Bata Na Nagbigay Ng Mga Kamote Sa Kanilang Community Pantry, Makakatanggap Ng Scholarship

Nakatanggap ng papuri mula sa online community ang kahanga-hangang ginawa ng bata na si Ornelo "Don Don" Sinagmayon mula sa Occide...


Nakatanggap ng papuri mula sa online community ang kahanga-hangang ginawa ng bata na si Ornelo "Don Don" Sinagmayon mula sa Occidental Mindoro matapos niyang magbigay ng kalahating sako ng kamote sa kanilang community pantry.

Ayon kay John Christopher Lara ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan na isa sa mga organizers ng kanilang pantry, nagulat daw sila noong lumapit bigla sa kanilang pantry ang 9-taong-gulang na si Don Don upang ibigay ang kalahating sako ng kamote na kaniyang nakuha bilang tulong umano nito sa kanilang pantry.

Sinabi din ng naturang organizer na hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagbigay ng tulong si Don Don sa kanilang community pantry.


Kwento ng ina ni Don Don na si Marialyn, ang mga kamote na ibinagay ng anak ay kanilang sariling tanim at sila ay naghahanda talaga ng maaari nilang ibigay sa kanilang pantry sa Barangay Pinagturilan.

Nang makapanayam nina John Christoper ang mga kapitbahay nina Don Don, sinabi ng mga ito na maaasahan at mabait talagang bata si Don Don, lalo na ang kaniyang pamilya. 

Ang kaniyang tatay at kuya ay nagtatrabaho habang si Don Don naman ay tumutulong sa kaniyang ina sa kanilang bahay.


Dahil sa kahanga-hangang ginawa ni Don Don, naisip ng organisasyon nina John Christopher na bigyan ng mga grocery items ang pamilya ni Don Don.

Bukod pa dito, bibigyan din nila ng full scholarship ang bata mula elementary hanggang sa siya ay makapagtapos ng kolehiyo.

Labis naman ang pasasalamat at kasiyahan na nadarama ni Don Don dahil matutupad na niya ang kaniyang pangarap na maging isang guro.


Nakakatuwa lamang isipin na ngayon ay nakikita talaga ang pagbabayanihan ng mga Pilipino ngayong panahon ng pand3miya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kahit anong meron sila sa kanilang community pantry sa abot ng kanilang makakaya upang makatulong sa mga kapwang nangangailangan.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Bata Na Nagbigay Ng Mga Kamote Sa Kanilang Community Pantry, Makakatanggap Ng Scholarship
Bata Na Nagbigay Ng Mga Kamote Sa Kanilang Community Pantry, Makakatanggap Ng Scholarship
https://1.bp.blogspot.com/-87we8qo4jEA/YIVd2kzUzQI/AAAAAAAAW6g/HmJ-FcUpRhIjRLKS3yMcF0NpriILebFYgCLcBGAsYHQ/w640-h360/dsfegaga.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-87we8qo4jEA/YIVd2kzUzQI/AAAAAAAAW6g/HmJ-FcUpRhIjRLKS3yMcF0NpriILebFYgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/dsfegaga.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/bata-na-nagbigay-ng-mga-kamote-sa.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/bata-na-nagbigay-ng-mga-kamote-sa.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy