Sila Pala Ang Mga Babae Na Dumaan Sa Buhay Ni Luis Manzano

Ang bawat tao ay isinilang sa pamamagitan ng isang ina. Ito ang kasa kasama niya sa buhay habang siya ay lumalaki. Dito natin masasabi na an...


Ang bawat tao ay isinilang sa pamamagitan ng isang ina. Ito ang kasa kasama niya sa buhay habang siya ay lumalaki. Dito natin masasabi na ang unang babae sa ating buhay ay ang ating nanay. 

Para kay Luis Manzano, ang pinaka unang babae na nagmahal sa kaniya ay walang iba kundi ang ina na si Batangas Congresswoman at Deputy Speaker of the House Representative Vilma Santos-Recto na nagluwal sa kaniya noong Abril 21, 1981.

Sa edad na 39, masasabi natin na ang kaniyang ina ang nagbigay sa kaniya ng kauna-unahang at unconditional love na kahit na sinuman ay hindi mapapantayan. Siya lamang ang natatanging tao na nagsakripisyo para kay Luis hanggang sa maabot nito ang kinalalagyan niya ngayon.


Ang pagiging anak ng isang Star for All Season ay hindi madali para kay Luis o mas kilala bilang si Lucky noong siya ay bata pa. Lumaki sa pamilya na parehong nasa showbiz ang mga magulang, hindi maiiwasan ni Luis na malagay sa spotlight, lalo na noong panahon na naghiwalay ang kaniyang magulang.

Subalit hindi ito naging issue sa paglaki ni Luis dahil maayos ang naging setup ng hiwalayan ng kaniyang mga magulang at sinigurado ng kaniyang ama na si Edu Manzano na ito ay mabibigyan pa din niya ng oras at panahon.


Dahil sa pangyayari, nagkaroon ng bagong pamilya ang kaniyang ama. Hindi lamang si Congresswoman Vilma ang naging babae sa buhay ni Luis. Dumating din ang kaniyang half-sister na si Addie Manzano. Si Amanda Daniel Manzano ang nag-iisang anak na babae ni Edu sa kaniyang ikalawang partner, ang dating modelo na si Rina Samson. 

Hindi mas pinasok ni Addie ang mainstream showbiz, nakita naman ito sa ilang TV commercials kasama ang anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco at ng yuma0ng aktor na si Miguel Rodriguez na si Sam Rodriguez. Nabigyan din ito ng ilang modeling stints at naging host pa sa ABS-CBN Sports Series na Upfront at the UAAP noong 2016. 


Ngayon naman ay kilalanin natin ang mga babae na dumaan sa buhay ni Luis kung saan naging espesyal ang pagtrato niya sa mga ito at masasabi na naging parte ng lovelife ng magaling na aktor at TV host.

6. Nancy Castiglione

Si Nancy Jane Castiglione ay isang half-Italian half-Filipina singer, actress, TV host, at model. Bago lumipad patungong Pilipinas, nanirahan siya kasama ang kaniyang pamilya sa Canada. Naging household name ang pangalan ni Nancy noong unang bahagi hanggang kalagitnaan ng taong 2000. 


Noong panahon ng kaniyang kasikatan, nabansagan siya bilang isa sa mga most sought after celebrity sa bansa. Nagsimula ang kaniyang karera nang ma-discover siya ng ilang talent ageants habang nagbabakasyon siya sa Maynila.

Tulad ng ibang mga sikat na artista, nagsimula sa paggawa sa TV commercials si Nancy para sa mga malalaki at kilalang produkto sa Pilipinas. Kinontrata at inilunsad siya ng GMA-7 bilang isa sa mga pangunahing aktres sa TV series na "Sana Ay Ikaw Na Nga" na pinagbibidahan nina Tanya Garcia at Dingdong Dantes.


Ang kaniyang huwarang pagganap sa pag-arte ay naging kuwalipikasyon niya para sa parangal bilang Best New Female Actress sa Star Awards. Nakuha ni Nancy ang kaniyang big break sa GMA-7 noong siya ay mapasama siya bilang si Muyak sa fantaserye na Mulawin. Ang kaniyang pagganap bilang Encantada ay naging daan para ang kaniyang karakter ay mapasali muli sa isa pang hit na fantaserye na Encantadia hanggang sa ikatlo at huling yugto ng naturang TV series.

Maliban sa pag-arte, naging isa ding host si Nancy kung saan nakatrabaho niya ulit si Dingdong sa first season ng reality based artista search na StarStruck at StarStruck 5 Final Judgment. Pinatunayan niya na hindi lamang siya dito magaling kundi sa pagkanta din. Matapos ang maikling pagpapahinga, nagre-emerge siya bilang isang mang-aawit at binago ang kaniyang screen name at ginamit ang tunay na pangalan na Nancy Jane. Ang ilang mga kritiko ay tinawag din siya na Kylie Minogue of the Philippines. 


Ang kaniyang relasyon sa TV host na si Luis Manzano ay hindi masyadong napag-usapan noon. Una siyang ikinasal kay Nacho Dominguez sa isang civil wedding sa Canada. Ngayon ay kasama niya malayo sa showbiz limelight ang kaniyang partner na si Richie Bautista at tatlong anak.

5. Anne Curtis

Sa paglalarawan ng aktres na si Anne Curtis kay Luis, sinabi nito na siya ang lalaki na gusto niyang mapangasawa. Hindi man madalas makitang magkasama on-screen, sa likod naman ng mga camera ay isang pagkakaibigan na patuloy na pinagtitibay ng panahon. Una ng nagkakilala ang dalawa sa fantaserye na Kampanerang Kuba noong 2005 ng ABS-CBN kung saan ginampanan niya ang papel bilang love interest ni Anne. 


Nagkatrabaho din silang dalawa sa serye na Dyosa noong 2008. Simula noon, nagpatuloy ang kanilang paggawa ng ibang mga proyekto na magkasama. Subalit ang hindi alam ng karamihan ay nagsimula silang dalawa ni Luis sa pagde-date ngunit hindi ito nauwi sa isang malalim na pagkakaibigan. Makikita ang pagiging komportable nila sa isa't isa sa harap at likod ng camera. Mapapansin din na madalas nilang iniinis ang isa't isa kung kaya naman ang mga taong nanonood sa kanila ay kinakatuwaan ang dalawa.

Nang dumating ang panahon ni Anne para magkaroon ng sariling pamilya, inimbitahan niya ang matalik na kaibigan para maging Man of Honor nito sa kasal kay Erwan Huesaff. 


Masayang ibinahagi ni Luis ang kaganapang iyon sa kaniyang buhay na maging parte ng entourage ng kaniyang bestfriend sa showbiz. Ayon kay Luis, si Anne ang klase ng tao na hindi kinakailangan na makita araw-araw para mapanatili ang pagkakaibigan nila.

4. Toni Gonzaga

Bago pa man sila unang ipares on-screen bilang isang loveteam, inamin ni Luis na niligawan niya ang TV host, singer, at actress na si Toni Gonzaga. Ang Crazy For You na isang serye ng ABS-CBN na ipinalabas noong 2006, ang kauna-unahang project ni Luis kasama si Toni bago pa man sila magkatrabaho sa iba't ibang mga palabas bilang co-host at co-actor.


Matapos ipareha ng maraming beses, nanatiling magkaibigan sina Luis at Toni na romantically involved sa kani-kanilang mga partners noong panahon na iyon. Hindi man natuloy at nauwi sa isang relasyon, maganda din ang naging relasyon sa kapatid ni Toni na si Alex. Dahil parehas na mahilig magpatawa, nadadaan nila minsan ang kanilang usapan sa pagbabalik tanaw sa naudlot na pag-ibig ni Luis sa kapatid ni Alex.

Makikita din ang closeness nila hanggang sa ngayon kung saan ang comments section ng kanilang social media ay nagiging tampulan ng katuwaan para sa kanilang followers.


Para kina Toni at Luis, mas importante ang pagkakaroon ng isang kaibigan na mapagkakatiwalaan. Alam kasi nila na sa mundo ng showbiz, bihira lamang ang nakakahanap ng isang tunay na kaibigan. Kaya naman masuwerte sila dahil natagpuan nila ang isa't isa.

3. Jennylyn Mercado

Hindi naging hadlang para kina Jennylyn Mercado at Luis ang manggaling sa magkaiba at magkatunggaling istasyon para sila ay pumasok sa isang relasyon. Nakilala ni Jen si Luis sa pamamagitan ng isang training sa martial arts na jiu jitsu. Ang dalawa ay nakikita din na naglalakbay ng magkasama dito man sa bansa o kahit abroad.

Si Jen ay galing sa isang failed relationship sa ama ng kaniyang ama na si Alex Jazz. Maayos naman ang naging setup ng kanilang relasyon kahit may anak na si Jen. Ani Luis sa isang interview noon, priority ni Jen ang kaniyang anak kaya malabo ang pagpapakasal noong panahon na iyon. Si Jennylyn ang sumunod na girlfriend ni Luis matapos ang relasyon nito sa aktres na si Angel Locsin.

Hindi din nagtagal ang relasyon nila sa isa't isa. Walang th1rd party involved sa kanilang hiwalayan noon. Tanging ang dalawa ang kusang nawalan ng feelings sa isa't isa.

2. Angel Locsin

Marahil ang pinaka mahaba at pinaka kontrobersiyal na balita sa mundo ng showbiz ay ang pagkakasangkot ni Luis sa aktres na si Angel Locsin. Taong 2008 nang kanilang aminin na sila ay may relasyon. Subalit hindi nagtagal ay nagkahiwalay ang dalawa. Hindi naman itinago ni Luis ang intensyon nito na balikan muli ang aktres. Nangyari nga ito noong 2014 kung saan nagbalik muli ang matamis na pagtitinginan nila sa isa't isa.

Maraming mga fans ang umaasa sa pag-iisang dibdib mauuwi ang kanilang relasyon. Bukas din si Luis sa pagpapakilala kay Angel sa kaniyang pamilya. Sinabi din ng ina ni Luis na gusto niya ang aktres para sa kaniyang anak. Ngunit hindi lahat ay nagtatapos sa magandang balita. Nang lumabas ang balita na nagkakalabuan na sina Angel at Luis, isang third party ang sinasabi na sumira ng kanilang relasyon.

Matatandaan din na itinanggi ni Angel na hiwalay na sila ni Luis at sinabi na inaayos nila ang kanilang relasyon. Itinanggi naman ni Luis na may ibang babae na sangkot sa kanilang paghihiwalay at sinabi na wala na sila ni Angel nang ligawan niya ang isa pang aktres.

1. Jessy Mendiola

Ang babaeng sinasangkot sa hiwalayang Angel-Luis at sinasabi na third party ay walang iba kundi ang aktres na si Jessy Mendiola. Subalit, nanindigan si Jessy na hindi siya kailanman nanira ng isang relasyon. Ipinagtanggol naman ni Luis ang aktres at sinabi na tapos na ang kaniyang relasyon kay Angel noong siya ay manligaw kay Jessy.


Taliwas naman ito sa pahayag ni Angel kung saan sinabi nito na kung ano ang sabihin ni Luis ay iyon na dapat ang masusunod. Hindi man naging maganda ang paghihiwalay nilang dalawa sa ikalawang pagkakabalikan, naging maganda naman ang kanilang buhay sa kani-kanilang pag-ibig.

Masaya na si Angel sa piling ng kaniyang fiance na si Niel Arce habang si Luis ay ganap ng may-asawang tao. Nito nga lamang nakaraang araw ay inilabas na ni Jessy sa publiko ang wedding ng kanilang intimate wedding na ginanap sa isang resort sa Batangas.


Usap-usapan noong nakaraang buwan na nagpakasal na nga sina Luis at Jessy at hindi lamang nila ito sinabi sa publiko dahil balak nilang sabihin ito ng eksklusibo sa vlog ng aktres.

Iyon nga ang nangyari nito lamang. Masayang ipinahayag ng dalawa na sila ay kasal na. Dinaluhan lamang ito ng kanilang malalapit na pamilya at kaibigan. Ang ina ni Jessy ay hindi nakarating ngunit nakasama naman nila ito sa pamamagitan ng isang video conference.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Sila Pala Ang Mga Babae Na Dumaan Sa Buhay Ni Luis Manzano
Sila Pala Ang Mga Babae Na Dumaan Sa Buhay Ni Luis Manzano
https://1.bp.blogspot.com/-zmntR52Yxu8/YHUZXGjhyVI/AAAAAAAAVos/UHatZAL-UXkL4CwPxf_0URgVlrodQddtgCLcBGAsYHQ/w640-h360/luisfsafafs.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-zmntR52Yxu8/YHUZXGjhyVI/AAAAAAAAVos/UHatZAL-UXkL4CwPxf_0URgVlrodQddtgCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/luisfsafafs.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/sila-pala-ang-mga-babae-na-dumaan-sa_32.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/04/sila-pala-ang-mga-babae-na-dumaan-sa_32.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy