Ito Pala Ang Mamahaling Mansyon Ng Aktor Na Ito Na Ngayon Niya Lang Ipinakita Sa Publiko

Si John Lloyd Cruz ay isa sa mga kilala at tinitingalang aktor sa Philippine showbiz industry. Sa kaniyang good looks at angking talento sa ...


Si John Lloyd Cruz ay isa sa mga kilala at tinitingalang aktor sa Philippine showbiz industry. Sa kaniyang good looks at angking talento sa pag-arte, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga sa kaniya. Marami na din siyang mga palabas at pelikula na nagawa na talaga nga namang karamihan sa mga ito ay pumatok at naging blockbuster pa.

Siya ay nadiskubre ng isang talent scout nang siya ay manood kasama ang kaniyang mga kaibigan ng palabas na "Magic Temple" sa isang mall. Dahil nalugi ang negosyo ng kaniyang ama noon, napagdesisyunan ni John Lloyd na pumasok sa showbiz industry para na din matulungan ang kaniyang pamilya at muling maiangat ang kanilang negosyo. Sa edad na 14 ay siya ay naging opisyal ng Star Magic member.

Gayunpaman, sa kabila ng kasikatan na tinatamasa, si John Lloyd ay nagpahinga muna sa showbiz limelight taong 2017. Sumunod nito ay ang kontrobersiya sa pagkakaroon niya ng relasyon at anak sa aktres na si Ellen Adarna.



Ngunit, sa dami ng mga proyekto, pelikula, at product endorsements na mayroon si John Lloyd noon, marami na din siyang mga ari-arian na naipundar katulad na lamang ng isang maganda at eleganteng bahay sa Antipolo City.

Ang kaniyang bahay ay isang French-Meditteranean house na inspired sa mga bahay na makikita sa Los Angeles. Ang exterior ng bahay ay napaka-elegante at napaka-welcoming sa lahat. Kung papasok ka raw dito ay talagang mare-relax ka dito.



Pag pasok pa lamang umano sa bahay ay bubungad na sa iyo ang napakataas na ceiling at masasabi mo na napakalaking bahay talaga. Maganda din ang entrada ng kaniyang bahay. Ang hapagkainan naman ay may isang sampung upuan na may narra na lamesa at dalawang chandeliers. Ang narra furniture at mga chandelier ay bagay na bagay sa kaniyang area.

May napakalaking glass window din kung saan tanaw na tanaw ang hardin sa labas ng bahay. Ang paborito din daw ng aktor ay ang kitchen. Gustong gusto niyang kumain ng agahan sa lamesa na kaharap ang bintana. 



Sa kaniyang kitchen, mayroon ding TV na nakakabit kung saan siya nanonood ng mga balita o shows habang kumakain.

Ang mga magagarang funiture at appliances ay makikita sa bahay ng aktor katulad na lamang ng cabinets na galing pa sa Germany.



Ang pool area naman sa labas ay nakakadagdag din sa ganda ng bahay na may asul na tubig at may replika ng statwa ng Venus de Milo na mafe-feel mo talaga na ikaw ay nasa ibang bansa.

Ang hardin naman ni John Lloyd ay nakaka-engganyo sa tao. Mayroon din itong mga mamahaling isda na talagang maaaliw ka sa iba't ibang uri ng kulay nito.


Ang bahay na isa lamang sa mga bunga ng pinaghirapan at pinagsikapan ni John Lloyd sa kaniyang pagtatrabaho sa showbiz industry.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1627,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: Ito Pala Ang Mamahaling Mansyon Ng Aktor Na Ito Na Ngayon Niya Lang Ipinakita Sa Publiko
Ito Pala Ang Mamahaling Mansyon Ng Aktor Na Ito Na Ngayon Niya Lang Ipinakita Sa Publiko
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEhSqkMSBzFnBPjVdY4UGKRlL3Mk4GxK-I8ZoE5R2gyr9KDyccjUEqrU_jwtnjBT0cFjjRh0ajCHRi22cqZDmS8wT-XtQ6MHUWkueMKY4Z5XbTt_vXQn3GU3Wv8OF94NBtnfO0YdXjf46fglgITH5bSDPQPMWB3AgS7HUHHfKmem5j6XQaDgnDeodrOF=w640-h360
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEhSqkMSBzFnBPjVdY4UGKRlL3Mk4GxK-I8ZoE5R2gyr9KDyccjUEqrU_jwtnjBT0cFjjRh0ajCHRi22cqZDmS8wT-XtQ6MHUWkueMKY4Z5XbTt_vXQn3GU3Wv8OF94NBtnfO0YdXjf46fglgITH5bSDPQPMWB3AgS7HUHHfKmem5j6XQaDgnDeodrOF=s72-w640-c-h360
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/01/ito-pala-ang-mamahaling-mansyon-ng.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/01/ito-pala-ang-mamahaling-mansyon-ng.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy