Kilalanin Ang Iba Pang Mga Babae Na Nilok0 At Sinam4ntala Ni Jayzam Manabat

Usap-usapan ngayon sa online community ang kilalang YouTubers na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sila ang isa sa pinakasikat na You...


Usap-usapan ngayon sa online community ang kilalang YouTubers na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sila ang isa sa pinakasikat na YouTube couple na mas kilala sa tawag na JaMill.

Ito ay matapos masangkot ang dalawa sa isang isyu tungkol sa panloloko diumano ni Jayzam sa girlfriend na si Camille. 

Sa isang interview ng TV host na si Toni Gonzaga noong Pebrero lamang, naitanong sa kanila kung may napag-awayan na ba silang third party at sumagot silang pareho na wala pa. Natanong din ni Toni sina Camille at Jayzam tungkol sa plano nilang pagpapakasal sa hinaharap. Sinagot naman ito ni Jayzam na nais muna nilang maghanda para sa kanilang future.

Sa lahat ng kanilang pinagdaanan, sinabi ni Camille na pagsubok lamang ang lahat ng iyon sa kanilang relasyon at ang hindi nito pagbitaw ay nangangahulugan kung gaano nito kamahal ang isang tao.


Subalit matutuloy pa kaya ang plano ng JaMill para sa kanilang future kung nababalita ngayon ang tungkol sa kanilang tuluyang paghihiwalay?

Nitong nakaraang araw lamang ay naging laman ng balita ang ilang mga babae na nadikit sa pangalan ni Jayzam at naging rason ng pagtataks1l nito kay Camille.

Inilantad ito mismo ni Camille sa publiko. 

Kilalanin natin ang apat na babae na sangkot sa pagkakaroon ng th1rd party isyu sa relasyon nina Camille at Jayzam.

4. Maria Angelica Diaz

Sa una nilang pagkikita noong Oktubre 2020, nagpa-picture ito sa kaniyang idol na si Jayzam. Dahil sa nag viral na isang comment, lumabas ang kaniyang pangalan at sinasabi na siya ay isa sa mga babaeng nakahal1kan ni Jayzam sa isang spa sa Nueva Ecija kung saan niyaya diumano siya ng vlogger na magpunta sa kanilang kwarto at doon na naganap ang paghal1k nito kay Angelica.


Matapos ang ilang oras, nagsabi ito kay Camille at inamin kung ano ang tunay na nangyari sa kanilang dalawa ng influencer. Subalit, ayon sa chat ng dalawa kay Camille, sinabi nito na hindi siya pumalag sa nangyari. Sa pag-uusap ng dalawa, makikitang sinubukan tanungin ni Camille si Angelica kung mayroong nagtul4k kay Jayzam upang gawin iyon sa kaniya o sariling kagustuhan ito ng lalaki.

Ani Angelica, sa nakikita niya ay wala namang nagsulsol kay Jayzam na gawin iyon. Sinabihan din siya ni Camille na dapat ay umiwas na lamang ito dahil isa siyang babae at dapat ay alam niya ang limit nito.


Sa pagtatapos ng kanilang chat, nakapagsalita si Camille kay Angelica at inilarawan siya nito bilang isang masamang babae. Hindi niya ito nagustuhan at sinabing hindi na daw dapat siya nagsayang ng oras na magsabi ng totoo kung alam niyang magiging masama siya sa paningin ni Camille.

Para kay Angelica, hinayaan na lamang dapat niya na ayusin ng JaMill ang isyu at hindi na siya nakielam pa.

3. Nyca Bernardo

Si Nyca Bernardo ay isang Bulakenya at modelo sa Campo Emaje Grande. Ayon sa Facebook page ng Provincial History Arts, Culture and Tourism Office o PHACTO Bulacan, si Nyca ay isang beauty queen at nanalo na Ms. SouthEast Asia International Philippines at kumatawan sa bansa para sa Ms. SouthEast Asia International 2019 na ginawa sa Singapore.


Nakapagtapos ito ng Tourism Management sa Bulacan State University at nagtatrabaho bilang co-host sa Radyo Bandido.

Si Nyca na madami na ding TikTok videos na nagawa at na-upload ay inamin na nahulog ang loob sa vlogger na si Jayzam Manabat na pinaniwala siya na hiw4lay na sila ng girlfriend. Idinawit ni Camille ang kaniyang pangalan sa isyu na mga naging babae ng kasintahan na si Jayzam.

Lumalabas din na may nangyari sa kanilang dalawa. Dahil sa pangyayari, dinala ni Nyca ang kaniyang reklamo sa programa ni Raffy Tulfo. Nasira na kasi ang kaniyang imahe sa publiko dahil sa pamamahiya na ginawa ni Camille sa kaniya. Sinabihan din siya nito na alam niyang may ka-live in na si Jayzam subalit pumat0l pa din ito.

Nakapag-usap naman na ang dalawa at naihingi na ng tawad ni Nyca ang nakaraan. Hangad na lamang nito na maka move on na sila at mabigyan siya ng pagkakataon na makapagbago.

2. Dambie Tensuan

Isa pang pangalan ang naging sangkot at kasama sa alegasyon ni Camille na naging babae ng kaniyang kasintahan na si Jayzam. Lumabas ang pangalan ni Dambie Tensuan subalit pinabulaanan niya ang alegasyon na ito sa kaniya.


Sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action, sinabi ng ina ni Dambie na dapat ay linisin nila ang pangalan ng anak at humingi ito ng tawad sa kanila. Iginiit ng ina ni Dambie na magkaibigan ang anak niya at ni Jayzam. Nilinaw naman ni Camille na si Dambie ay may anak na at gusto din nito na maging sugar daddy si Jayzam. 

Sa kasagsagan ng mainit na pagtatapat, sinabi ni Camille na sana ay nag-isip muna si Dambie bago ito sumakay ng kanilang sasakyan. 


Kung si Nyca ay humingi ng tawad sa maling nagawa noon, matigas ang kampo ni Dambie at sinabi na sila dapat ang hingan ng tawad dahil wala itong masamang ginagawa. Ang paghingi ng tawad ni Camille ay para sa nasirang imahe ng anak na lumabas sa publiko ang identity at nakaranas ng masas4kit na salita sa netizens.

Para kay Camille, hindi na dapat ito pumatol dahil may ka-live in na si Jayzam. 

1. Jaeanne Alligato

Si Jaeanne Alligato ay nakilala nang mag-viral ang mga TikTok videos niya kung saan mayroong 1.3 million followers na siya sa social media platform. 


Ang dalaga ay kilala ding fan ng JaMill at nang magkita sila sa isang resort sa kauna-unahang pagkakataon noong Oktubre 2019, nagpa-picture siya sa kanila. Simula noong panahong iyon hanggang sa unang bahagi ng Nobyembre 2020, walang kakaibang nangyari sa kanilang pagkakaibigan at sa mga exchange of chats nila.

Sa katunayan, ang nagkaroon ng ugnayan ay ang pinsan ni Jayzam na si Kim Gayo at si Jaeanne. Subalit nang malaman ni Jaeanne na may ka-relasyon na si Kim, hindi na siya sumagot pa sa mga chats. 


Dumating ang insidente noong Nobyembre 23, 2020 kung saan magkakasama sila sa isang party at imbitado sina Jaeanne at kaibigan nito. Ayon sa paglalahad ni Jaeanne sa pangyayari, walang nangyari sa kanila noong panahong iyon. Subalit sinubok ni Jayzam na magkaroon. Dala na din siguro ng pagkahilig ni Jayzam sa alak dahil may pinagdadaanan ito sa buhay. 

Samakatuwid, isa lamang si Jaeanne sa mga nab1ktima at nadawit ang pangalan sa isyu ng th1rd party sa relasyon ng kaniyang iniidolo na sina Jayzam at Camille.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Kilalanin Ang Iba Pang Mga Babae Na Nilok0 At Sinam4ntala Ni Jayzam Manabat
Kilalanin Ang Iba Pang Mga Babae Na Nilok0 At Sinam4ntala Ni Jayzam Manabat
https://1.bp.blogspot.com/-V0-H_cCVOZM/YIT9T5tpFAI/AAAAAAAAW5c/krsddr77ze8WQ_a6tLOIGR09SR0Hy5KLQCLcBGAsYHQ/w640-h360/fasfwaffasfaw.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-V0-H_cCVOZM/YIT9T5tpFAI/AAAAAAAAW5c/krsddr77ze8WQ_a6tLOIGR09SR0Hy5KLQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/fasfwaffasfaw.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/kilalanin-ang-iba-pang-mga-babae-na.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/kilalanin-ang-iba-pang-mga-babae-na.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy