Mga Lalaki Na Nakajackpot Ng Mga Magagandang Dayuhan

Hindi mo kailangan maging maganda o gwapo para lamang magustuhan ka ng taong natitipuhan mo. Dahil may mga tao pa din ngayon na hindi tumiti...


Hindi mo kailangan maging maganda o gwapo para lamang magustuhan ka ng taong natitipuhan mo. Dahil may mga tao pa din ngayon na hindi tumitingin sa estado ng buhay at panlabas na anyo upang ito ay itong magustuhan. Bagama't ito ay titignan nila sa kagandahan ng ugali at may busilak na kalooban.

Pagdating sa pagmamahalan, wala itong pinipili na hitsura, sukat, timbang, o kulay dahil hindi ito mahalaga sa taong nagmamahalan.

Narito ang mga lalaking naka-jackpot ng magagandang dayuhan.

1. John Mark Tokong

Ang Pinoy professional surfer na si John Mark Tokong ay nabihag ang puso ng magandang dayuhan na si Danni Hughes. Naging viral kasi sa social media ang larawan nilang dalawa matapos itong ibahagi ni John Mark sa kaniyang Instagram account. Kapansin pansin sa kanilang mukha ang saya at pagiging kontento sa isa't isa. Ang mga naturang larawan ay tila kuha na sila ay nasa isang garden kasama ang kanilang minamahal na anak na si Olive.


Maraming netizens ang namangha sa relasyon nina Danni at John Mark. Dahil bukod sa pagkakaiba nila ng kulay, mas matangkad pa itong si Danni kay John Mark. Ngunit, sa kabila ng pagkakaiba ng dalawa, nanaig pa din ang kanilang pagmamahalan.

2. Roger Casugay

Isang Dutch naman na si Lisa Verweij ang nahulog sa galing ng isang surfer na mula sa La Union na si Roger Casugay. Nag viral din kasi ang mga larawan ng dalawa kung saan makikita ang mga ito na sweet sa isa't isa. Bago nakilala ni Roger si Lisa ay galing daw muna ito sa Cebu para sa internship. Nagtrabaho si Lisa dito bilang social worker sa isang shelter ng mga biktima ng s3xual expl0itation. Bago bumalik si Lisa sa Netherlands, nais muna nito na matuto ng surfing kaya naman ito ay lumipad patungo sa La Union kung saan niya nakilala si Roger na dati ay nahihiya pang turuan si Lisa ngunit kalaunan ay nasanay din.


Dahil sa talento na taglay ni Roger pagdating sa surfing, mas lalong nahulog ang loob ni Lisa sa kaniya at nitong nakaraang taon nga ay nanalo si Roger bilang kauna-unahang Gold Medalist sa surfing sa Southeast Asian Games. Noong araw din na iyon ay ginawaran si Roger bilang isang bayani dahil niligtas niya ang kalaban din niyang surfer na nabalian ng paa habang ito ay nasa alon.

Nanatiling matatag ang pagsasama nina Lisa at Roger at hanggang ngayon ay magkasama pa din ang dalawa.

3. Karna Radheya

Sina Karna Radheya at Pauli Alexandra Robinson ay isa din sa mga couple na naging viral online. Marami ang umalma sa kanilang relasyon, ngunit sa kabila ng mga panghuhusga sa kanilang pagmamahalan, hindi sila pinanghinaan ng loob at pinatatag pa nila ito ng sila ay magpakasal.


Kapansin pansin na kakaiba nga si Pauli dahil sa kaniyang napakaputing balat, blonde na buhok, at napakaganda nitong hitsura ngunit ang partner nito ay medyo maitim dahil sa pagsu-surf. Ngunit, hindi ito basehan para kay Pauli.

Galing Manchester, England si Pauli at 21-anyos siya noong una niyang nakilala si Karna sa Bali, Indonesia noong 2017. Isang Muslim si Karna. Dahil sa conflict ang relihiyon ng dalawa, gumawa ng paraan si Pauli para sa kanilang kasal. Bago sila ikasal, nagpa-convert muna si Pauli sa Islam sa loob ng anim na buwan para maikasal kay Karna.

Ikinasal ang dalawa sa isang traditional Muslim ceremony sa lugar ng lalaki kasama ang pamilya nito.

4. Philmar Alipayo

Ang professional surfer na si Philmar Alipayo mula sa Siargao ang siyang nakabihag naman sa puso ng aktres na si Andi Eigenmann. 

Si Philmar ay nanalo bilang 19th Siargao National Surfing Camp at kauna-unahang Philippine surfing championship tour. Nakilala ni Andi si Philmar noong siya ay nagbakasyon sa Siargao.


Sa isang panayam, inamin ni Philmar na noong una ay hindi niya umano inakala na isang artista si Andi dahil hindi naman sila mahilig sa TV sa kanilang lugar kaya hindi din sila nakakanood ng mga palabas.

Talaga nga namang napakaswerte ni Philmar na nakilala niya si Andi na napakaganda, at higit pa diyan ay tanggap ang buong pagkatao niya at estado niya sa buhay.

Ayon kay Andi, handa niyang ibenta ang lahat ng kaniyang ari-arian makasama niya lang ang mahal niya sa buhay. Nais din ni Andi na magkaroon ng simple at normal na pamumuhay malayo sa gulo at ingay, lalo na sa showbiz industry.

Ngayon ay masaya si Andi kasama si Philmar at ang kanilang mga anak.

1. Eugene Galang

Nagsimula ang relasyon nina Eugene Galang at kasintahan nitong Lithuanian na si Viktorija 'Vika' Chaya Radaviciute noong 2017 nang nakita ni Eugene si Vika sa Facebook. Dahil sa nagandahan kay Vika, hindi na nagdalawang isip pa si Eugene na i-message ito ng simpleng 'Hi'. Sa sumunod na araw, laking gulat ni Eugene ng makatanggap ng reply mula kay Vika.

Dito na nagsimula ang pag-uusap nila. Madalas pa nga ay nagvi-video call ang dalawa. Ito din ang siyang nagpatibay sa kanilang relasyon at hanggang sa nauwi sa pagmamahalan makalipas ang isang buwan.


May 16, 2017 naging opisyal na nga ang relasyon ng dalawa. Pagkatapos ng isang taon na long-distance relationship, nagpasya si Vika na pumunta ng Pilipinas at di kalaunan ay nagkita na nga ang dalawa.

Hanggang ngayon ay masaya at matatag ang pagsasama ng dalawa bilang magkarelasyon.

Isa lang ang malinaw sa ipinakita ng mga nagmamahalan na ito na kailanman ay hindi magiging basehan ang pisikal na kaanyuan at layo pagdating sa pag-ibig dahil mas importante na maging kabiyak ng puso mo ay ang tao na kaya kang irespeto, igalang, mahalin, at tanggapin ng buong pagkatao mo kahit ano man ang mayroon ka.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Mga Lalaki Na Nakajackpot Ng Mga Magagandang Dayuhan
Mga Lalaki Na Nakajackpot Ng Mga Magagandang Dayuhan
https://1.bp.blogspot.com/-O32aZrIo2vg/YIEGxDBak2I/AAAAAAAAWio/uw014doM7OEwS_0iYzA7moCWsrz0HTzdgCLcBGAsYHQ/w640-h360/dfdfafasf.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-O32aZrIo2vg/YIEGxDBak2I/AAAAAAAAWio/uw014doM7OEwS_0iYzA7moCWsrz0HTzdgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/dfdfafasf.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/mga-lalaki-na-nakajackpot-ng-mga.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/mga-lalaki-na-nakajackpot-ng-mga.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy