Security Guard, Tinulungan Ang Mag-aama Na Naligaw At Wala Ng Makain, Hinangaan Sa Social Media

Naging trending sa social media nito lamang ang post ng netizen na si Racel Diola Melargo dahil sa kabutihan na kaniyang ginawa bilang isang...


Naging trending sa social media nito lamang ang post ng netizen na si Racel Diola Melargo dahil sa kabutihan na kaniyang ginawa bilang isang security guard sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mag-ama na naligaw at halos hindi pa kumakain.

Sa video na kaakibat ng nasabing post, makikita ang lungkot at pagod sa mukha ng mag-aama, ito ay marahil dahil sa gutom at pagod ng ilang oras nilang paglalakad sa gitna ng katirikan ng araw. Talaga nga namang nakaka-awang tignan ang kanilang sitwasyon, lalo na ang mga bata na kasama ng kanilang ama.

Hindi naman nagdalawang isip si Racel na lapitan at kausapin ang mag-aama matapos niyang makita ang hirap na sitwasyon ng mga ito. Dito ay napag-alaman niya na papunta pala umano ang mag-aama sa Lemery, Batangas.

Ayon sa ama ng mga bata, wala umano silang pera na pamasahe kaya naman wala silang nagawa kundi maglakad na lamang patungo sa Lemery, Batangas. Wala din silang pera para makabili ng kanilang makakain.

Dagdag pa ng ama, sila ay nanggaling pa sa Manila, ngunit sila ay napadpad sa San Pablo, Laguna sa halip na sa Lemery, Batangas dahil mali ang bus na kanilang nasakyan.

Mula umano sa San Pablo, matiyaga ng nilakad ng mag-aama ang daan hanggang sa sila ay nakarating na nga sa Tanuan, Batangas. Sinabi ng ama na halos tatlong araw na din silang naglalakad ng kaniyang mga anak. Kung sila daw ay nakakaramdam ng uhaw at gutom, sila ay nakiki-inom na lamang ng tubig sa mga nadadaanan nilang karinerya o kung minsan ay nakikikain na din kahit para lamang sa kaniyang mga anak.

Samantala, hindi naman mapigil ni Racel na maluha habang isinasalaysay ng ama ang hirap na kanilang pinagdaanan sa kanilang paglalakbay. Makikita talaga na napakahirap ng sitwasyon na kanilang pinagdaanan lalo na ang mga bata na alintana na ang gutom, pagod, at hirap sa kanilang mga mukha.

Ngunit, mas nadurog ang puso ni Racel nang mapag-alaman na yuma0 na pala ang mga ina ng mga bata na nasa Lemery na dahilan kung bakit patungo sa Lemery, Batangas ang mag-aama.

Hindi naman nagdalawang isip ang butihing security guard na tulungan ang mag-ama matapos malaman ang kwento ng mga ito. Binigyan niya ang mga ito ng pamasahe papunta sa Lemery, Batangas para makasama din ng mga bata ang kanilang ina kahit pa sa huling sandali nito.

Bukod sa pamasahe, pinakain din ni Racel ang mga ito at pinabaunan niya ng makakain sa magiging byahe nito pauwi.

Ayon kay Racel, naisip umano niyang ibahagi ito sa social media sa pag-asa na mas marami ang makakatulong sa mag-aama na kung sakali na may makakita sa mga ito ay maisipan din ng mga may mabubuting puso na bigyan tulong ang mga ito, lalo na sa kanilang paglalakbay papunta sa Lemery, Batangas.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Security Guard, Tinulungan Ang Mag-aama Na Naligaw At Wala Ng Makain, Hinangaan Sa Social Media
Security Guard, Tinulungan Ang Mag-aama Na Naligaw At Wala Ng Makain, Hinangaan Sa Social Media
https://1.bp.blogspot.com/-1kPZbWzodIY/YMR6dMtj2eI/AAAAAAAAcag/yAgtvPDwnE07puECxGLv6PZbrECatbrlQCLcBGAsYHQ/w640-h360/sekyuhxv.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-1kPZbWzodIY/YMR6dMtj2eI/AAAAAAAAcag/yAgtvPDwnE07puECxGLv6PZbrECatbrlQCLcBGAsYHQ/s72-w640-c-h360/sekyuhxv.jpg
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/06/security-guard-tinulungan-ang-mag-aama.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2021/06/security-guard-tinulungan-ang-mag-aama.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy