Matteo Guidicelli, Ibinunyag Ang Tunay Na Ugali Ni Sarah Bilang Isang Misis

Masaya ang naging pag-uusap nina KC Concepcion at Matteo Guidicelli nang maging guest ang huli kamakailan lang sa Instagram live program ni ...


Masaya ang naging pag-uusap nina KC Concepcion at Matteo Guidicelli nang maging guest ang huli kamakailan lang sa Instagram live program ni KC na 'Kitchen Collabs' noong Nobyembre 12, Sabado.

Sa nasabing programa ay napag-usapan nga ng dalawang personalidad ang tungkol sa pagluluto kung saan. Ibinahagi pa nga ni Matteo ang hilig niya sa pagluluto ng tuna pasta. Nabanggit din dito ni Matteo ang tungkol sa 'making love to the pasta' na sikreto umano para sumarap ang kaniyang luto.

Hindi naman din naiwasan ng dalawa ang mapag-usapan ang asawa ni Matteo na si Sarah Geronimo. Ayon sa aktor, kailangan umanong sinasamahan ng pagmamahal ang pagluluto at hindi dapat ito minamadali.


Pagbabahagi ni Matteo,

"For example, when I cook pasta for Sarah and nagmamadali ako, or kailangan ko nang gawin dahil gut0m na siya or whatever, if I rush it, it's not good, eh. So, you always have to put heart into it. It's just like you're making love to the pasta, kumbaga, you know what I mean?"

Sa binahagi ng aktor ay nakulit naman ito ni KC na magkwento tungkol sa kanilang relasyon ni Sarah. Ayon kay Matteo, ang paghingi umano niya ng sorry sa kaniyang misis kahit hindi niya naman kasalanan ay isa lamang sa mga sikreto nang maayos ng kanilang relasyon.


Aniya,

"One thing I learned about married life is that just say, 'Sorry, Love. Sorry, kasalanan ko talaga.' Kahit hindi mo kasalanan, sorry nang sorry, 'no? You just say sorry all the time."

Ibinahagi din ni Matteo kung paano si Sarah bilang isang asawa. Aniya ay napakasweet at maalagang misis nito sa kaniya.


Ani pa niya,

"Sobrang sweet niyang si Sarah, e. Lahat talagang... she's a very, very caring wife."

Ayon sa kaniya, ang pagiging tapat umano sa isa't isa ang dahilan kung bakit matatag ang kanilang relasyon. Wala umano silang itinatagong kahit na ano sa isa't isa at napakaimportante para sa kanila ang ganitong ugali.

Saad ni Matteo,

"What makes us strong is that we're transparent. We're very transparent... She's very honest. We're honest with each other. That's very important. You cannot hide things from one another."

Si Matteo at Sarah ay ikinasal sa isang pribadong seremonya noong Pebrero nitong taon. Naisip ng dalawa na isikreto ang kanilang pagpapakasal sa mga magulang ng singer kaya naman naging malaking usap-usapan online ang pagpunta umano doon ng nanay ni Sarah.

Sa kabila ng nangyari sa pagitan nila at ng pamilya ni Sarah, umaasa pa din si Matteo na sila ay magkakaayos ng lahat balang araw. Pangarap pa din daw ni Sarah na ikasal silang dalawa kasama ang kanilang mga pamilya.

Pagbabahagi ng aktor,

"I imagine that all the time. Not just for me, but obviously primarily for my wife and also my family... my parents. I believe our parents raised us up and worked so hard for us that one day, we could marry a woman or a man, and two families would combine. You know, having drinks together, pasta together. I think that's our family's dream.

"So yun. One day, it will happen."

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Matteo Guidicelli, Ibinunyag Ang Tunay Na Ugali Ni Sarah Bilang Isang Misis
Matteo Guidicelli, Ibinunyag Ang Tunay Na Ugali Ni Sarah Bilang Isang Misis
https://1.bp.blogspot.com/-jF6Zi5gS9Vw/YHl1zDt-OsI/AAAAAAAAV28/Jmq2545d1vY0TaXNm901t9usZLuG2nA4QCLcBGAsYHQ/w640-h360/mateoooca.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-jF6Zi5gS9Vw/YHl1zDt-OsI/AAAAAAAAV28/Jmq2545d1vY0TaXNm901t9usZLuG2nA4QCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/mateoooca.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/matteo-guidicelli-ibinunyag-ang-tunay.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/matteo-guidicelli-ibinunyag-ang-tunay.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy