Ivana Alawi At Ang Kaniyang Pamilya, Lumabas Ang Tunay Na Ugali Matapos Ang Prank Na “Buying a Lamborghini”

Isang prank na naman muli ang pinlanong gawin ng aktres at content creator na si Ivana Alawi sa kaniyang ina at kapatid tungkol sa pagbili s...


Isang prank na naman muli ang pinlanong gawin ng aktres at content creator na si Ivana Alawi sa kaniyang ina at kapatid tungkol sa pagbili sana niya ng isang Lamborghini na nagkakahalaga ng 11.5-M.

Bukod sa pakikipag-usap at pakikipag kuntyaba sa isang kaibigan na may alam pagdating sa mga high-end cars, kinuntyaba din ni Ivana ang kaniyang kapatid na si Hashim para gawin ang prank.

Ngunit taliwas sa inaasahan ni Ivana, ang kaniyang kapatid na si Mona ay hindi masaya tungkol sa naging pagbili ni Ivana ng nasabing sasakyan.



Sa murang edad, sinabi ni Mona na ang paggastos ng P11.5-M para sa isang sasakyan ay masyadong mahal, at ang pera na ginamit ni Ivana sa pagbili ng nasabing sasakyan ay makakatulong na sa maraming tao, lalo na at patuloy pa din na umiiral ang pand3miya sa bansa.

Sa kabila ng mga effort na ginagawa ni Ivana para kumbinsihin ang kapatid na maging masaya sa kaniyang bagong sasakyan, hindi pa din nagbabago ang reaksyon ni Mona at sinasabi ng paulit-ulit kay Ivana na hindi na niya dapat itong binili.



Makalipas ang ilang sandali ay ibinunyag ni Ivana na ang lahat ng ito ay prank lamang. Samantala, sumunod naman niyang isinagawa ang prank sa kanilang ina tungkol sa pagbili niya ng mamahaling sasakyan.

Hindi katulad ng reaksyon ng kaniyang kapatid, ang kaniyang ina na si Fatima ay hindi lamang sang-ayon sa desisyon ni Ivana na kumuha ng Lamborghin kundi nagalit din siya sa kaniyang anak.



Sinabi niya na hindi ito ang tamang panahon para bumili ng mga mamahaling bagay. Sinubukan naman ni Fatima na kumbinsihin ang aktres na ibalik ang sasakyan kung saan kaagad naman na tinawagan ni Ivana ang dealer sana ng Lamborghini.

Sinabihan nito si Ivana na tatanggapin nila ang sasakyan ngunit hindi na nila maibabalik pa ang buong pera na ibinigay ni Ivana. Offer pa nila na maaari nilang maibalik ang 50% ng presyo nito. 



Nag4lit naman si Fatima sa sinabi ng nagbebenta ng sasakyan at binantaan pa ito na dadalhin niya ang kaso kay Raffy Tulfo.

Maya maya lamang ay sinabi na niya sa kaniyang ina na ito ay prank lamang dahilan para siya ay batok at sampal.


Sa panibagong prank ni Ivana, kapansin pansin ang pagkakaroon ng mabuting puso at pagiging concern ng pamilya sa mga tao, lalo na sa mga nangangailangan. Ipinakita din ng video na lahat sila ay nasa mga nangangailangan ang puso at mas gustong tulungan ang iba kaysa bumili ng mga mamahaling gamit.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Ivana Alawi At Ang Kaniyang Pamilya, Lumabas Ang Tunay Na Ugali Matapos Ang Prank Na “Buying a Lamborghini”
Ivana Alawi At Ang Kaniyang Pamilya, Lumabas Ang Tunay Na Ugali Matapos Ang Prank Na “Buying a Lamborghini”
https://1.bp.blogspot.com/-hNolSnByKJM/YH5tkfy30AI/AAAAAAAAWVE/0dg9yIo-MjArfDU3OuL5GuHjDCBDtEDSwCLcBGAsYHQ/w640-h360/carfasfa.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-hNolSnByKJM/YH5tkfy30AI/AAAAAAAAWVE/0dg9yIo-MjArfDU3OuL5GuHjDCBDtEDSwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/carfasfa.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/ivana-alawi-at-ang-kaniyang-pamilya_46.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/ivana-alawi-at-ang-kaniyang-pamilya_46.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy