Jason Abalos, Nanghingi Ng Tawad Sa Publiko Sa Pagboto Kay Pres. Rodrigo Duterte Noong 2016

Nanghingi ng paumanhin ang aktor na si Jason Abalos sa mga Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account dahil sa pagboto niya kay Pan...


Nanghingi ng paumanhin ang aktor na si Jason Abalos sa mga Pilipino sa pamamagitan ng kaniyang Twitter account dahil sa pagboto niya kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Ani Jason sa kaniyang tweet,

“Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pag babago.”

Ang nasabing tweet ay nangyari isang araw matapos ang pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa isyu ng West Philippine Sea kung saan sinabi niya na kahit siya at si Sec. Delfin Lorenzana pa mismo ang pumunta sa naturang karagatan at maglayag doon upang kuwestiyunin ang ginagawa ng China, wala pa ding mangyayari.


Ani Duterte sa kaniyang public address noong Abril 19,

“Sasagutin ka lang (They will just talk back), but you know the issue of the West Philippine Sea remains to be a question forever until such time that you know, we can take it back.”

Ang naturang tweet ni Jason ay sagot mula sa post ng isang ulat na nagkukumpara sa paninindigan ng Pagulo sa West Philippine Sea laban sa China.


Ipinapakita nito na tila ba ibang iba ang paninindigan ng Pagulo noong siya ay tumatakbo pa bilang Pangulo ng bansa.

Ani ng Pangulong Duterte sa ulat mula sa Inquirer,

"Bababa ako at sasakay ng jetski, dala dala ko ang flag ng Filipino at pupunta ako dun sa airport [ng China] tapos itanim ko. I will say, ‘This is ours and do what you want with me."

Samantala, hindi lamang si Jason Abalos ang personalidad na nanghingi ng paumanhin sa publiko sa pagboto kay Pangulong Duterte at pagpapahayag ng kaniyang saloobin tungkol sa pamumuno ngayon ng Pangulo sa bansa.


Umani naman ng iba't ibang komento at reaksyon ang naturang tweet ni Jason mula sa online community. May ilan sa kanila na nagpapahayag din ng pagsisisi sa pagboto kay Pangulong Duterte ngunit may ilan din naman na natatanggol sa Presidente.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Jason Abalos, Nanghingi Ng Tawad Sa Publiko Sa Pagboto Kay Pres. Rodrigo Duterte Noong 2016
Jason Abalos, Nanghingi Ng Tawad Sa Publiko Sa Pagboto Kay Pres. Rodrigo Duterte Noong 2016
https://1.bp.blogspot.com/-WsKuQGiX_Gs/YIFsxOV2hII/AAAAAAAAWlk/BJoA2l25YFIS0wwoJU_oku3t-6OVKC-HACLcBGAsYHQ/w640-h360/dutesdegag.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-WsKuQGiX_Gs/YIFsxOV2hII/AAAAAAAAWlk/BJoA2l25YFIS0wwoJU_oku3t-6OVKC-HACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/dutesdegag.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/jason-abalos-nanghingi-ng-tawad-sa.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/jason-abalos-nanghingi-ng-tawad-sa.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy