Kilalanin Ang Pinakamayaman At Sosyal Na Celebrities Sa Pilipinas

Sa industriya ng showbiz, marami ang matutunog na pangalan. Sila ay kilalang kilala ng marami dahil sa mga natatanging kontribusyon na kanil...


Sa industriya ng showbiz, marami ang matutunog na pangalan. Sila ay kilalang kilala ng marami dahil sa mga natatanging kontribusyon na kanilang nagawa sa mundong kinagagalawan. Sa kanilang angking husay at talento, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga sa kanila dahilan para sila ay maging mas maging kilala pa.

Bukod sa nakakabit na ang katanyagan at kasikatan sa kanilang pangalan, pinagpala din sila ng sobrang kayamanan. Ang ilang sa mga celebrities na ito ay nakamit ang tagumpay at kasaganaan sa buhay dahil sa kanilang pagsisikap sa buhay at ang ilan naman ay dahil sa kanilang partner o asawa. Ngunit, ano pa man ang dahilan, basta't hindi ito nakakaapak ng tao, nasa sa kanila pa din kung paano nila gagamitin ang mga perang ito.

Narito ang mga pinakamayaman at sosyal na celebrities sa Pilipinas.

1. Kris Aquino

Hindi maipagkakaila na si Kris Aquino ay mahilig sa mga dyamante. Ayon sa kaniya, sa tuwing mayroong bagong pangyayari sa kaniyang buhay, siya ay bumibili ng mga mamahaling alahas. Katulad na lamang nang sila ay maghiwalay ng dating asawa na si James Yap. Siya ay bumili ng Tiffany ring na nagkakahala ng P2.4-M. Noong nagkaroon naman ng lindol sa Japan noong mga panahon na sila ay nagbabakasyon sa naturang bansa taong 2018, siya daw nai-stress. Kaya naman makalipas lang ang ilang araw ay pumunta siya sa Chanel store para bumili naman ng bag.

Aniya,

"So I went there because I deserve earrings and nako, sa hilong inabot ko naman, let's make it a bag."

Bukod pa diyan, si Kris din ay nagmamay-ari ng magkapares na hikaw at kwintas na nagkakahalaga ng P9-M. Siya ay namataan din na nakasuot ng isang Patek Philippe watch na nagkakahalaga naman ng P12-M.

2. Heart Evangelista

Si Heart Evangelista o Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero sa tunay na buhay ay isa sa mga kilala at hinahangaang aktres sa Philippine showbiz industry. Siya ay nagmula sa isang kilala at mayamang pamilya na nagmamay-ari ng ilang mga kilalang restaurant sa bansa. Hindi maipagkakaila na napakahilig din ni Heart sa mga luxurious at mamahaling mga kagamitan.


Sa katunayan nga nyan, ang unang investment niya ay ang 3-carrat heart-shaped diamond earring nang siya ay ikasal. Paborito ng aktres ang mga cartier love bracelets na nagkakahala ng P10-M. Siya ay mayroon ding relo na tinatawag na Van Cleef and Arpels na nagkakahalaga naman ng P6.5-M. Sa kaniyang Instagram account din, makikita na bitbit bitbit niya ang kaniyang Hermes bag sa iba't ibang okasyon.

3. Jinkee Pacquiao

Si Jinkee Pacquiao ay ang asawa ng boxing champ at Senador Manny Pacquiao. Si Jinkee ang sinasabi na mayroong pinakamaraming Hermes bag sa lahat ng local celebrities. Nang tanungin siya kung nagpapaalam ba siya sa kaniyang asawa na si Manny na bilhin ang mga bag na ito, sagot niya,

"Ay hindi. Minsan hindi niya alam yung price ng mga bag ko. Minsan nalalaman na lang niya sa iba. "Mahal pala yan! Meron ding ganyan si Jinkee ha."

Binahagi din ni Jinkee ang kaniyang lockdown OOTD sa kaniyang Instagram account. Ang Gucci silk shirt na kaniyang suot sa naturang post ay nagkakahalaga lang naman ng P135,000 habang ang Gucci pants naman ay nagkakahalaga ng P62,000. Ang suot naman niyang Chanel sandals ay nagkakahalaga ng P51,000.

Bukod pa diyan, si Jinkee ay mayroon ding shoe collection na mula sa mga kilala at luxurious brands.

4. Gretchen Barretto

Si Gretchen Barretto ay isa sa mga tinuturing na may pinakamagandang mukha sa Philippine showbiz industry. Sabi ng ilan, napakaelegante ng aktres. Hindi naman lingid sa kaalam nating lahat na partner ni Gretchen ang bilyonaryong negosyante na si Tony Boy Cojuangco.


Nakitaan si Gretchen ng ilang mga luxurious watch katulad ng Rolex. Dalawa sa Rolex watches niya ay nagkakahalaga ng P2.7-M. Ang isa naman ay nagkakahalaga ng P2.12-M. Bukod dito, nakahiligan na din ng aktres ang malalaking perlas. Nagsimula siyang mangolekta nito nang ipanganak ang nag-iisang anak na si Dominique Cojuangco. Ang isa sa mga pinakamahal niyang perlas ay ang Big Gold strand necklace na nagkakahalaga ng P8-M. Ang aktres ay may koleksyon din ng Berkins at Kellys na ginagamit niya sa pang-araw-araw.

5. Sharon Cuneta

Si Sharon Cuneta ay napakahilig din sa alahas. Ayon sa kaniya, bukod sa pagiging real-estate investor. Siya ay yumaman din sa pagkolekta ng mga mamahaling alahas. Ngunit sa dami ng kaniyang mga alahas, hindi mo ito makikita sa kaniyang mga Instagram photos. Hindi siya pala-post ng mga koleksyon, ngunit ang aktres ay napakagenerous kaya dito mo makikitaan ang pagkahilig ng Megastar sa alahas.

Sa katunayan nga niyan ay niregaluhan niya si Regine Velasquez-Alcasid ng singsing na nagkakahalaga ng P1-M. Nang biruin naman siya ni Vice tungkol sa kaniyang bracelet, binigay niya ito. Binigyan niya lang naman si Vice ng bracelet na nagkakahalaga ng P1.5-M.

Nitong Oktubre lamang, ipinakita ng aktres ang kaniyang bag collection sa isa sa kaniyang mga YouTube vlog kung saan mapapansin na karamihan dito ay Hermes at Louis Vitton.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Kilalanin Ang Pinakamayaman At Sosyal Na Celebrities Sa Pilipinas
Kilalanin Ang Pinakamayaman At Sosyal Na Celebrities Sa Pilipinas
https://1.bp.blogspot.com/-M9D2novi51U/YKXX8m3foiI/AAAAAAAAZ08/7rUQxsGVloM2rKye1pbpxei_IxBE4DkQACLcBGAsYHQ/w640-h360/awtryhj.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-M9D2novi51U/YKXX8m3foiI/AAAAAAAAZ08/7rUQxsGVloM2rKye1pbpxei_IxBE4DkQACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/awtryhj.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/05/kilalanin-ang-pinakamayaman-at-sosyal.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/05/kilalanin-ang-pinakamayaman-at-sosyal.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy