Kilalanin Ang Mga Babae Na Dumaan Sa Buhay Ni Bossing Vic Sotto

Hindi maipagkakaila na si Bossing Vic Sotto ay isa sa mga haligi, hindi lamang sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga, kundi pati na din sa Philippi...


Hindi maipagkakaila na si Bossing Vic Sotto ay isa sa mga haligi, hindi lamang sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga, kundi pati na din sa Philippine showbiz industry.

Taong 1977 nang magsimula si Vic Sotto sa industriya ng showbiz, at sa ilang dekada na aktibo at namamayagpag ang karera ni Bossing ay marami na ding mga babae ang naging bahagi nito.

Narito at kilalanin natin ang mga babae na naging buhay ni Bossing Vic Sotto simula noong siya ay nagsimula sa entertainment industry.

1. Chiqui Hollman

Walang masyadong impormasyon online tungkol sa magandang mestiza na si Chiqui Hollman gayunpaman siya ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Vic Sotto.

2. Dina Bonnevie

Unang nagkakilala sina Vic Sotto at aktres na si Dina Bonnevie noong siya ay nagsama sa pelikula na 'Age Doesn't Matter'. Si bossing ay ipinares kay Bonnevie habang si Tito Sotto naman ay kay Maricel Soriano at si Joey de Leon ay kay Snooky Serna.

3. Coney Reyes

Taong 1982 noong sumali si Coney Reyes sa Eat Bulaga bilang kapalit ni Chiqui Hollman. 29-anyos lamang noon si Coney at kakahiwalay pa lamang sa kaniyang basketball player na asawa na si Larry Mumar. Si Coney ay nagkaroon na ng dalawang anak kay Mumar na sina L.A. at Carla.

4. Angela Luz

Ang commercial model na si Angela Luz ay nakilala sa kaniyang pagmodelo sa 'Bilmoko' ad ng San Miguel Beer noong 80s. Nagkaroon ng relasyon sina Angela at Vic matapos makipaghiwalay ng huli kay Coney Reyes. 

5. Christine Jacob

Matapos ang relasyon kay Angela Luz, may mga balita na kumalat noon na lumalabas umano si Vic Sotto kasama si Christine Jacob, na isa din sa kaniyang mga naging Eat Bulaga co-host.

6. Kristine Florendo

Taong 1997 noong nakoronahan si Kristine Florendo bilang Miss Philippines World. Kung ikukumpara sa iba, medyo hindi naging popular ang ugnayan niya kay Vic Sotto.

7. Pia Cabreira

Hindi rin naging gaano ka-popular ang ugnayan ng modelo na si Pia Cabreira kay Bossing. Gayunpaman, may mga impormasyon naman online tungkol sa kanilang koneksyon.

8. Pia Guanio-Magno

Maliban sa pagiging co-host ng Eat Bulaga, si Pia Guanio at Bossing ay nagkaroon din ng relasyon noon.

9. Kris Aquino

May mga kumalat na balita noon na muntik ng magkaroon ng relasyon sina Kris Aquino at Vic ngunit nanatili namang tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa naturang isyu.

10. Pauleen Luna

Ang aktres at TV host na si Pauleen Luna ay ang kasalukuyang asawa ni Vic Sotto. Sila ay nabiyayaan ng isang anak na si Tali.

11. Danica Sotto

Si Danica Sotto ang panganay na anak ni Vic sa dating asawa na si Dina Bonnevie.

12. Paulina Sotto

Si Paulina Sotto naman ay anak ni Vic sa dating aktres na si Angela Luz.

13. Talitha Maria Sotto

Si Talitha Maria Sotto naman ay ang bunsong anak na babae ni bossing kay Pauleen Luna.

14. Alice Dixson

Ang aktres na si Alice Dixon ay naging leading lady ni Vic sa sitcom na 'Okay Ka, Fairy Ko!' at siya ang kauna-unahang gumanap sa karakter ni Faye.

15. Tweetie De Leon

Ang modelo na si Tweetie De Leon ang siyang pumalit kay Alice Dixson sa karakter na Faye sa naturang sitcom.

16. Ruby Rodriguez

Maliban sa Eat Bulaga, nagkasama din sina Ruby Rodriguez at Bossing sa maraming pelikula at sa hit TV sitcom na 'Okay ka, Fairy ko!'

17. Aiza Seguerra

Ang singer na si Aiza Seguerra ay nakasama ni Bossing sa ilang mga pelikula noong 90s.

18. Isabelle De Leon

Ang aktres na si Isabelle De Leon ang gumanap bilang bunsong anak ni Vic sa sitcom na 'Daddy Di Do Du'.

19. Kristine Hermosa-Sotto

Ang aktres na si Kristine Hermosa ay gumanap bilang Faye sa movie series na 'Enteng Kabisote'. Matapos maging leading lady, siya ay daughter-in-law na ngayon ni Vic matapos niyang mapangasawa si Oyo Boy Sotto.

20. Gwen Zamora

Si Gwen Zamora ang pumalit sa karakter ni Kristine bilang 'Faye' sa pelikula na 'Si Agimat at Si Enterng Kabisote.'

21. Christine Reyes

Si Christine Reyes ay naging leading lady ni Vic sa pelikula na 'Ang Darling Kong Aswang'.

22. AiAi Delas Alas

Nagsama sina Aiai Delas Alas at Vic sa pelikula na 'My Bebe Love #KiligPaMore' noong 2015. Sila ay mayroon ding Kapuso sitcom na 'Hay, Bahay!'

23. Ryzza Mae Dizon

Si Ryzza Mae Dizon ay isa sa mga sumikat sa 'Little Miss Philippines'. Simula noong siya ay manalo sa naturang kompetisyon ng 'Eat Bulaga', regular na silang magkasama ni Bossing sa naturang noontime variety show at sa ilang pelikula din kagaya ng 'My Little Bossings'.

24. Maine Mendoza

Nadiskubre si Maine Mendoza sa social media dahil sa kaniyang mga Dubsmash videos na naging tulay para siya ay maging bahagi ng Eat Bulaga. Siya ay naging si Yaya Dub at sumikat ng husto kasama ang Kalyeserye partner na si Alden Richards.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Kilalanin Ang Mga Babae Na Dumaan Sa Buhay Ni Bossing Vic Sotto
Kilalanin Ang Mga Babae Na Dumaan Sa Buhay Ni Bossing Vic Sotto
https://1.bp.blogspot.com/-nQpFkgMl3O0/YIPlnp_GDeI/AAAAAAAAWvQ/E1f5wgyeMV8XNR1DksqYEx0DNbmBaHbywCLcBGAsYHQ/w640-h360/vvv%2B%25282%2529.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-nQpFkgMl3O0/YIPlnp_GDeI/AAAAAAAAWvQ/E1f5wgyeMV8XNR1DksqYEx0DNbmBaHbywCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/vvv%2B%25282%2529.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/kilalanin-ang-mga-babae-na-dumaan-sa.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/kilalanin-ang-mga-babae-na-dumaan-sa.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy