mo ba naisip na pag umalis ka, walang mag-aalaga sakin?"

Ayon naman sa Ginang, kahit pa man labag sa loob niya noon ang pag-alis ng bansa at iwan ang kaniyang mga anak, kinailangan niya pa ding gawin na magtrabaho sa ibang bansa para mataguyod at masuportahan ang kanilang pamilya.



Tanong muli ni Vice,

"Ano naman yung part na pinagsisihan mo?"

Emosyonal na sagot ni Nanay Rosario,

"'Yung hindi ko nakita dahil ikaw ang pinakamaliit, hindi ko nakita 'yung paglaki mo. Ikaw sa lahat ang hindi ko nasubaybayan lumaki. 'Yun ang regret ko anak."


Kasunod nito, naging emosyonal na din si Vice sa paglalahad ng mga sama ng loob na mayroon siya noon sa kaniyang ina.

Aniya,

"Alam mo ba noong habang lumalaki ako masama ang loob ko sa inyo dati. Growing up ang dami kong tanong, I didn't understand."

Dagdag pa niya,

"But wala akong Nanay. Matalino naman ako, pero walang maga-award sa akin sa school. Yung question about my sexuality hindi ko alam kanino ko ie-explain. I was developing this anger towards you not because I hated you but because I didn't understand."


Saad ng "It's Showtime" host, dumating na lamang daw sa punto na naiintindihan na niya kung bakit kailangan silang iwan ng kanilang ina noon para magtrabaho sa ibang bansa. 

Ani Vice,

"Alam mo dati noong di ko pa naiintindihan lahat, ang sama sama ng loob ko sayo. Tapos nagagalit ako sayo tapos feeling ko ang hina mong tao. Pero noong naintindihan ko lahat, noong naunawan ko lahat. I became so proud of you."


Sa huli, nagpalitan naman ng "I love you's" ang mag-ina.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Vice Ganda Emosyonal Na Inamin Sa Kanyang Ina Ang Mga Sama Ng Loob Niya Rito!
Vice Ganda Emosyonal Na Inamin Sa Kanyang Ina Ang Mga Sama Ng Loob Niya Rito!
https://1.bp.blogspot.com/-eLE3MR28690/YFBXGQ_YFAI/AAAAAAAATB4/AuJbmm4DqJcZZQvEEf-9KurzStVlyRutQCLcBGAsYHQ/w640-h360/vicefsfsafasfg.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-eLE3MR28690/YFBXGQ_YFAI/AAAAAAAATB4/AuJbmm4DqJcZZQvEEf-9KurzStVlyRutQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/vicefsfsafasfg.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/vice-ganda-emosyonal-na-inamin-sa.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/03/vice-ganda-emosyonal-na-inamin-sa.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy