John Wayne Sace, Inamin Na Maraming Trabaho Na Pinasukan Ngunit Ito Pa Rin Ang Kaniyang Kinahantungan

Hindi maipagkakaila na marami na ding mga kilalang artista at pinili na umalis ng showbiz limelight dahil sa iba't ibang dahilan. May ib...


Hindi maipagkakaila na marami na ding mga kilalang artista at pinili na umalis ng showbiz limelight dahil sa iba't ibang dahilan. May ibang personalidad na nais lumagay sa tahimik at gawin talaga ang bagay na malapit sa kanilang puso. Samantala, ang iba naman ay bumuo na ng sariling pamilya.

Ngunit, hindi lahat ng mga artista ay naging masuwerte sa buhay na kanilang tinahak matapos umalis sa entertainment industry.

Isa na nga dito ang kilalang teen actor noon na si John Wayne Sace. Siya ay nakilala noong maging bahagi siya ng boys dance group ng ASAP, ang AnimE. Kasama niya sa naturang grupo sina Emman Abeleda, Oliver Mhyco Aquino, Mico Aytona, Rayver Cruz, Sergio Garcia, at Rodjun Cruz.



Siya din ay napasama sa ilang mga kilalang TV projects tulad ng Star Magic Presents, Home Along Da Airport, at marami pang iba. Siya ay naging cast din sa mga pelikula noon kagaya ng Dekada '70 at Beauty and the Besties. Siya ay nagwagi ng Best Child Perfomer sa MMFF noong 2002 dahil sa pagganap sa Dekada '70.

Si John Wayne ay lumaki sa pangangalaga ng kaniyang lola at lolo habang ang kaniyang pamilya ay nanirahan sa United States. Gayunpaman, naging mapagmahal at responsableng apo ang aktor sa kaniyang lolo at lola noon.



Ngunit, noong pum4naw ang kaniyang lola noon ay nagsimula naman na mapariwara ang buhay ni John Wayne.

Sa isang panayam niya kay Korina Sanchez-Roxas sa programa nitong Rated K sa ABS-CBN, inamin niya na siya ay nalulong sa ipinagbabawal na gamot at naging bahagi ng OPLAN T0KHANG noong taong 2017.



Nagkaroon si John Wayne ng sariling pamilya sa edad na 28. Kaya naman labis siyang nagsusumikap at pinapasok ang iba't ibang trabaho para lamang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya sa araw-araw.

Gayunpaman, hindi pa din naging madali para kay John Wayne ang lahat dahil kinakailangan niya na magpalipat-lipat ng trabaho. 



Siya ay pumasok bilang bantay sa isang computer shop, naging isang cake delivery boy, at iba pa. Nasubok din siya ng tadhana matapos umali sa showbiz limelight.

Ngunit, sa kabila ng lahat, sinikap pa din niya na ayusin muli ang kaniyang buhay para sa kaniyang pamilya.



Ayon kay John Wayne, kung sakali man na siya ay bibigyan muli ng pagkakataon na makabalik sa showbiz, tatanggapin niya ito ng malugod at hindi na niya ito sasayangin pa muli.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: John Wayne Sace, Inamin Na Maraming Trabaho Na Pinasukan Ngunit Ito Pa Rin Ang Kaniyang Kinahantungan
John Wayne Sace, Inamin Na Maraming Trabaho Na Pinasukan Ngunit Ito Pa Rin Ang Kaniyang Kinahantungan
https://1.bp.blogspot.com/-DBNztLT6wCU/YHpdP7OMRbI/AAAAAAAAWA8/ZTVZpEc9dRsR3mfaK4IfhbZDOOwGTnwfACLcBGAsYHQ/w640-h360/awrfesafa.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-DBNztLT6wCU/YHpdP7OMRbI/AAAAAAAAWA8/ZTVZpEc9dRsR3mfaK4IfhbZDOOwGTnwfACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/awrfesafa.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/john-wayne-sace-inamin-na-maraming_16.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/john-wayne-sace-inamin-na-maraming_16.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy