Isang Bata, 10km Ang Nilalakad Araw-araw Para Magtrabaho Bilang Mascot Upang Makatulong Sa Pamilya

Karamihan sa atin ngayon ay talagang nagsusumikap at nagdodoble kayod sa trabaho para kumita ng pera. Kahit anong trabaho basta't marang...


Karamihan sa atin ngayon ay talagang nagsusumikap at nagdodoble kayod sa trabaho para kumita ng pera. Kahit anong trabaho basta't marangal at maliit ang kita ay pinapasok na ng iba sa atin para maitawid ang mga pangangailangan sa araw-araw.

Ang ganitong sitwasyon ay lubos na mahirap para sa matatanda lalo na siguro sa mga bata pa lamang na sa murang edad ay kailangan na nilang magtrabaho at magbanat ng buto dahil sa hirap ng buhay.

Katulad na lamang ng bata na ito na sa murang edad ay kailangan na niyang magtrabaho dala ng kahirapan sa buhay.


Sa larawan na ibinahagi ng isang lalaki, makikita ang bata na nakilala sa pangalan na Rehan na sa halip na ginugugol ang oras sa paglalaro kasama ang ibang mga bata at pag-aaral ay mas pinili nito na magtrabaho sa lansangan para kumita ng pera.

Sa post na ibinahagi ng isang Instagram user na may username na rhamadii, maaga pa lamang daw ay gumigising na si Rehan dahil kailangan nitong lakarin ang mahigit na 10 kilometro mula sa kaniyang bahay patungo sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Araw-araw itong ginagawa ni Rehan para kumita kahit papaano sa pamamagitan ng pagiging mascot o street clown.

Ang nasabing trabaho ni Rehan ay tagapag-aliw sa mga tao na naiinip dahil sa labis na traffic kagaya ng mga empleyado na papasok sa kanilang mga trabaho at mga driver.

Ayon kay Rehan, ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang makuha ang atensyon ng mga tao sa kalsada. Dagdag pa nito, iba-iba din ang mga costume na kaniyang sinusuot sa araw-araw. Ilan lamang sa mga ito ay ang mga cartoon characters tulad ng Spongebob Squarepants, Dora, Upin at Ipin, at marami pang iba.

Saad ni Rehan, ginagawa niya ang trabaho para kumita ng pera upang matustusan ang pangangailangan niya sa araw-araw. Kaya naman kahit mahirap ang kaniyang trabaho bilang isang mascot, tinitiis pa din niya ito upang may pambili sila ng pagkain, makatulong sa renta ng bahay, at ang sobra naman ay nakalaan na sa kaniyang pag-aaral.

Hindi man kalakihan ang kinikita ni Rehan sa pagmamascot, hindi na din ito masama para sa kaniya dahil nagagamit niya ang kinikita upang makabili ng bigas para sa kanilang pamilya. Ayon kay Rehan, ang kaniyang ina ay nagtatrabaho din ngunit sapat lamang ang kinikita nito sa pambayad ng bahay na kanilang inuupahan.

Kahit pa man mahirap at nakakapagod ang maglakad ng 10km araw-araw, masaya pa din siya dahil nakakatulong siya sa kaniyang ina.

Mas gusto din daw niya na gumising ng maaga upang makaiwas sa traffic at makapasok agad sa trabaho. Sa kaniyang pag-uwi naman, naglalaro siya ng paborito niyang sports na football.

Napag-alaman na si Rehan pala ay nagtatrabaho sa Jalan Gatot Subroto sa South Kalimantan, Indonesia.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Isang Bata, 10km Ang Nilalakad Araw-araw Para Magtrabaho Bilang Mascot Upang Makatulong Sa Pamilya
Isang Bata, 10km Ang Nilalakad Araw-araw Para Magtrabaho Bilang Mascot Upang Makatulong Sa Pamilya
https://1.bp.blogspot.com/-R-QBsUT-hK4/YHgwEWdi56I/AAAAAAAAVxc/AopD4fz7rlsKh_cCGrVI5yEE5mEmibXrgCLcBGAsYHQ/w640-h360/asffabvojgf.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-R-QBsUT-hK4/YHgwEWdi56I/AAAAAAAAVxc/AopD4fz7rlsKh_cCGrVI5yEE5mEmibXrgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/asffabvojgf.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/isang-bata-10km-ang-nilalakad-araw-araw_39.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/isang-bata-10km-ang-nilalakad-araw-araw_39.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy