Netizen, Ibinahagi Kung Paano Niya Nagawang Makapag-Ipon Ng P42,300 Sa Loob Ng Limang Buwan Gamit Ang P50

Alam naman natin kung gaano kahirap na kumita ng pera, lalo na sa panahon natin ngayon. Kaya naman karamihan sa atin ay talagang nagsisipag ...


Alam naman natin kung gaano kahirap na kumita ng pera, lalo na sa panahon natin ngayon. Kaya naman karamihan sa atin ay talagang nagsisipag at nagdodoble kayod para lamang magkaroon ng pera upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa araw-araw. 

Kaya naman nararapat lamang na tayo ay magkaroon ng disiplina sa ating sarili at matutong magtipid nang sa gayon ay mayroon tayong dudukutin kung sakali man na may sakuna na dumating.

Ngunit mahirap nga naman labanan ang mga tukso na dumadating. Katulad na lamang ng mga 50% off, mga promo, at sale kadalasan sa mga mall. Hindi din maiiwasan na magkaroon ng yayaan sa galaan kaya naman karamihan sa atin ay hirap sa pag-iipon dahil nagagastos din ang mga inihulog sa alkansiya.

Ngunit, ang netizen na si Yona Abella ay nagbigay ng inspirasyon sa marami dahil sa mga tips na kaniyang ibinahagi sa social media pagdating sa pag-iipon gamit ang 50 pesos.

Ayon kay Yona, nais niyang makapagbigay ng inspirasyon sa iba kaya ibinabahagi niya ang mga tips na ito sa pag-iipon at hindi para magyabang.

Sa kaniyang post, sinabi ni Yona na sa tuwing mayroon siyang 50 pesos na buo ay hindi niya ito ginagastos bagkus ito ay kaagad niyang nilalagay sa kaniyang ipon. 

Aminado naman si Yona na marami ding tukso ang kaniyang hinarap gayunpaman hindi ito naging hadlang para sa kaniya upang hindi ipagpatuloy ang pag-iipon.

Dahil dito, siya ay naka-ipon lang naman ng tinatayang 846 na piraso ng P50 na buo na may katumbas na P42,300 sa loob lamang ng limang buwan!

Basahin sa ibaba ang kabuuang post:

"yehey!!!! daming 50’s diba? dagdag savings. malayo mararating mo kapag nag decide ka disiplinahin sarili mo lalo na sa savings. kasi karamihan satin nag alkansya para makapag save pero kapag gimikan o galaan game na game at dudukot o susundutin or worst babasagin ang kanilang alkansya matuloy lang ang mga wants nila pero nasa tao naman talaga ang disiplina kung pano sila makakapag save.

Hindi natin dapat unahin ang mga wants natin, dahil ang WANTS makakapaghintay pero ang NEEDS hindi. 

Aminado ako before magastos akong tao pero hindi naman kasi tayo pa bata, pa tanda po tayo kaya sana isipin natin lahat ng pag gagastusan natin dahil hindi natin alam may mga respinsibilidad tayo sa buhay na dapat pag laanan ng savings. 

Need natin mag save habang bata pa tayo para pag dumating ang near future hindi tayo sobrang mamomoblema when it comes sa money kasi alam mong nakapag save ka.

5mos ko po na save tong 846 pcs ng 50’s ganito ang aking ginawa, LAHAT NG 50 pesos na mahahawakan ko at invisible MUNA sakin it means di ko siya gagastusin for example nag bayad ka ng buong 500 pesos then ang sinukli sayo 4 na 50’s, yung 4pcs na 50’s dapat invisible sakin hindi ko siya pwedeng gastusin.

Kailangan yung remaining na sinukli na hindi 50’s yung lang gagastusin at pagkakasyahin ko.

Sobrang disiplina ginawa ko dito kasi naniniwala ako na kapag GUSTO MADAMING PARAAN, KAPAG AYAW MADAMING DAHILAN. sana po nakatulong ako sainyo at namotivate ko kayo ng konti.

Thankyou sa mga nagbasa. Godbless. Thankyou din sa ka buddy ko mag ipon at sa kumuha ng photo na yan."

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Netizen, Ibinahagi Kung Paano Niya Nagawang Makapag-Ipon Ng P42,300 Sa Loob Ng Limang Buwan Gamit Ang P50
Netizen, Ibinahagi Kung Paano Niya Nagawang Makapag-Ipon Ng P42,300 Sa Loob Ng Limang Buwan Gamit Ang P50
https://1.bp.blogspot.com/-mnnYtntaC6Q/YHgroxD8q6I/AAAAAAAAVwQ/fv4yv7iS7Ek7H2XgRtsww517lt_Doe0HwCLcBGAsYHQ/w640-h360/operasfgte.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-mnnYtntaC6Q/YHgroxD8q6I/AAAAAAAAVwQ/fv4yv7iS7Ek7H2XgRtsww517lt_Doe0HwCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/operasfgte.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/netizen-ibinahagi-kung-paano-niya_4.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/netizen-ibinahagi-kung-paano-niya_4.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy