Dating Pulubi Noon, Namimigay Na Ngayon Ng Libreng Pagkain Sa Mga Street Dwellers

Naaalala niyo pa ba ang kwento ng isang gurong palaboy na minsan ng naging viral sa social media? Matatandaan na marami sa atin ang naantig ...


Naaalala niyo pa ba ang kwento ng isang gurong palaboy na minsan ng naging viral sa social media?

Matatandaan na marami sa atin ang naantig sa kwento ng buhay ng palaboy na si Roberto Planado Jr. o mas kilala sa tawag na "Berta" sa kanilang lugar sa Cebu. Siya ay unang naging viral sa social media dahil sa kaniyang husay pagdating sa pagsasalita ng Ingles bago siya madiskubre sa KMJS.

Si Berta ay mahigit 17 taon na ding nanirahan sa iba't ibang lugar sa Cebu. Ang panghihingi sa mga tao o panlilimos sa mga residente ang siyang nagiging pantawid gutom ni Berta. Marami naman sa mga tao ang humanga sa kaniya dahil sa kaniyang husay pagdating sa pakikipag-usap sa mga tao gamit ang wikang Ingles.



Dating nagtatrabaho bilang guro si Berta ngunit nawala siya sa tamang pag-iisp dahil sa pagkasawi sa pagmamahal. Isang vlogger ang naka-diskubre kay Berta sa lansangan at itinuturing na din niya si Berta bilang kaniyang Kuya. Kaya naman ang naturang vlogger na si Anton ay humingi ng tulong sa isang treatment facility para mabigyan ng aksyon ang sitwasyon ni Berta.

Matapos ang paninirahan sa Safe Haven treatment recovery village sa loob ng isang buwan, labis na nag-iba ang kilos at hitsura ni Berta.



Bukod sa naging malinis at maaliwalas ang kaniyang awra, naging maayos na din ang kaniyang pakikipag-usap sa ibang tao na nakakasalamuha. Kung dati ay siya ang binibigyan o nanghihingi ng pagkain sa mga tao na kaniyang nakakasalubong o nakikita sa daan, ngayon ay si Berta na mismo ang namimigay ng mga pagkain at ibang mga pangangailangan ng mga street dwellers.

Kasama ni Berta sa pamamahagi ng libreng pagkain ang grupo ng Safe Haven, kung saan siya naninirahan ngayon at ang Battle Ignorance Foundation Inc.


Samantala, marami naman ang humanga kay Berta dahil kahit pa man malaki na ang naging pagbabago sa kaniya, nananatili pa din ang kabutihan ng kaniyang puso.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Dating Pulubi Noon, Namimigay Na Ngayon Ng Libreng Pagkain Sa Mga Street Dwellers
Dating Pulubi Noon, Namimigay Na Ngayon Ng Libreng Pagkain Sa Mga Street Dwellers
https://1.bp.blogspot.com/-p1sYWYNMYVw/YHe2DY0RM5I/AAAAAAAAVvI/xLiHWUF8dAc8S1XphcyBEwRQFj-v89bnwCLcBGAsYHQ/w640-h360/wwfag.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-p1sYWYNMYVw/YHe2DY0RM5I/AAAAAAAAVvI/xLiHWUF8dAc8S1XphcyBEwRQFj-v89bnwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/wwfag.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/dating-pulubi-noon-namimigay-na-ngayon_29.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/dating-pulubi-noon-namimigay-na-ngayon_29.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy