Mag-lolo, Matiyagang Naglalakad Ng 30 Minuto Para Makasagap Ng Malakas Na Signal Para Sa Pag-aaral Ng Apo

Noong nakaraang taon, naging mainit na usapin sa social media ang tungkol sa distance at modular learning dahil sa mga ibinabahaging karanas...


Noong nakaraang taon, naging mainit na usapin sa social media ang tungkol sa distance at modular learning dahil sa mga ibinabahaging karanasan ng marami tungkol sa sakripisyo at paghihirap ng mga mag-aaral, kanilang mga magulang, at mga guro.

Ngunit, isang taon na ang nakakalipas ay tila wala pa ding nagbago sa sitwasyon ng bansa pagdating sa sistema ng edukasyon. Patunay lamang dito ang post ng isang guro mula sa Catanduanes kung saan makikita na nagtitiis ang mag-lolo sa ilalim ng ulan para lamang makakuha ng malakas na signal para sa pag-aaral ng bata.

Sa Facebook post ng Senior High School Teacher na si Jorge Tejada, nakita niya umano ang mag-lolo sa liblib na bahagi sa pagitan ng Dororian, Gigmoto at Barangay Genitligan, Baras, Catandauanes.


Nakita niya na matiyagang pinapayungan ni Lolo Arnulfo Teves, 71-anyos, ang kaniyang 12-anyos na apo na si Daniel at tinutulungan niya din ito sa pagsagot ng module.

Paglalahad ni Teacher Jorge,

"Bagamat medyo umaambon at mahangin sa lugar, hindi natitinag ang dalawa para matapos masagutan ang modyul ng apo."

Noong tanungin kung maaari niya silang kuhanan ng larawan, sagot umano ng matanda sa kaniya,

"Agad naman siyang tumango at sabay sabi ng: 'I-post mo po Sir, para malaman nila kung ano ang sitwasyon natin dito sa Catanduanes, pahirapan ang signal ng selpon.'"

Sa isang panayam ni Lolo Arnulfo sa Bayan Mo, Ipatrol Mo, sinabi nito na sila ay araw-araw pumupunta sa naturang lugar kung saan sila nadaanan ni Teacher Jorge. Sila ay naglalakad ng halos 30 minuto mula sa kanilang bahay patungo sa lugar dahil dito lamang may malaks na signal na kailangan ng apo sa pagri-research.

Pagbabahagi ni Lolo,

"Tapos walang kuryente dito sa amin, magpapa charge ka, 15 ang singil kung magpapa charge ka doon sa may generator."

Si lolo ay mayroong isang anak na PWD at tatlong apo na binubuhay. Sila ng kaniyang asawa ay sinisikap lamang na pagkasiyahin ang P5,300 na pension na natatanggap nila kada buwan.

Mensahe ni Teacher George,

"Mahirap. Oo mahirap. Pero kailangan kayanin natin dahil may mga batang pilit rin na kinakaya ang mahirap na sistema at kondisyon na meron tayo ngayon."

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Mag-lolo, Matiyagang Naglalakad Ng 30 Minuto Para Makasagap Ng Malakas Na Signal Para Sa Pag-aaral Ng Apo
Mag-lolo, Matiyagang Naglalakad Ng 30 Minuto Para Makasagap Ng Malakas Na Signal Para Sa Pag-aaral Ng Apo
https://1.bp.blogspot.com/-ZmY2rNdyXuw/YIjFOsgWSZI/AAAAAAAAXKU/BZZxj6vxIDwgVylDtqSaBYUWoTGINvDwgCLcBGAsYHQ/w640-h360/jdgafafrfa.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-ZmY2rNdyXuw/YIjFOsgWSZI/AAAAAAAAXKU/BZZxj6vxIDwgVylDtqSaBYUWoTGINvDwgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/jdgafafrfa.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/mag-lolo-matiyagang-naglalakad-ng-30.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/mag-lolo-matiyagang-naglalakad-ng-30.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy