10-Year-Old, Viral Dahil Sa Kaniyang Reaksyon Matapos Makatanggap Ng Hindi Inaasahang Regalo Mula Sa Kaniyang Magulang

Sa mga nagdaang taon, hindi maitatanggi na naging sikat na ang money cake sa mga special occasions at iba pang mga celebrations. Sa mga post...


Sa mga nagdaang taon, hindi maitatanggi na naging sikat na ang money cake sa mga special occasions at iba pang mga celebrations. Sa mga post pa lamang sa social media, maraming tao na tayong makikita na nagbibigay ng money cake sa kanilang mga magulang, partner, at kamag-anak.

Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang nakakaaliw at nakakaantig damdaming reaksyon ng isang 10-year-old na batang lalaki matapos makatanggap ng money cake mula sa kaniyang mga magulang. Bukod pa diyan, natanggap din niya ang isang regalo na talagang hindi niya inaasahan.

Sa video na ibinahagi sa social media, makikita ang batang lalaki na si Nino na hinihila ang pera nasa loob ng cake na regalo sa kaniya ng kaniyang mga magulang para sa kaniyang ika-10 na kaarawan. Mapapansin ang nakakaaliw at masayang reaksyon ni Nino habang hinihila ang worth of P10,000 na nakalagay sa kaniyang BTS-themed cake.


Maliban sa pera, isang regalo pa ang natanggap ni Nino na talagang ikinagulat niya.

Ito ay matapos siyang makatanggap ng cellphone mula sa kaniyang mga magulang. Labis ang tuwa na nadarama ni Nino na siya ay naging emosyonal din matapos makita ang iPhone X na nakalagay sa kaniyang cake.

Sa isang punto ng video ay muli pa ngang tinignan ni Nino ang iPhone X na natanggap dahil hindi siya makapaniwala.


Ayon sa ama ni Nino na si John Siochi, lumang iPhone 5s lamang daw ang ginagamit ni Nino ngunit ito ay tuwing weekend lamang niya nagagamit. Dahil napakabait na bata ni Nino at consistent din ang pagiging with honors niya ay napagdesisyunan na nila na ibigay na dito ang kaniyang lumang iPhone X ng sa gayon ay mayroon na itong bagong magagamit na cellphone.

Ani John,

"Napakabait na bata ni Nino consistent with honors meron siyang phone pero weekend lang niya nagagamit.

"Lagi kong sinasabi sa kaniya, kapag teenager ka na saka kita bibigyan ng magandang phone.

"Kaya siguro siya napaiyak, kasi talagang hindi niya expected na may phone sa loob ng cake. At 'yun ang ultimate dream niya."

Marami naman sa mga netizens ang naantig sa naging reaksyon ni Nino. Sa ngayon ay umani na ng mahigit na 400,000 views ang naturang video.

COMMENTS

Name

Celebrities,1559,Health,23,News,1628,Others,564,Tips,14,World,27,
ltr
item
Pinoy Trending Portal: 10-Year-Old, Viral Dahil Sa Kaniyang Reaksyon Matapos Makatanggap Ng Hindi Inaasahang Regalo Mula Sa Kaniyang Magulang
10-Year-Old, Viral Dahil Sa Kaniyang Reaksyon Matapos Makatanggap Ng Hindi Inaasahang Regalo Mula Sa Kaniyang Magulang
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEinkk5P2kLTu7wC0iFdN6mm-eA0b8K3eYeEulLYVPnv7v52pieVxxgxn0Bf7id3S-68U7yCCd4Z2bWBg5kerB5solEW-4BL5Pkz1XoNvloDkWCVF-aosXJxVv2GZQgwTfU_1UGEoohZ7caWZ_ZxoNRHMusf3XglWv6OD0QEt-RZB9Z0xyz36NTj1UJ_=w640-h360
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEinkk5P2kLTu7wC0iFdN6mm-eA0b8K3eYeEulLYVPnv7v52pieVxxgxn0Bf7id3S-68U7yCCd4Z2bWBg5kerB5solEW-4BL5Pkz1XoNvloDkWCVF-aosXJxVv2GZQgwTfU_1UGEoohZ7caWZ_ZxoNRHMusf3XglWv6OD0QEt-RZB9Z0xyz36NTj1UJ_=s72-w640-c-h360
Pinoy Trending Portal
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/10-year-old-viral-dahil-sa-kaniyang_31.html
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/
https://www.pinoytrendingportal.com/2022/02/10-year-old-viral-dahil-sa-kaniyang_31.html
true
178998239066366462
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy