Dating Sikat Na Basketball Player, Ipinasilip Ang Simpleng Pamumuhay Na Mayroon Siya Ngayon

Matapos iwanan ang kanyang karera sa basketball ng 16 na taon, isiniwalat ng dating PBA athlete na si Marc Pingris na sinusubukan niya ngayo...


Matapos iwanan ang kanyang karera sa basketball ng 16 na taon, isiniwalat ng dating PBA athlete na si Marc Pingris na sinusubukan niya ngayong mag-focus sa pagsasaka sa kanyang probinsya sa Pozzorubio, Pangasinan.

Marami sa kaniyang mga fans ang nanghinayang sa pag-alis niya mula sa pagba-basketball sa edad na 39 ngunit nirespeto pa din nila ang desisyon ng tinaguriang "Pinoy Sakuragi."

Ang anime na Slam Dunk at ang bida nito na si Hanamichi Sakuragi ang pinakapaborito ng dating PBA player kaya siya binansagan na “Pinoy Sakuragi.”


Sa kaniyang Instagram account, siya ay nagpaalam pa sa kaniyang mga tagahanga at mga kasamahang manlalaro.

Sa isang panayam sa Cabinet Files, ibinahagi niya na ang desisyon na ginawa niya sa pag-retiro sa pagba-basketball ay hindi nangyari ng isang araw lamang.

Aniya,

“Matagal ko pinag-isipan. Pinag-pray ko ng mga ilang weeks. Tapos umuwi ako sa amin at umakyat ng bundok. Dun mas nakapag-isip pa ko kung ano ba talaga priority ko ngayon sa buhay.


“Sa totoo lang, kaya ko pa. Nasa kondisyon pa ako. Yun din ang sabi nila sa akin pero dahil iba na ang sitwasyon ngayon, ito na napagdesisyunan ko.”

Dagdag pa niya,

“Kinausap ko family ko, team mates, mga kaibigan muna. Kinausap ko mentors ko, sina Kerby Raymundo at Lakay Danny Ildefonso nagbigay ng advice

“Nagtanong din ako kay Kuya Johnny Abarrientos. Si Capt. Alvin Patrimonio, nagbigay ng insights niya na na-appreciate ko talaga.


“Pati si Ate Cindy [misis ni Patrimonio] nag-advice din kay Danica. Sina PJ Simon at Jeff Cariaso, mga nakausap ko din.”

Pasasalamat ni Marc,

“Sa lahat ng mga tumawag, nag-text, nag-message, nag-post, gumawa ng fan art, gumawa ng video, maraming-maraming salamat po!!!

“Sa fans ng Purefoods, ng PBA…di mabubuo ang PBA kung di dahil sa inyo.”

Sa ngayon ay nais muna ni Marc na mag-pokus sa kaniyang pamilya at sa kaniyang sakahan na ngayon ay fully operational na.

“Sa ngayon, mag-focus muna ako sa mga business namin at saka sa quality time kasama ang pamilya.

“Babalik din ako sa basketball, di ko lang alam kung paano sa ngayon. Mahal ko kayong lahat mga Kabsat!!!”

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Dating Sikat Na Basketball Player, Ipinasilip Ang Simpleng Pamumuhay Na Mayroon Siya Ngayon
Dating Sikat Na Basketball Player, Ipinasilip Ang Simpleng Pamumuhay Na Mayroon Siya Ngayon
https://1.bp.blogspot.com/-ShhfNqqh9tY/YMVwLbOlGJI/AAAAAAAAcdw/2ViI5XqoQ3shmJWPeDDChDECa-3XiVj7ACLcBGAsYHQ/w640-h360/dghfjgkhljuh.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-ShhfNqqh9tY/YMVwLbOlGJI/AAAAAAAAcdw/2ViI5XqoQ3shmJWPeDDChDECa-3XiVj7ACLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/dghfjgkhljuh.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/06/dating-sikat-na-basketball-player.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/06/dating-sikat-na-basketball-player.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy