Isang Bata, Binebenta Ang Mga Medalya Para May Makain Ang Pamilya At Pambayad Sa Upa, Hinangaan Ng Marami

Nakakahanga nga naman talaga ang mga kabataan na kahit pa man sa murang edad ay gumagawa na ng paraan para makatulong sa pamilya. Kadalasan ...


Nakakahanga nga naman talaga ang mga kabataan na kahit pa man sa murang edad ay gumagawa na ng paraan para makatulong sa pamilya. Kadalasan kasi sa ilang mga kabataan sa panahon natin ay nakatuon ang atensyon sa paglalaro, pag-aaral, at paggamit ng kanilang mga gadgets.

Hindi maipagkakaila na marami sa ating mga kababayan ngayon ang labis na nakakaranas ngayon ng hirap ng buhay, lalo na at patuloy pa din na umiiral ang pand3miya sa bansa. Marami kasi ang nawalan ng trabaho, negosyo, at pagkakakitaan.

Isa lamang ang pamilya ng 9 taong gulang na batang si Kenneth Mendoza sa apektado ng kinakaharap natin ngayon na pand3miya. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Kenneth ang tungkol sa hirap na kanilang nararanasan ngayon kaya naman naisip ng bata na tulungan ang kaniyang magulang sa pamamagitan ng pagbebenta ng kaniyang medalya mula sa mga award na nakuha niya sa paaralan para kumita ng pera upang may maibigay na pandagdag sa pangkain nilang pamilya.


Aniya sa kaniyang social media post,

"Mga medals ko po. Bente bente lang po. Salamat po."

Ayon sa ilang ulat, nasa ikaapat na baitang na si Kenneth. Kahit pa man ang mga medalya niya ay napakahalaga sa kaniya dahil ito din ang patunay ng kaniyang pagsusumikap sa pag-aaral, mas pipiliin pa din niya na ibenta ang mga ito upang makatulong at mabigyan ng pandagdag ang kaniyang pamilya sa kanilang pangkain.


Talagang mahirap ang buhay na nararanasan ngayon ng pamilya ni Kennteh. Nawalan kasi ng trabaho ang kaniyang ina bilang lady guard dahil sa kr1sis pangkalusugan na kinakaharap natin ngayon. Napag-alama din na isang single mother pala ang ina ni Kenneth at sila ay nangungupahan lamang sa isang maliit na kwarto. Noong dumating ang pand3miya sa bansa at pinatupad ang l0ckdown, sila ay nalubog sa utang, idagdag pa ang pagkawala ng trabaho ng kaniyang ina.

Saad ng ina ni Kenneth na si Cheryl,

"Itong pand3m!c po sobrang hirap po. Sunod sunod kaming nagkakasakit. Nabaon ako sa utang. Sabi ko nga ayoko magkas4kit ang mga anak ko. Syempre nanay ako e, mas masakit sakin yun. Bawal din ako magkas4kit, dahil paano sila kung nakahiga ako? Hindi pwedeng umaasa kahit kanino, kailangan babangon ako. Kailangan bumangon."

Dahil ayaw ni Kenneth na nakikita na nahihirapan ang kaniyang ina, naisipan niya na ibenta ang kaniyang mga medalya nang sa gayon ay matulungan niya ang kaniyang ina para sa kanilang panggastos sa araw-araw.

Ani Kenneth,

"Nahihirapan na po ako kapag nahihirapan si Mama. Iniisip ko lang kung makakabayad pa kami ng bahay. Kasi kapag hindi kami nag bayad palalayasin na kami dito.

Naisip ko po ibenta ang mga medals ko. Kasi kapag pinatagal ko pa sa lagayan, baka po mangalawang. Pero pinaghirapan ko po yun. Gusto ko po ibenta kasi nahihirapan na si Mama ng sobra. Kahit marami na kaming pinagdaanang pagsubok, hindi niya kami iniwan."

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Isang Bata, Binebenta Ang Mga Medalya Para May Makain Ang Pamilya At Pambayad Sa Upa, Hinangaan Ng Marami
Isang Bata, Binebenta Ang Mga Medalya Para May Makain Ang Pamilya At Pambayad Sa Upa, Hinangaan Ng Marami
https://1.bp.blogspot.com/-vXGDG-1jbiA/YHQ3aXadTWI/AAAAAAAAVj0/NhfezCemHHQuO_yiD9U3QvAA9Tqqxh7IACLcBGAsYHQ/w640-h360/awdsaaffg.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-vXGDG-1jbiA/YHQ3aXadTWI/AAAAAAAAVj0/NhfezCemHHQuO_yiD9U3QvAA9Tqqxh7IACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/awdsaaffg.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/isang-bata-binebenta-ang-mga-medalya_12.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/isang-bata-binebenta-ang-mga-medalya_12.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy