Ivana Alawi, Ni-reject Ang Isang Napakayamang Manliligaw Na May-ari Ng Isang Private Jet

Hindi maitanggi na isa si Ivana Alawi sa mga personalidad na kilala at hinahangaan ngayon. Tinawag pa nga ang 23-taong-gulang na aktres na b...


Hindi maitanggi na isa si Ivana Alawi sa mga personalidad na kilala at hinahangaan ngayon. Tinawag pa nga ang 23-taong-gulang na aktres na bagong "Crush ng Bayan". Sa kaniyang hitsura, katawan, kasikatan, at kayamanan, hindi maipagkakaila na marami ngang mga kalalakihan ang pinapangarap na maging kasintahan siya.

Gayunpaman, hindi lahat ng kaniyang manliligaw ay nagkakaroon ng pagkakataon para siya ay makausap.

Kamakailan lamang, sa isa sa kaniyang mga vlogs sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ni Ivana ang isa sa kaniyang mga karanasan sa isang manliligaw.


Ayon kay Ivana, ang nasabing lalaki ay napakayaman umano at nagmamay-ari ito ng isang private jet. Ang hindi pinangalanang lalaki ay isang avid follower ni Ivana at madalas din itong nagse-send ng mga direct messages sa aktres.

Saad ng social media star, inimbitahan umano siya ng lalaki na magpunta sa Japan noong nakita nito na nais kumain ni Ivana ng Japanese food sa kaniyang Instagram post.


Aniya,

"Parang nagki-crave ako nag-post ako sa Instagram. Matagal na siya nagdi-DM sa Instagram. Sabi niya, "Puwede ba kita ligawan? Sunduin kita ng private jet. Tapos punta tayo ng Japan, tapos kakain tayo dun".

"Tapos, parang ako, sa tingin mo sasama ako sa'yo papunta ng Japan dahil lang may jet ka? No!"


Ayon kay Ivana, tinanggihan umano niya ang nasabing lalaki.

"Ni-reject ko yun. Ang yabang! Hindi siya bongga. Mayabang. Pinakamayabang yun."

Dagdag pa ni Ivana, bukod umano sa hindi magandang pag-uugali ng isang lalaki, hindi din mahuhulog ang loob niya kahit sa mga romantic gestures pa yan.

Ani ng aktres,

"Eto lang masasabi ko, hindi porke't may pera ka makukuha mo lahat ng gusto mo. Sometimes you just have to be good to people. You have to be friendly. Kung gusto mo makipagkaibigan, makipagkaibigan ka. Pero hindi porke't, 'Ay, may jet ako', lahat ng babae sasama sa'yo."


Naiirita naman si Ivana sa tuwing naalala niya ang lalaki. Akala siguro ng lalaki ay mabubulag o makukuha niya ang aktres sa kaniyang yaman.

Nitong nakaraan lamang, sinabi ni Ivana na mas pinapahalagahan niya ang pagiging tunay ng isang tipikal na manliligaw. Sinabi din niya sa kaniyang pamilya na huwag siyang bilhan ng mga mamahaling regalo sa mga spesyal na okasyon.

"Mas gusto ko po yung simple. Dalhin mo ako sa bulalo, kwekwek. Pero yung yayabangan mo ko? Ay, ni-reject ko talaga."

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Ivana Alawi, Ni-reject Ang Isang Napakayamang Manliligaw Na May-ari Ng Isang Private Jet
Ivana Alawi, Ni-reject Ang Isang Napakayamang Manliligaw Na May-ari Ng Isang Private Jet
https://1.bp.blogspot.com/-0euAZaULzjI/YHg0cTzcUAI/AAAAAAAAVy0/1AnRW4-KMGQXhAab4ecjTyZwMOmHKx1BQCLcBGAsYHQ/w640-h360/ivanaasfsaf.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-0euAZaULzjI/YHg0cTzcUAI/AAAAAAAAVy0/1AnRW4-KMGQXhAab4ecjTyZwMOmHKx1BQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/ivanaasfsaf.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/ivana-alawi-ni-reject-ang-isang_90.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/ivana-alawi-ni-reject-ang-isang_90.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy