Carol Banawa, Nanganak Na Sa Kaniyang Pangatlong Anak Sa Edad Na 40!

Masayang ibinalita ng isa sa mga iconic OPM singers noong 90s na si Carol Banawa ang kaniyang panganganak sa United States kung saan siya na...


Masayang ibinalita ng isa sa mga iconic OPM singers noong 90s na si Carol Banawa ang kaniyang panganganak sa United States kung saan siya naka-base kasama ng kaniyang pamilya.

Ayon sa kilalang singer, hindi naman siya sobrang nahirapan sa kaniyang panganganak kahit pa man malaki ang agwat nito sa kaniyang pangalawang anak na lalaki. Noon daw ay natakot siya sa sitwasyon kung saan siya ay nabuntis sa gitna ng pand3miya ngunit lahat ng ito ay nawala noong makita niya ang kaniyang baby na sumisimbolo ng bagong pag-asa para sa kanila.

Isang healthy baby girl ang ipinanganak ni Carol Banawa at isinilang niya ito noong Abril 4, 2021 sakto sa Eastern Sunday. Kaya naman tamang tama daw ang araw na ito kung saan ipinagdiriwang ang araw ng pagkabuhay ni Hesus. Isang malaking blessing daw na maituturing ni Carol at ng kaniyang asawa na si Ryan ang kanilang pangatlong anak.


Hindi man daw nila inaasahan na magkakaroon siya ng anak sa edad na 40, ngunit masaya daw siya sa bagong yugto na ito ng kaniyang buhay.

Saad ni Carol sa panayam ni Paolo Contis sa kaniya,

"Yung nararamdaman ko ngayon, excited at kinakabahan. Kinakabahan because may pand3miya, diba? And sa experience ko ngayong buntis ako parang it's been a while, you know, mine, 10 years ago so parang ano ka ulit, trying to remember yung mga nararamdaman kapag buntis. Ngayon ang napansin ko iba yung mga nararamdaman kong mga pains. Hindi ko alam kung dahil sa edad ko kaya iba. Mas mabilis akong mapagod. Pero syempre kahit ganun masaya ako and I feel blessed na binigyan ulit ako ni Lord ng isa pang anak."


Noong Disyembre 2020, ibinahagi ni Carol sa kaniyang Instagram account ang kaniyang ultrasound kung saan ipinakita din niya ang gender ng kaniyang anak. Isang simpleng gender reveal ang ginawa ng pamilya na nasabing singer at ipinahayag nila dito na girl ang kaniyang baby.

Tinawag din nila ito na Baby Crisostomo base sa kanilang last name.


Matatandaan na nasa kasagsagan ng kaniyang singing career si Carol noong nagpaalam siya sa mundo ng showbiz. Taong 2003 naman nang magpasya ang OPM singer na pumunta sa ibang bansa para alagaan ang kaniyang ama na nagkaroon ng lethal carbon monoxide exposure nang makatulog ito sa loob ng kanilang sasakyan. Ito din daw ang naging turning point sa career ng naturang singer.

Tuluyan siyang nanirahan sa US dahil sa kaniyang asawa na nasa military at nakabase sa Amerika. Gayunpaman, naging masaya pa din ang buhay ni Carol kahit pa man siya ay wala na siya sa kaniyang nakasanayan na limelight sa showbiz. Naging very supportive ang kaniyang asawa na si Ryan Crisostomo nang magpasya si Carol na maging isang nurse sa US.

Taong 2020 ay inanunsyo ni Carol na nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Nursing sa Grand Canyon University sa Phoeniz Arizona. Isa ito sa mga maituturing ni Carol na malaking accomplishment sa kaniyang buhay.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Carol Banawa, Nanganak Na Sa Kaniyang Pangatlong Anak Sa Edad Na 40!
Carol Banawa, Nanganak Na Sa Kaniyang Pangatlong Anak Sa Edad Na 40!
https://1.bp.blogspot.com/-N87tuexv6zA/YHVsyRjFpvI/AAAAAAAAVp0/ZhMuqkXrVd8J8DAi1PDA9rPDCuP8bsUrACLcBGAsYHQ/w640-h360/vaarssafdafz.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-N87tuexv6zA/YHVsyRjFpvI/AAAAAAAAVp0/ZhMuqkXrVd8J8DAi1PDA9rPDCuP8bsUrACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/vaarssafdafz.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/carol-banawa-nanganak-na-sa-kaniyang.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/carol-banawa-nanganak-na-sa-kaniyang.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy