Mag-asawa Na Nagsimula Sa P100 Na Puhunan, Kumikita Na Ngayon Ng Halos P1.5-M Sa Loob Ng Isang Buwan

Hanggang ngayon ay patuloy na dumadami ang ating mga kababayan na nais magkaroon ng negosyo. Bukod kasi sa ikaw ang boss dito, hawak mo pa a...


Hanggang ngayon ay patuloy na dumadami ang ating mga kababayan na nais magkaroon ng negosyo. Bukod kasi sa ikaw ang boss dito, hawak mo pa ang oras mo at kung suswertehin ay unlimited din ang kikitain mo. Gayunpaman, marami din sa atin ang nagdadalawang isip na magtuloy sa pagkakaroon ng negosyo dahil sa kakulangan sa kapital na kanilang kailangan upang masimulan ang negosyo na kanilang naiisip.

Ngunit, para naman sa iba, ang malaking kapital ay hindi na kailangan para makapagsimula dahil ang puhunan lamang dito ay tiyaga, tamang diskarte, sipag, at pasensya.

Katulad na lamang ng mag-asawa na ito na nag-umpisa lamang sa puhunan na P100 para sa kanilang negosyo.


Ang mag-asawa ay mula sa Batangas. Sila ay parehas na minimum wages earner dahil sa kaniyang trabaho sa isang restaurant.

Ayon sa mag-asawa, may isang tao daw na nag-alok sa kanila minsan na bumili ng bahay at lupa kung saan ito ay inaalok ng hulugan kaya hindi ganoon kabigat sa bulsa. Noong una, hindi binigyang pansin ng mag-asawa ang offer na ito dahil parehas nga lang sila na minimum wage earner ngunit napagtanto din nila kalaunan na investment na matatawag na din nila ito kung sakali man na ito ay mabili nila ay maging sa kanila na.

Matapos kuhanin ang offer tungkol sa bahay at lupa, nag-isip ang mag-asawa kung paano nila madagdagan ang kanilang kita bilang isang empleyado sa isang restaurant para magkaroon ng pandagdag sa kanilang hulog sa lupa kaya naman sinubukan nila na magtinda ng kung ano-anong mga paninda.


Una ay nagtinda sila ng banana cue ngunit dahil nasa 100-150 lamang ang tinutubo nila dito kada araw ay nag-isip sila ng paraan kung papaano mapapataas ang kanilang tubo sa paninda. Hanggang sa napagdesisyunan nila na dagdagan ng ibang menu ang kanilang paninda at isa na dito ang kanilang siomai.

Napansin kasi ng mag-asawa na binabalik balikan ng kanilang mga customer ang kanilang panindang siomai kaya naman ito ang pinagtuunan nila ng pansin at sinimulan ang pagtitinda ng isang produkto lamang.

Ang paninda naman nilang siomai ang siyang nagbigay daan para sila ay kumita ng maganda sa araw-araw kaya naman ito ay tinuloy tuloy lamang nila hanggang sa nakabili na sila ng ilang mga foodcart na ginagamit nila sa kanilang mga reseller.

Napagdesisyunan na din ng mag-asawa na tumigil na sa pagtatrabaho sa restaurant at pagtuunan na lamang ng pansin ang kanilang negosyo. Hindi naman sila nabigo dahil sa maliit na puhunan na ginamit nila sa kanilang siomai, kumikita na ngayon ang mag-asawa ng P45,000 hanggang P50,000 sa isang araw.

Natapos din nilang bayaran ang bahay na hinuhulugan nila noon at hindi na din sila nahirapan pa na bayaran ang kanilang mga utang.

Patunay lamang ang mag-asawa na ito na walang masama na sumubok sa pagkakaroon ng negosyo. Hindi dapat kailanman magiging batayan ang failure para sumuko at mawalan ng gana sa bagay na iyong ninanais. Ito ang siyang magiging aral para sa atin upang mapaunlad ang ating kabuhayan.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Mag-asawa Na Nagsimula Sa P100 Na Puhunan, Kumikita Na Ngayon Ng Halos P1.5-M Sa Loob Ng Isang Buwan
Mag-asawa Na Nagsimula Sa P100 Na Puhunan, Kumikita Na Ngayon Ng Halos P1.5-M Sa Loob Ng Isang Buwan
https://1.bp.blogspot.com/-gb4squooDj0/YHQjNOSvgmI/AAAAAAAAVh8/kJGR86CfWAsq9G7ICj1u3a6c1Py-JaawwCLcBGAsYHQ/w640-h360/wofafa.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-gb4squooDj0/YHQjNOSvgmI/AAAAAAAAVh8/kJGR86CfWAsq9G7ICj1u3a6c1Py-JaawwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/wofafa.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/mag-asawa-na-nagsimula-sa-p100-na.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/mag-asawa-na-nagsimula-sa-p100-na.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy